16

300 21 4
                                    

" Anong nangyari sa mukha mo? Grabe taelyn umabot sa pisngi mo ung lipstick mo! Anong ginawa niyo ni boss huh? Tsaka ung bitones mo kulang " sabi ni Yoongi  habang nasa banyo kami at inaayos ang sarili ko .

" Manahimik ka nga ' baka mabura kita dito sa mundong ibabaw . Buwisit! . Hindi pa talaga kami tapos nung kunehong yun tumataas ung altra prisyon ko skanya " inis na sabi ko habang inaayos ang sarili .

" E sino ba naman kasing gaga ang susugod kay boss? Hoy! Gumising ka ! Siya kaya ung nagpapasweldo sayo haler! "

" Wakumpakeke ! Sige nga ... Ikaw ang insultuhin gamit yang boobz mo?" sabay turo ko sa boobs niya . Ang gaga napahawak naman akala mo naman aangkinin .

" Anong ginagawa sayo ng boobz ko aber? "

" Tamo.. Tama tayo ng naisagot .. Ganyan din ako kanina . In short pero si Jimin lang ang short e ininsulto nung angry birds na yun ung boobs ko kaya gumanti ako " sabay punas ko ng mukha ko . Oo nga no . Mukha pala akong nilaplap ng limang lalaki .

Nakakainis talaga ung lalaking yun . Mukha na ngang suso , matambok pa ang pwetan . Triple kill . Mabaraduhan sana siya ng butas ng pwet .Punyeta siya . Huhu .Naging bihon tuloy ung ulo ko . May kikiam kaya dito?o kaya manok? Repolyo? Ano ba ito ginawa ko ng pansit ung ulo ko .

Lumabas naku after kong mag ayos alangan naman mag stay pa ako sa banyo? . Yaw ko nga ..

" Ay delubyo! Maam! " sabay yuko ko dahil nakita ko naman ang mama niya na ang pangalan ay nanalo. Ang ganda talaga nito ,mukhang mahinhin pero mukhang may sayad . Wala pa akong ginagawa pero nakangiti na sakin at sa banyo pa talaga ako inabangan ? . " Maam bakit po? Tatae po ba kayo? Sige po daan na po kayo " binigyan ko siya ng daan baka natatae na siya kaya nandito siya .

" No hindi . Ikaw ang sadya ko " sabi niya .

" Naku maam sisisantihin niyo na po ba ako? Naku! Sige po mag iimpake naku -" gulat ako ng hawakan niya ako sa braso . Chaka . Close tayo day? .

" No hindi .. Gusto kitang makausap , lets go to coffee shop dun tayo mag usap " sabi niya at naglakad na . Hindi siya iihi? o tatae? sayang .

Nasa coffee shop na kami at may tig isang tasang kape na napakaliit ng tasa . Ano ba to? Mas marami pa ata ihi ko dito e , jusko parang laruang pambata ung tasa nila . Bagay si Jimin dito . Pwee. Naalala ko namaman ung delubyong yun .

" Ma'am ano po ung pag uusapan natin? " sabay simsim ko ng kape . Try ko nga masarap ba to? Baka mas masarap pa kape namin .

" Huwag mong pabayaan ung anak kong si Jungkook " sabi niya . Namilog naman yung mga mata ko . Ang pangit pala ng lasa nitong kapeng ito . Napakapait , sobrang tapang . We? Sinapak kaba? sabat naman ng konsensya ko . Huwag ka nga! Baka ikaw masapak ko . Balik tayo dun sa sinabi ng nanay niya .

" Maam! Personnel po ako hindi body guard , hindi po ako bagay dun kasi hindi ako pipi . "

" What do you mean ? "

" Pipi po hindi nagsasalita ganun . Bihira po kasing magsalita ung body guard nung anak niyo tsaka ang tatapang e ako po maganda lang ? Di po ako bagay dun " natawa namam ito . Hindi ako nag jojoking day .

" I like your confident to yourself . But im not hiring you as body guard . You stay as a personnel of my son " sabi nya . Buti naman pinaintindi nya sakin kaso english nga lang . Magkamatayan na lahat english parin ang mga to .

" Maam baka hindi ko po matagalan ung anak niyong iyon na mukhang pinaglihi sa sama ng loob . No offend maam ah. Ano bang pinagkakakain niyo noong pinaglilihi niyo iyon at bakit ang gaspang ng ugali " biglang pumait ung ngiti nito . Natikman ko ba? .

Under Boss Where stories live. Discover now