Chapter 40

2.6K 152 25
                                    

40: The Moment I Knew

Bea

"BEA!" sigaw na pumukaw sa akin at agad na nagpalingon. I thought it was Max already but I'm wrong. Boses babae kaya ano ba ang iniisip ko. Kinawayan ko si Karel at hinintay na maka-lapit sa akin. "Ready ka na? Nandito na family mo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

Luminga-linga pa ulit ako sa labas ng gate, umaasa na makikita si Max na pumasok doon imbis na sagutin ang tanong ni Karel. Nasa loob na si Lola kasama si Aling Flora at Aila at kaming mga magtatapos ang nakapila dito sa labas. Naghihintay ng go signal na pwede na kaming pumasok sa loob ng stadium. It's been three weeks since Max left for Singapore. May Chinese investors na gusto siya makausap ng personal kaya apat araw matapos namin i-celebrate ang aming anniversary ay umalis na siya.

I sent him away even if it's hard for me. Gusto ko sumama kaso nahihiya ako kay Dominic na magpaalam. Hindi na kasi reasonable iyon kapag pinili ko na sumama sa kay Max. Ano naman gagawin ko kapag nasa meeting siya sa Singapore? Ayan ang inisip ko ng tangkain ko na magdecide na sumama sa kanya doon.

Matatapos na ang OJT ko at inaayos na yung pag-regular sa akin sa law firm. Hiningan na nila ako importanteng documents gaya primary government benefits indentification cards at application forms. Ang sabi sa akin noong huli ko makausap si Miss Jenny ay ipapadala na daw ang contract for regularization sa akin para mabasa at mapirmahan ko. Mixed emotion ang mayroon ako ng marinig iyon kasi hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Tara na, Bea." Nag-umpisa na lumakad si Karel at ako sumulyap pa ulit sa gate sa pagbabakasakaling makikita ko si Max ngunit wala talaga.

Pagpasok namin sa loob ng stadium, dumaan kami sa gilid kung saan naka-pwesto ang Lola pati na sina Aling Flora at Aila. Sumenyas ako kay Aila dahil hawak niya ang cellphone ko para icheck kung may tawag ba si Max ngunit wala din ang nakuha ko na sagot. Nalimutan kaya niya? Pinaalala ko pa itong araw na 'to sa kanya bago maputol ang communication namin. I don't know what happened to him and I asked Claudel last night if he talked to Max but I got no answer.

Naupo na kami ni Karel at pinakinggan magsalita ang President ng school. Pagkatapos agad na sumunod na nagsalita ang Vice President at ipinakilala ang panauhing pangdangal ng araw na iyon na walang iba kung 'di si Dominic. Isa sa mga pinaka-sucessful na alumni ng campus.

"Good morning! On behalf of Manila College's President, members of the board, faculty, staff, alumni, and most especially the parents and families who are here with us today, I'd like to congratulate all of you."

Ngumiti ako ng marinig ang pagbati na iyon ni Dominic. He cleared his throat before continuing his speech.

"This speech is just an impromptu and I'd like to get rid of the script now. This day is about you and what you achieved and also a constant reminder that all of you can be more. Do not be stagnant, grow at your own pace and be where you want to be not where you are needed."

Lagi iyon pinapayo sa akin ni Dominic kapag nagkakausap kami ng masisinsinan. Walang salitang timeline sa buhay ng tao at lahat maaring maging successful sa sarili niya galaw at oras.

"Timeline is overrated and you have to take everything one step at a time. This another statement for YOLO, millennial people."

Mas lumawak ang ngiti sa sinabing iyon ni Dominic pagkatapos ay muli niya kaming binati lahat bago umalis ng stage. The commencement proceeded to diploma giving and all of us were lined up. Tumingin ako sa paligid ngunit nanatiling bakante yung pwesto sa tabi ni Lola na pina-reserved ko para kay Max.

"Karel Marie Mañalac."

Huminga ako ng malalim ng tawagin na pangalan ni Karel.

"Beatriz Natividad." Lumawak ang ngiti ko saka mabilis na umakyat sa stage para tanggapin ang diploma ko. I shook hands with the dean then walked towards the center. I showed my diploma to my family and waved at them before walking towards Dominic's spot.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon