26: Inked
Bea
MATAPOS mag-propose ni Max sa akin, inaya niya akong lumabas ng Chateau Marmont. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad patungong Cresent Heights. Maraming tao at iyon naman ang hindi nawawala sa kahit saang sulok ng siyudad sa Amerika. Doon agad kaming sumakay ng bus papuntang Downtown, Los Angeles. It takes one and a half-hour ride before we reached Tinta Rebelde Customs Tattoos. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito at ano kinalalaman nito sa proposal niya kani-kanina lamang.
If proposal nga bang matatawag iyon dahil walang singsing na apparently, binenta ko na nga. Hahanapin ko yung pinagbentahan ko para mabawi iyon at mag-iipon na lang ulit para ma-ipadala kay Lola. Kung alam ko lang na iyon pala ang ibibigay niya sa akin sana hindi ko na binenta at ginalingan na lang sa pag-arte at panloloko. Nasa huli talaga ang pagsisi pero ayos na din at least dahil sa singsing na yun buhay pa ang Lola ko. Sayang lang at wala siya para makita at makilala si Max.
I've set and planned our own itinerary for today but because of the unexpected turn of events, we're here, standing outside a custom tattoo shop.
"Anong meron dito, Max?" tanong ko kay Max matapos sipatin ang kabuuan ng shop na nasa harapan namin pareho.
"We'll get inked today." sagot niya saka hinila ako papasok sa loob.
After ng proposal, magpapa-tattoo kami?
Yung totoo?
Ano ba ang trip na meron itong si Max?
All of a sudden he asked me to marry him after I say that I will stay in Brooklyn with him. Matagal ko iniisip ang desisyon na manatili muna sa Brooklyn kahit paso na ang visa ko. Pagbalik ko haharapin ko pa ang sermons ni Gwy, yung hampas ni Del at irap ni Thalia dahil sa desisyon ko na ito. Ayokong iwan si Max agad at parang kulang talaga itong isang buwan para sa aming dalawa. Tatawagan ko na lang si Lola Esme at ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
Sana lang matanggap niya...
Hindi na lang siguro muna ako lalabas para maiwasang mahuli ng mga pulis. Mahirap makulong at tingin ko naman aayusin ni Max ang renewal ng visa ko kahit hindi ko hingin sa kanya. Mamaya pagkatapos nitong lakad namin pa-planuhin ko na ang mga gagawin ko sa apartment ni Max. Sigurado naman kasi ako na hindi na niya ako pababalikin kay Gwy. I'll just invite Gwy there to talk.
And to receive her sermons, and violent reactions....
"Magpa-pa-tattoo tayo? Saan naman?" Sunod-sunod ko na tanong kay Max.
Max has a tribal tattoo on his shoulder and a compass on the chest. Hindi ko pa natatanong ang meaning ng dalawang tattoos niya. Mamaya na lang din siguro kapag kaya ko pa na dumaldal. My ornament tattoo was just a product of my stubbornness. Nagrebelde ako kay Mama kasi sabi ng mga kaibigan ko daw, mapapansin niya ako kapag may ginawa akong kalokohan. Pansin na pansin nga dahil muntik na mamatay si Lola Esme dahil lang sa nakulong ako ng anim na oras. Kick out pa dahil sa ginawa kong kalokohan at tattoo na hanggang ngayon nasa katawan ko pa din. I want to remove it but Max admired it so much.
"A ring tattoo."
A ring tattoo... seryoso ba itong lalaking 'to?
"Seryoso ka ba talaga dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi na masakit ang magpa-tattoo at pagkatapos nitong ornament tattoo ko sa likod, nangako ako na hindi na uulit. Kung sa likod masakit na paano pa kaya kapag sa daliri ko na sa kamay. Will the pain be worth it?
"Seryoso ako, Bea. Ikaw, seryoso ka ba na mag-stay sa Brooklyn kasama ko?"
Tumingin ako sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...