" Ikaw ba ang nagpaiyak sa kanya? " kalmadong tanong ni Jimin kay Jungkook .Parang hindi siya natatakot kay Jungkook ngayon . Hindi man lang nabahiran ng kaba ang mukha niya .
" Kung ako nga , anong gagawin mo? " seryusong tanong ni Jungkook . " Leave , the fuck , us alone Jimin " Nakita kong napakuyom ang kamao ni Jungkook . Hindi maganda o . Baka kung anong mangyari sakanilang dalawa at malaman nila Mrs. Tine na ako ang punot dulo ng lahat .
Nagsuntukan sila na parang hindi magkapatid . Nalalamangan si Jimin dahil sa laki ng katawan ni Jungkook . Kita kong putok na ang labi ni Jimin samantalang si Jungkook ay galos lamang sa mukha .
Pilit ko silang inawat hanggang sa hilahin ako ni Jungkook at dinala ako sa rooftop ng company .
Sa takot ko hindi naku nakaimik dahil maging ang pagpindot niya ng button ng elevator ay napakadiin . Baka mapatay ako nito sa sobrang galit niya .
Namalayan ko nalang na nasa rooftop na kaming dalawa ni Jungkook . Nakatingin lang siya sa akin kaya mabilis akong hinatak ang braso ko na hawak hawak niya .
" Anong ginawa mo kay Jimin ? Kapatid mo iyon at baka mapatay mo sa ginawa mo ? " inis na sabi ko sakanya .
Umiling siya . " He won't die because of hit " malungkot na sagot niya saka tumingin sa akin . " Why do you care so much for my brother? Do you still love him? " May lungkot sa mga mata ni Jungkook ngayon habang nakatingin sa akin .
" Wala kang pakialam! Empleyado mo lang ako! Hindi mo kaano ano ! " sigaw ko . " Kapatid mo yun Jungkook . Hindi yun bagay na dapat bugbugin lang na hindi mamamatay kahit ilang suntok ang gawin . Lalo nat mas lamang ang katawan mo sa kanya ! Kapag namatay yun hindi kita mapapapatawad! "
Napatitig sa akin si Jungkook . Kitang kita ko na nasaktan siya sa sinabi ko , pero wala akong pakialam . Hindi niya iniisip ang mga ginagawa niya . Nadadamay ang mga taong wala namang ginagawa dahil sa ginagawa niya .
" Jungkook please tama na ! Bakit ba hinahabol mo pa ako ? Hihinga kaba ng tawad? Sige! I accept that sino ba naman ako para masaktan ? E , personnel mo lang naman ako! " saad ko . Parang sinasaksak ang puso ko tuwing magkakaharap ni Jungkook .
~
Nakatitig lang ako sa kawalan hababg bumabagsak ang malakas na ulan sa katawan ko at sa buong paligid . Kahit basang basa na ako , ramdam ko pa rin ang mainit na luhang umaagos palabas ng mga mata ko . Mga luhang lumalabas simula nang makita ko yun maamong mukha ni Jungkook na nakangiti sa akin pero lumuluha . Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang muli kong maaalala yun mukha niya . Aaminin kong nasaktan ako sa nakita kong reaction niya pero kailangan kong pangatawanan ang sinabi ko .
Ilang minuto na rin ang lumipas simula nang itaboy ko si Jungkook sa harapan ko . Pero heto ako ngayon nasa rooftop pa rin at hindi umaalis sa kinatatayuan . Nanlalambot na ang dalawang tuhod ko at parang gusto ko nang umiyak nang malakas at humagulgol na lang . Nagpalipas muna ulit ako ng ilang minuto bago nag desisyong umalis na ng rooftop at maglakad palabas ng company.
Para akong tanga na naglalakad sa gitna ng dilim habang patulou na lumalakas ang ulan . May payong naman ako sa loob ng bag ko pero hindi ko na inabala ang sarili ko para kunin ito . Para saan pa ba? Basang basa na naman ang buong katawan ko ng ulan e . Ano pang po-protektahan ko laban sa ulan na patuloy yumayakap sa buong pagkatao ko? Hindi ko din alam kung anong oras na pero sa tancha ko mag aalas- otcho na ng gabi .Paano ko nalaman ? Tinignan ko kasi ang wrist watch na nasa wrist ko .
Ay malamang . Wrist watch nga kaya nasa wrist yan . Maloka ako sayo kung sa leeg mo nilagay ang wrist watch mo . Panunupalpal na naman sa akin ng konsensiya kong mahadera . Hindi ko na lang muna siya pinansin ngayon .Punyatera to kahit kailan e .
Habang naglalakad at naghahanap ng tricycle na masasakyan pauwi bigla kong naisip ang isesermon sa akin ni ate . Pero kiber na lang . Pasok sa isang tenga at labas sa kabilang tenga na lang ang gagawin ko . Sa totoo lang wala akong gananh umuwi ngayon dahil ang bigat ng pakiramdam ko . Pero wala naman akong mapupuntahan kaya uuwi na lang ako at tutulungan si ate sa bahay . Para kahit papaano naman mawala sa isipan ko tong mga bwisit na bumabagabag sa akin .
" Punyeta naman . Bakit ba ang tagal ng tricycle ?" pag aangal ko sa sarili ko nang maramdaman ko na ang lamig na nanunuot sa buong katawan ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa isang realization na pumasok sa kukote ko .
Ang pag ibig ay parang pag aabang ng tricycle . Kung kailan mo gusto wala namang dumadating . Kung kailan mo kailangan wala naman nagpapakita . Minsan naaatat ka na kakahintay pero wala talagang gustong dumaan . May mga tricycle naman na hihinto pero hindi rin magtatagal . Mga choosy kasi sila sa pasaherong gustong isakay sa tricycle nila . Punyaterang mga driver to . Kapag ako nagkaroon ng kotse pagbabanggain ko kayong lahat . Maglalaro tayo ng bump car . Walang hihinto hanggang walang ulo at dugong magkakalat .
Umihip ng malakas ang hangin kasabay nito ang isang malakas na kulog . Niyakap ko na lang ang sarili ko sabay kumanta para naman maaliw ko ang sarili ko .
" 🎶Hero ako ngayon , nag iisa . Naglalakbay sa gitna ng dilim . Lagi na lang akong nadarapa . Ngunit heto bumabangon parin 🎶" Pagkanta ko habang hinahawi ko pa ang buhok ko . Kunwari nasa music video ako . " Heto ako ,basang basa sa ulan . Walang masisilungan , walang malalapitan . Sana'y may luha pa akong mailuluha . At ng mabawasan ang aking kalungkutan ."
Chaka ng boses mo gurl . May side comment na naman ang hinayupak kong konsensya .
Napatigil ako nang biglang kumidlat . Kitang kita ng dalawang mata ko yun maliwanag na kidlat na gumuguhit sa madilim na kalangitan . Bigla na namang nangilid ang luha ko dahil muli ko nanaman siyang naalala . Muli ko na nMang naalala yun mukha niyang nasaktan kanina dahil sa mga sinabi ko .
" Tama lang yun ginawa mo Taelyn kaysa mahulog ka ng tuluyan sa kanya . " pagkumbinsi ko sa sarili ko . " Hindi mo kasalanan yun . Lahat ng sinabi mo sa kanya ay pawanv katotohanan lamang at serbisyong totoo . Hindi ka pwedeng umasa sa taong alam mong tatapakan lang ang pagkatao mo . Mas mabuti pang aalis na lang ako at mamuhay ulit ng ordinaryo ." sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang walang humpay na lumalabas sa mga mata ko .
Ilang beses kong pinipilit sa sarili ko na wala naman akong masamang sinabi sa kanya but my conscience telling me otherwise . Walang mali sa sinabi ko powede ba? Gusto ko lang lumayo para narin sa kanya . Mataas siyang tao at ayukong mangialam ng buhay ng iba baka sabihan pa akong assumengera. Sino ba naman ako diba?
Hindi masama girl . Biglang sumabat ang punyatera kong konsensya . Hinihipan niya ang sarili niyang kulay red na mga kuko na mukhang kalalagay niya lang ng cutics . Alam mo kung anong masama? ' Yung hindi ma muna nakinig sa paliwanag ni Jungkook . Tingin mo bakit ka niya hahanapin kong nagpapakasarap pala siya sa babaeng yun ? Tingin mo rin gusto niyang mapahamak ka? Hindi , girl . Never niyang ginusto na malagay ang buhay mo sa kapahamakan kahit pa assistant kalang niya . Ginagawa niya nga ang lahat para mailigtas ka hindi ba? . Baka nabigla siya dun sa babae . Tapos you push him na ayaw mo siyang makita is the mosr stupid words I've ever heard in my entire life . Pag eenglish ni gaga sa akin .Porket red ang cutics niya ngayon nag eenglish na siya . Feeling niya kinaganda niya yan . Ngayon , wala na si Jungkook . Sana maging masaya ka . But , I doubt it . Alam kong hindi ks sasaya sa desisyon mong pag alis sa trabaho . Lalo nat nasanay ka na sa pagmumukha niya .
At paano mo naman nasabing hindi ako masaya sa desisyon ko aber? Pota ka! Singhal ko naman sa kanya . Wala kang alam sa nararamdaman ko . Puro lang paglalandi ang alam mo . Konsensiya ka nga ata ni Cindy e .
Alam ko at sigurado akong hindi ka masaya sa desisyon mo dahil umiiyak ka . Maybe your mouth can tell a lie but your heart and your eyes are telling a different story . Pag eenglish na naman siya . And for the record , iisa lang tayong dalawa . Ako lang ang iyong magandang konsensiya . Mas mabuti nga sigurong konsensiya na lang ako nung malanding si Cindy or whatever. Atleast siya , alam niya ang worth ni Jungkook . Ge , bumalik ka na sa pag eemote mo . I'm hoping lang na sana pangatawanan mo desisyon mo at huwag ka magsisi . Ok? kfly.
Hoy ! sinigWan ko siya pero ang gaga hindi na ako sinagot . May nilagay pa siyang karatula sa harapan niya na may nakasulat na 'Don't talk to stranger' . Sinong stranger ang sinasabi ng ampota na to? Samantalang kakasabi niya lang na iisa lang kaming dalawa , ha .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .