Natahimik nalang kaming dalawa ni Jungkook habang umaandar ang sasakyan papuntang museum . Oo pupunta kami ng museum ngayon dahil mamaya pa naman ang flight namin pabalik ng manila . Naramdaman ko nalang na isinandal ni Jungkook ang ulo niya sa balikat ko habang nakapikit siya . Mukhang matutulog ata ang walang'ya . Ginawa pa akong sandalan . Napatitig naman ako sa maamong mukha ni Jungkook . Guwapo talaga ng walang'ya kingina . Kung mahilig lang to sa showbiz baka artista na to e . O baka naman porn star since ang yummy ng katawan niya . Charot .
Lately lagi niya akong pinapagalitan kapag may nagagawa akong delikado . Tulad ng maiwan na bukas ang gas sa stove . Jusko ang kuneho naging lion . Sabi ko nga paano kung mamamatay naku edi papagalitan niya parin ba ako kahit huling hininga ko na pero ang gago binatukan lang ako .
" Do you think I would allow you to die? ' galit na galit na sabi sa akin ni Jungkook non . " Eveb if you're ugly , stupid and ugly again , I won't allow , I have to die first before you " .
Ginising ko na si Jungkook nang huminto na ang sasakyan sa museum . Bumaba na ung dalawang kasama naming lalaki sumunod naman kaming dalawa ni Jungkook . Pagpasok namin sa loob agad na namangha ang mga mata ko sa mga gamit na nakalagay sa mga salamin na mukhang ilang taon ng inaalagaan . Naol inaalagaan . Nag simula na rin akong magtingin tingin ng mga historical chorva na nakalagay dito .
Napahinga ako ng malalim dahil naalala ko iyong sinabi ni Jungkook sa akin . Alam ko naman talaga medyo may pagkamadisgrasya ako pero slight lang . Ganto pala kapag alam mo ung taong nakasanayan mo e may bagay na ginagawa na hindi mo pa nakikita kahit na napakatagal niyo ng magkasama . Iniisip ko tuloy na baka hindi ko lang napapansin dahil mashado kaming tutok sa trabaho kapag nasa manila kami kaya panay mga inner attitude lang ang napapansin ko madalas sakanya .
Napatingin ako kay Jungkook nang huminto siya sa isang lamesa na may babasagin na takip . May mga nakalagay na lumang kagamitan dito at masuri niyang tinitignan . Mabuti naman at naging busy na ang walang'ya . May time na ako para ma enjoy kong tignan ang mga nakalagay dito at hindi iyong sunod na lang siya ng sunod sa akin .
Naglakad ako palayo sa kanya para tignan ang mga painting na nakahelera sa mga dingding . Ang gaganda ng mga painting . Mga painting ito ng famous ang well known artist ng bansa . Hanggang sa mapatigil ako sa isang painting na parang nakakaantig ng mata . Isa itong picture ng lalaki na hawak ang beywang ng isang babae habang nasa ilalim ng buwan . Mukhang sa tingin koy nagmamahalan ang dalawang tao sa painting .
Napatitig ako sa painting na ito . Masyadong makulay ang painting na halata mong pinaghirapan ng pintor . Binaling ko na lang ang mga tingin ko sa mga letrang nakalagay sa ibaba .
" Euphoria? " pagbasa ko sa nakasulat sa baba .
Para namang bumilis ang puso ko ng malaman ko ang pangalan ng painting .
Sinunod kong tignan ang painting na nasa kanan ko . Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko ang mukha ng babaeng nasa larawan . Kahit medyo luma na ang pagkakapinta rito alam kong hindi ako nagkakamali . Alam kong mukha ko ito . Mahaba lang ang buhok ng babae sa larawan pero kamukhang kamukha ko siya . Nakatitig lang ako rito nang biglang may nagsalita sa gilid ko .
" Ang ganda niya diba? " sabi ng isang matandang lalaki na nasa tabi ko . Nakasuot siya ng salamin at desente ang pananamit niya . Mukhang isa siyang professor o maraming alam sa history
" Kilala mo po ba siya? " kinakabahang tanong ko .
Ngumiti siya saka tumango . " Siya si Taehyung . Ang pinakamagandang babae ba nabuhay noong unang panahon na magkakaibigan pa ang mga pilipino at ibang lahi . " pag ku-kuwento niya . " Kaya lang ang bata niya pa noong namatay siya . Namatay siya ng ipanganak niya ang anak niyang lalaki noon sa kanyang pinakamahal na irog na si Kim Jung . "
Para akong namangha . Kapangalan ng lolo ko ang tinutukoy ng lalaki . Naalala ko pa ang kwento ni inay na ang nanay ng aming itay ay kamukhang kamukha ko raw . Maging sa tindig ay kuha ko . Hindi kaya siya ang lola ko? . Wew? Ganda naman pala ng lola ko .
Napatingin naman ako sa kasunod na painting . Gulantang ang utak ko ng makita ko ang mukha ni Jungkook na nakasuot ng isang damit na pang militar noong unang panahon .
" Siya si Don Jung . Ang isa sa pinakamatapang na militar ng mundo " muling pagsasalita ng matanda habang titig na titig sa litratong ng lalaki na kahawig rin ni Jungkook . " Siya rin ang pinakamatulungin na militar noon pero noong makilala niya si Taehyung ay para itong nanlambot at naging mahina ng masilayan ang dalaga .
" Ang dami niyo pong alam " pagsasalita ko sa matanda . " Valedictorian po ba kayo? "
Umiling siya . " Hindi . First honorable mention lang "
" At don tayo nalungkot " Napanguso ako . " Puwede niyo po ba akong kwentuhan ng mga nangyari kay Don Jung at Senyora Taehyung? "
Tumango siya . " Walang problema . " sabi niya saka nilabas ang cellphone niya . " Pasaload muna . Kasi itetext ko ang aking anak na huwag muna ako sunduin dahil mukhang mapapatagal ang pagkwekwento ko sayo "
" Ano ba iyan , " sagot ko saka nilabas cellphone ko . " Ano po bang number niyo? Dos lang ipapasa ko sa inyo a? "
" Sige " sagot ng matanda . " Baka kasi kapag malaki ang pinasaload mo sa akin , isumbat mo pa "
" Buti alam niyo po" bulong kong sagot at pinasahan na nga ng load si manong .
Lt talaga .
YOU ARE READING
Under Boss
FanfictionShunga ang Author ! Kung hindi ka masaya problema muna . Kung masaya ka edi happy ka . Sa story na ito . Puro imahinasyon lang . Kung gusto mong mapaginipan sige push yan . Ang mga lugar ay imbento lamang .