Chapter 04

4.1K 195 46
                                    

04 - Orange Skies at Dumbo

Bea

PAANO ko kaya maiisahan itong si Max? Hindi naman siya boring kausap. Masakit na nga ang panga ko kakatawa sa kwento ng naging buhay niya dito sa Brooklyn. Expressive pati ng mga mata niya na kulay asul. Max is a half Latino, half Filipino businessman here in Brooklyn. Siya may-ari nang Elixir Rooftop and Lounge na pinuntahan ko noong araw na magkakilala kami. Marami sanang prospects kaya lang nakita ko doon yung tina-taguan ko na tao. Sa dami ng niloko ko, kailangan ko na din na mag-disguise kung minsan para lang hindi ako mag-himas ng rehas dito.

Mukhang olats yata ako ngayon at mali na sinabi ko na wala akong ibang lakad. Max doesn't have cash. Kanina, credit card iyong pambayad niya sa kinain naming sandwich. Iyong mga mata niya kasi nakaka-scam. Kailangan ko na umalis para makarami naman ako ngayong araw.

Ang mahal mabuhay dito sa Brooklyn tapos magtatanong pa ako tungkol sa tatay ko. Nakaka-isang buwan na ako dito pero olats pa din sa mga impormasyon tungkol kay Papa. Ayoko namang umuwi na hindi natupad ang pangako ko kay Lola Esme. Sobrang hirap na ang dinanas niya sa pagpapalaki sa akin. Sana lang kapag sinabi ko ang buhay na mayroon ako dito ay hindi siya ma-disappoint. 

"Uhm, Max, ano kasi... kailangan ko na umalis. Biglang sumama ang tiyan ko. Sorry ha, bye!"

Dali-dali akong umalis at hindi na siya hinihintay pa na magsalita. Nakakahiya 'man ang palusot ko, okay na din naman para ma-turn off na siya. Sayang ang half blood fish na katulad niya, ngunit wala akong magagawa. My fish bowl doesn't need fish right now. I need to strive hard to live in a place like this where everything is expensive.

Binalikan ko si Gwynette at kinuha sa kanya ang bag ng mga disguise ko. Ngayon, hindi ako si Bea o si Summer. I'll be Gwen Smith, a short hair blonde woman owner of Miss Flimsy Cafè. Magpapanggap lang para makakuha ng pera na paghahatian namin ni Gwy. Makakahabol pa ako sa kota ngayon kahit medyo tanghali na ako nag-umpisa ang daldal kasi ni Max!

"Ikaw nga umamin, may pagnanasa ka ba doon sa lalaki kanina?"

Napatigil ako paglalagay ng eye makeup dahil sa tanong ni Gwy sa akin. She's referring to Max if I'm not mistaken. Buti pala hindi ko na-alis ang nunal sa upper lip kung hindi mabubuking ako agad ni Max. Ngayon ko lang ito aalisin dahil hindi bagay sa disguise ko ngayon.

"Binabalaan na kita, walang magandang maidudulot 'yan. Kung gusto mo mahanap tatay mo, magtrabaho ka lang dito."

"Aye, aye, captain!" Malokong sagot ko.

"Baliw ka talaga kahit kailan. Huwag mo sabihing kailangan pa kita ipagdasal?"

"Oo naman, dzai! Gawin mo ng hobby 'yan kapag naraket ako,"

Nailing lang si Gwy saka tinulungan na akong isuot ang wig ko ba blonde. Bagay yun sa maputi ko nakutis. Mukha talaga akong Americana kaya kapag nagkita kami ni Papa madali lang niya ako makikilala.

"Yung bilin ko h'wag mo kalimutan," paalala pa muli ni Gwy sa akin.

"Yes, mom!"

Binatukan niya ako saka umalis na. Minsan talaga itong si Gwy hindi maintindihan ang ugaling mayroon. She sometimes witty, but uptight most of the time. Lord, sana po madiligan siya para naman mabawasan ang kasungitan...

***

"WE entrust our money to you, Ms. Smith. I hope this venture will be a success,"

Ngumiti ako at naging abot langit ang ngiti ko ng makitang sumusulat na ang ka-transaction ko ng check na nakapay-to-cash. Instant three hundred dollars agad kahit na tanghali na ako nag-umpisa. Pagkatapos nito iba naman ang karakter ko at doon ako banda sa may Dumbo dahil marami rich guy doon. Nakipag-kamay ako sa ka-transaction ko ng ma-i-abot na niya ang cheke sa akin. Good job, Bea!

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon