" Taelyn! Wake up! " pagyuyuga sakin ni Jungkook . Ano ba yan! Di ba pwedeng halikan niya ako para magising ako? Ang weak naman . " Taelyn! We need to skip ! "Nagising naman ako at kita ko ang pag aalala sa mukha niya . May mga galos ito na mukhang siya ang tumalo sa mga sira ulong iyon , pero feeler naman to kala mo si Superman o Super inggo .Tumingin kaming pareho sa kaliwa at nakita namin ang mga timawang nakatayo na at mukhang susugod na ito samin .
" Hoy! Teka- Ibaba -"
" Wag kang maarte hindi ka maganda , wala ng oras " pang iinsulto niya . Bwisit sana pala hindi niya nalang ako niligtas . Joke lang agad . Binuhat niya ako na parang itatanan na bigas sa kapitbahay .
Jusko . Para akong nasa alapaap at hinahabol ng mga anghel na nagbubuhos samin ni Jungkook ng mga petals ng bulaklak . Nakangiti na pala ako sa sobrang imagination ko , napatingin naman ako sa likuran , hindi pala anghel ang mga humahabol sa amin , kung hindi mga kuto at garata , pulgas at lisa .
Nang mawala sila at nasa ibang daanan kami bigla akong binaba ni Gguk at dinala sa isang lugar na ang lalaglagan ay dagat .
" Ano pang ginagawa natin dito?" tanong ko sakanya dahil ramdam kong malapit na ang mga kalaban .
" We need to jump " sabi niya habang nakatingin sa baba ng bangin .
" Ano! Nahihibang kana ba? Ayuko pang mamatay no! " inis na sabi ko .
" You won't die okay? Trust me ! We need to jump or else we die to all guys " sabi niya .
" Ayun sila! Ayun sila! " sabi nang isang kuto
Agad akong niyakap ni Jungkook sa bewang at pinaharap sakanya at sabay na tumalon sa dagat . Habang nasa hangin nakita ko siyang ngumisi . Paepal . Mamamatay na kami lahat - lahat , pacute parin ang ganap niya . Kurutin kita sa abs mo e .
Pagkalubog namin sa dagat agad kong tinakpan yun ilong ko dahil hindi ako makahinga. Ramdam kong nabitawan ako ni Jungkook dahil sa lakas ng alon . Pinilit kong lumangoy pero hindi ko magawa .Nanghihina ang buong katawan ko . Parang sinisipsip ng tubig na to ang lakas na nasa katawan ko . Ilang saglit na lang ay tuluyan ng mawawala ang hangin ko sa katawan at hindi na ako makakahinga .
Kahit anong pilit kong gumalaw at lumangoy paitaas hindi ko magawa . Kitang -kita ko yun kwintas na bigay ni Jungkook na tinatangay na paibaba ng tubig . Napapikit na lang ako dahil unti -unti ko ng hindi maigalaw ang buong katawan ko . Namamanhid na ang mga hita ko na kahit igalw ng mahina hindi ko na maigalaw .
" TAELYN! "
Ipinalig ko yung ulo ko nang parang narinig kong tinawag ni Jungkook ang pangalan ko . Napangiti ako dahil hindi stupid girl o ugly girl ang tawag niya sa akin ngayon . Nakikita ko siyang pilit na lumalangoy at nilalabanan ang alon . Galit na galit ang itsura niya sa nangyayari . Bigla siyanh napatingin sa akin at nagtama yun mga mata naming dalawa . Hindi ko maintindihan yun binibigkas ng bibig niya . Nabibingi na din ako dahil sa tubig . Ngumiti na lang ako sa kanya at dahan -dahan ko nang isinarasarado ang aking mata dahil tuluyan na akong nawalan ng hangin sa katawan .
Bakit ganito? Pakiramdam ko nakakahinga na ako . Anong nangyayari? Parang may kung ano na nagbibigay ng hangin sa katawan ko kaya muli na akong nakakahinga .
Minulat ko ang mata ko at isang pares ng nakapikit na mata ang bumungad sa akin . Ang lapit -lapit ng mukha niya . Parang may malambot na bagay na nakadikit sa labi ko ngayon na nagbibigay ng hangin para muli akong makahinga . Nakatingin lang ako sa isang pares na nakapikit na mata nang bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang dalawang mata na kulay brown .
Si Jungkook
Lalayo na sana ako nang marealize kong magkalapat ang aming mga labi at siya ang nagbibigay ng hangin sa katawan ko pero bigla niya hinawakan ang ulo ko at mas lalo niyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya . Mas lalo tuloy lumalim ang halik namin sa isat isa . Ramdam kong napangisi ang walang'ya dahil sa ginawa niya . Natamaan pa ng ngipin ko ang ngipin niya .
Magkahalikan kami ni Boss
Magkahalikan kami ni Jungkook habang nasa loob ng dagat .
Magkahalikan kami ni Jungkook .
Magkahalikan kami ni - WAAAAAHHH
Ilang segundo na kaming nasa ganoong posisyon . Ilang segundo nang magkalapat ang aming mga lani nang maramdaman kong pilit ipinapasok ni Jungkook yun dila niya sa bibig ko . Bigla tuloy akong kinalabuta kaya nasampal ko ang buwisit na to sa ginawa niya.
OH MY GOD! Naramdaman ng dila ko yun dila ni Jungkook . OH MY GOD! Pakiramdam ko , hindi na birhen ang dila ko . Nagalaw na siya ng ibang dila .
" Walang'ya—" Bigla akong napatigil sa pagsigaw ko nang matandaan kong nasa loob pa pala kami ng tubig dagat ni Jungkook . Agad kong tinakpan ang ilong at bibig ko dahil sa ginawa ng walang'yang buwisit na pervert na kuneho na to . Sinamantala ang pagkakataon kaya nakanakaw ng halik sa akin .May bonus pang pagpasok ng dila niya sa bibig ko . Kinilabutan ang buo kong katawan .
Napatingin ako kay Jungkook na nakangisi lang sa akin . Nag dirty finger pa ako sa kanya kaya mas lalong lumaki ang ngisi ng gago . Hintayin mong makaahon tayo dito . Papaulanan kita ng mag asawang sampal sa pisngi mo . E, ano kung ang pula ng labi mo? E , ano kung guwapo ka at macho ? . Wala kang karapatan na halikan ako at ipasok mo pa ang dila mo sa bibig ko . Nakakadiri ka , Jungkook . Minolesya mo ang dila ko .
~
Ilang araw na ang nakalipas simula nung manyakin ako ni Jungkook sa dagat . Sa dagat pa talaga walang kataste -taste . Tsk .
Nalaman din namin ang taong nagpasakit ng tyan ko at sumadya ng mga disgrasya na nangyari sakin nung nakaraan . Nalaman naming si Cindy iyon . ' Akalain mo iyon , sa likod ng maamo niyang mukha kasing lalim ng dimple niya ang sama ng ugali niya . Tsk . Buti nalang wala talaga akong dimple .
By the way balik na agad tayo . Ayun naging normal ulit . Para ngang walang nangyari samin , bumalik din si ulaga sa dati niyang ugali . Akala mo hindi pinasok . Pweeee bakit ko ba naaalala yun? .
After ng malaman na si Cindy ang may sala , ewan ko kung saan nagsuot si gaga . Mabuti naman natapos na rin ang kalandian , echos , ang kanyang mga kasamaan . Napatawad ko na din siya . Sabi rin sa akin nila Itay noong nabubuhay pa siya na huwag na huwag daw akong magtatanim ng galit sa isang tao o nilalang . Dahol kapag inani ko daw ang bunga nito hindi masarap . Chos! . Kay Park Jimin o tsunano in short puwede dahil hindi naman tao ung pinalit niya sakin . Kuko yun . Isang kuko na tinubuan ng mukha . Isang kuko na may lahat ng almoranas , ebola , pigsa , putok , anghit at kung ano ano pang nakakadiri na tumutubo sa katawan .
Naiinis pero ginawa mong boyfriend . Ismid na naman ng konsensya ko . Ulol talaga to kahit kailan e .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .