“Maam bat kailangan niyo pa kasi ng balde e’ may shower naman po’ o kaya mag jacuzzi po kayo? ” sabi niya dahil nagpakuha ako ng balde ’dahil mukhang hindi mahihilod ng shower na tinatawag nila ung buong likuran ko . Mas malakas pa yata tulo ng ihi ko dito . Ung mga mayayaman talaga walang kataste taste sa gamit .
" Ano ba ung jacuzzi? Iyan bang malaking batya na iyan na mukhang mamahalin ? " sabi ko dahil babasagin ito . Anlaki nga e ’Mukhang masarap maglaba dito . Tsaka ang ganda ng banyo nila , kompleto sa gamit pero ung iba hindi ko alam gamitin kaya nagpasama ako dito kay Nanay Melda at baka makasira ako at ipabayad pa sakin ni Sir Jeon .
" Hindi po iyan batya ma'am " sabi niya . " Pinanliligo po iyan parang mini swimming pool po "
" A’ ganun ba ? Hindi kaya ako malulunod dyan ? " ani ko . " Wag nalang ako sasakay at baka yan pa ang ikamatay ko tsaka hindi naku bata para sumakay sa batya " nasapo naman ni Manang ung noo niya dahil sa sinabi ko .
Natapos ang pagligo ko ng sa tabo at balde ang gamit ko . May ibang gamit akong alam gamitin at meron ding hindi . Nakakaimbyerna naman itong mga gamit na nandito . Ang alam ko lang ata e ang inidoro na pinaglalabasan ng sama ng loob at ung parang shower na pinang iilo ng pwetan tas lababo pero ung iba hindi ko na alam dahil bihira ko ng makita iyon . Katulad ng isang ito na akala mo e salamin lang pag pinindot mo ang gitna kusang iilaw ung paligid ng salamin na akala mo kukunin ka na ng langit sa sobrang liwanag .
Paglabas ko sa banyo , nilibot ko ang mata ko sa sulok ng kwartong pinasukan ko .
" Mukhang condominium ang kwartong ito at parang kasing laki na ng bahay namin " sabi ko at napatingin sa kama na nakalagay sa gitna . May damit dito na nakatupi .
Tinignan ko ito at isang hoodies na sobrang laki at isang jogging pants na itim na mukhang kanya . Inamoy ko ito at naamoy ko ang downy na ginagamit niya na naamoy ko rin sa jacket niya na pinahiram niya sakin kanina . Amoy baby ang mga damit niya , sabagay mukha naman siyang baby . Baby na pinaglihi sa kabusangutan .
Sinuot ko na ito saka pinunasan ang basa kong buhok . Napatingin ako sa oras at napatakip ako ng bibig dahil mabaho ang hininga ko . Nakalimutan ko bang magsipilyo? Joke . Dahil nakita ko ang oras na tatapat na sa alas dose .
" Are you done ? "
" Ay punyawa kang animal! "
Hindi uso katok sa isang ito? Paano kung sa pagbukas niya e nakahubad ako? Edi nakakita siya ng katawan na mala Angel Locsin o Anne Cortiz ? Basta basta nalang pumapasok without my permission? Ayan napapaenglish narin ako . Nakakainis talaga ito’ pati ako nahahawa na sa kakaenglish niya . Ikaw ba naman makarinig ng analogy nito umaga hanggang hapon ’Ewan ko lang kung hindi malaglang yang matigas mong tuli sa tenga .
“ Aisshttt lets go to kitchen , I make soups ” sabi niya at isinara na ung pintuan . Ay nagluluto pala ang masungit at matambok na pwetan na ang boss ko .
Pipigilan ko sana siya dahil hindi ko alam ang pabalik kung saan ba ang daan? . Naku naman mukhang maliligaw pa ako . Bwesit naman na bahay to sarap sunugin . Sana sumabay naku baka maya sa sobrang ligaw ko e bukas pa ako makarating sa kusina na tinutukoy niya . Anlawak kaya ng bahay na ito daig pa ang mall parang hinigitan pa ung lawak ng MOA .
Lumabas na ako ng pintuan at nag umpisa ng mag lakad . Jusme namang bahay ito’ Oo’ daig pa tunnel ng mining . Sa susunod nga magdadala na ako ng compass pag magagawi ulit ako dito . Alin ba dito? Kaliwa kanan ? Taas o baba? Bending o Split? . Pumikit ako saka inumpisahan ang ritwal kung paraan para matukoy kung saan ba ang daanan papunta sa kusina nila . Sana nga ako nalang si Dora na kahit saan mapunta hindi naliligaw .
" Mini- Mini- Mayni Mo! Pwet ng kabayo kamukha mo ! " sabay turo ko sa ilong ni Jungkook . Nanlaki naman ang mata ko ng sumakto sa butas ng ilong niya ang hintuturo ko . Yack . Agad ko itong tinanggal . " Sir Sorry po "napahawak naman ito sa ilong niya . Nakutkot ko ata ung kulangot niya e .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .