Chapter 34

2.8K 170 33
                                        

34: Surprise

Bea

ONE WEEK has passed and I'm still keeping my current condition a secret to everyone, including Max. Nakaka-konsensya na hindi magsabi lalo na kay Lola Esme. She kept on asking how well I am every day as if she knew something about the secret I'm hiding. Naniniwala akong hindi sinabi ni Aila ang tungkol dito sa kondisyon ko. Baka nakakahalata lang si Lola? She knew me very well.

Si Max naman nagtatanong kung ayos lang ba ako dahil lately ako ang nauna na matulog sa aming dalawa. Iyong stress ko, dinadaan ko na lang sa pagtulog at wala pa din akong gana kumain. I don't know if I lose or gain weight as days passed by. Maraming changes sa katawan ko at ganito yata talaga kapag buntis. Dagdag pa yung mga iniisip ko sa school. Yung mga projects, reviewers, recitation, parang gusto ko na lang umiyak sa sulok o 'di kaya maglaho bigla.

"Hay buhay," bulalas ko at yumukyok na sa kahoy na lamesa sa harap ko.

"Ang ingay mo naman, Red Hair." Agad akong napalingon at si Atty. Trinidad ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng hayunin ko ang tingin ko sa kanya.

He stood up from where he was sitting and occupied the seat across from mine.

"This is my resting place. See this name?" Binasa ko ang nakaukit na pangalan sa kahoy na lamesa. Napanguso ako ng mabasa ang buo niyang pangalan. "You're invading private property and that's against the law. I can sue you for trespassing."

"Binili mo ba itong lugar? Pwede ko bang makita ang contract agreement na may pirma mo at ng school?"

Tumawa siya.

"I'm impressed, Red Hair. I thought you're just wasting your parents' money by taking a course you don't want to pursue."

"Ang judgmental mo talaga, Atty. Sa akin, every piso counts kaya kailangan ko makatapos."

Tumango-tango siya. Lalo pa yata siyang na-impress sa sagot ko. Atty. Trinidad didn't answer instead, he took out a sandwich on a zip lock from his bag. Napatingin ako doon, wala pa akong kain mula kanina at nagtago lang ako kay Karel ngayon na may mahaba kaming vacant time. Atty. Trinidad looked at me after unwrapping his sandwich.

"Gusto mo?" Tanong niya.

Tumango ako at binigay naman niya yung isa sa akin. Makapal talaga mukha ko kapag gutom at usapang pagkain.

"Thank you!" I said as I accepted the sandwich. "Uyy, ang sarap naman nito. Ikaw gumawa?"

"Yeah." Matipid niyang sagot sa akin. Ito ang unang pagkain na nasarapan ako na para bang ang pakiramdam ay kakaiba. Wala naman siguro itong gayuma? Solid Max Lewis pa rin ako kahit na hindi ko masabi sa kanya na magkaka-anak na kami. "Vacant time mo?"

"May option ba ang school para sa mga buntis na estudyante?" I asked instead of answering his question.

I really wanted to know the options. Gusto ko pa din makatapos kahit buntis ako para hindi ko na kakailanganin pa na huminto. Hassle kasi uulit na naman ako sa simula at nanghihinayang ako sa naibayad ko na tuition. Malaki din iyon at nagparaya pa si Lola para lang maituloy ko itong pangarap ko. Hindi ko pwedeng sayangin ang pagpaparaya at suporta ni Lola sa akin.

"Yes, I think. This isn't a Catholic school so I guess the administration will give an option."

"May ideya ka sa option?"

"Why are you asking this, Red Hair?"

Huminga ako malalim. Safe naman siguro sa kanya ang secret ko at baka nga matulungan niya pa ako. Kahit na masungit siya at judgemental pa.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon