37

224 23 4
                                    


Jusko! Wala na bang katapusang kamalasan to? . Friday the 13 ba ngayon? Kakalabas ko lang bakit hinaharang na agad ako ng tatlong lalaki na mukhang mga alimuong .

" Miss isa mo lang ba? " tanong ng isang lalaki na mukhang taong gubat sa sobrang kapal ng buhok . Siguro hindi na kuto ang meron sa ulo nito , kung hindi garapata na .

Sa sobrang kaba ko , naurong yata papasok ang dila ko . Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang kaba   Lord iligtas niyo po ako , promise magpapakabait na po ako . pagdadasal ko .

Hinawakan ng isang lalaki ang balikat ko kaya napabalikwas ako ng layo . " Mailap ka miss , huwag kang matakot samin mababait kami basta sumama kalang" sabay pakita niya ng kutsilyo at baril naman ang dalawa . Naku chogi talaga ako nito . Hindi kaya maging bupes ung katawan ko sa mga ito . Gusto ko sanang sabihin na hindi ako masarap at hindi naghihilod pag naliligo para naman mandiri sila pero tangina ung konsensya ko inalisan ako . Peste walang pakinabang .

Sabi nila kapag daw nasa binggit ka ng kapahamakan , bigla -bigla mo raw makikita sa isipan mo yun mga taong mahal mo at impotante sa buhay mo . Para ka kasing manghihinayang na hindi ka nakapag paalam sa kanila bago ka mamatay at mawala sa mundong ibabaw . Makikita mo rin daw ang isang lugar na gusto mong puntahan bago ka pumanaw . Manghihinayang na hindi ka nakapunta sa lugar na yun noong nabubuhay ka pa . Unti -unti kang kakainin ng mga panghihinayang mo bago ka malagutan ng hininga at mawala sa mundo . Kaloka . May ganon? ..

Kaya pala ganito ang mga naiisip ko at nakikita ko habang nakapikit ako at yakap yakap ang katawan . Mukhang matatapod na ang buhay ko kapag pinutom ng lalaki sa ulo ko ung baril o kaya isaksakak ng lalaki ung balisong sakin .Hindi ko inaakalang sa hotel pa ako mamamatay at dahil lang sa buwisit na mga to .

" Bunso maaga kang uuwi ipagluluto kita ng paborito mong adobo " . sabi ni ate

Nakita ko siyang nasa kusina at suot ang pinakamamahal niyang apron na kulay pink .

Sorry , ate . Mukhang hindi na ako makakauwi . Mukhang dito na matatapos ang buhay ko . Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit pasaway ako . Sorry rin kung hindi mo naranasan ang masarap na buhay . Mukhang miss na miss na ako ni Inay at itay kaya pinapauna na nila ako sa langit . Text -text nalang , ate . Text kita kapag nasa heaven na ako para sunod ka agad . D2 na me , ate . Sunod na u .

" Kung hindi lang sa ate ko na mama niyo hindi ko na kayo papatirahin dito sa bahay na ito na dapat ay akin . Aba mahiya naman kayo sa akin , Taelyn . Huwag na kayong dumagdag sa mga sinisingil kong walang pambayad " .

Bigla rin sumulpot sa isipan ko ang tiyahin naming kalapit bahay lang namin at muli kong narinig ang famous niyang linya . Mamamatay na nga lang ako may pahabol pa siyang sermon . Hindi lang nabigyan ng ulam . Walang sawa Ante? . May pabaon talaga? Hindi ako aware na importante din pala sa buhay ko tong Ante ko na hindi kami tinuturing na kaanak , shempre fair kasi hindi din nsmin siya kilala . Ano siya gold? . Sabagay siya ang dahilan bakit may bahay kaming matutuluyan ngayon .

Salamat , Ante   Kahit lagi mo sinasabi saming pabigat lang kami sayo kahit ang gaan -gaan naman namin napagtiisan mo parin kaming patirahin sa bahay na dapat pinapaupa mo . Malaki ang utang na loob ko sayo at nakakalungkot lang dahil hindi kita mababayaran ng ilang sakong may tag pipiso . Gusto ko pa naman na maloka ka sa pagbibilang . May iko-confess din pala ako sa inyo , Ante . Noong una niyo kaming senermunan ng bonggang bongga ni ate ,sumama talaga loob ko . Kaya ang ginawa ko dahil iisa lang ang banyo natin , yun toothbrush mo nilublob ko sa inidoro . Sarap ba magtoothbrush , Ante? Keep it up .

" Wifeymuchnkinkyootiepotato ko . Mahal na mahal kita . Kapag naghiwalay tayo paniguradong mauuna akong mamamatay dahil hindi ko kakayanin . Mas mabuti pang mauna akong mamatay kaysa maghiwalay tayo"

Nakakaloka naman tong ikatlong taong nakita ko sa isipan ko . May gana pa talaga tong punyeta na to na dumalaw sa isipan ko bago ako mamatay? . At nakangiti pa nga ang gaga . Pakyu pala to e . Ang lakas ng apog na sabihin na mas mauuna daw siyang mamamatay kapag naghiwalay kami . E , bakit ngayon ang buhay ko ang nasa panganib? Marami talagang mayroong matatamis na dila sa mundo . Living example na riyan ang ex ko . Hindi pa madapa punyeta talaga .

Hoy Park Jimin , sa oras na makarating ako sa heaven sasabihin ko kay San Pedro na isunod ko yung kinakalantaran mo . Para hanggang heaven didikdikin ko ung pagmumukha niya o ipapatuka ko sa manok ni San Pedro ung nipple niya . Pero , I doubt it . Imposible na sa heaven yun mapunta . Syempre kapag namatay siya iwewelcome siya ng mga kamag anakan niya sa underworld . May get together silang mga demonyo . Pakyu .

" You're ugly stupid girl"

Ramdam na ramdam kong nagblush ang malandi kong konsensiya sa sunod na taong nakita ko . Ay wait . Hindi pala tao to kundi isang gwapo at machong kuneho . Hanggang isipan ko hindi man lang nakangiti ang walang'ya . Salubong ang kilay at mukhang iritado sa mukha ko . Mamamatay na nga lang ako susungitan pa ako ng buwisit na to . Ang sarap niya talaga . Yun abd niya at V-line niya nakakapaglaway . Ang sarap buhusan ng ketchup . Ulam na , My Gosh . Hindi na naman nagpahuli ang malandi konh konsensya . Konsensya ,sige lumandi ka lang . Tutal last mo na yan . Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko man lang nahaplos ang katawan niya . Amp .

" Im never going to leave your side and I'll protect you no matter what "

Napangiti na lang ako . Sabi ni Jungkook , hindi raw siya aalis sa tabi ko at proprotektahan niya raw ako . Pero bakit wala siya ngayong nasa bingit nanaman ng kamatayan ang buhay ko? Mga lalaki talaga walang pinagkaiba . Mga manloloko e .

Bahala nga kayo sa buhay niyo . Ge kitakitz na lang sa heaven . Text -text na lNg kapag nakapag-unli ako . Sana lang may facebook din dun para makapag update ako sa status ko . ' Chilling lang with San Pedro . Feelimg happy and contented'.

Under Boss Where stories live. Discover now