Chapter 28

2.7K 165 25
                                    

28: A Turmoil

Bea

"WE'RE just going to polish everything today with Chris and the event planning team. Konti na lang naman iyon kaya tingin ko maaga ako na makakauwi ngayon."

Naririnig ko ang sinasabi ni Max pero lumalabas lang din iyon sa kabilang tainga ko. I am here lying down in bed and my eyes are focused on his room's ceiling. Ang alam ko lang ay tungkol sa launch ng Elixir branch sa Crowne Plaza Hotel and Resorts ang sinasabi niya. Bukas na iyon mangyayari at halos ilang linggo ng abala si Max ng dahil doon. The planning started when we both got back from Los Angeles.

Ni-hindi na nga niya ako nagawa na balita-an tungkol sa extension ng aking visa at iyong plano na dalhin si Lola dito ay hindi na uli napag-usapan. Hindi na kami gano nakakapag-usap na dalawa. Kapag aalis siya, tulog ako o kaya ganito, tulala lang ako at ganun din pag uuwi na. Ang huling usap namin ay noong kumain kami sa Jollibee sa Time Square. Hindi ako nagsasalita kasi baka mamaya pagsimulan ng away kahit na ang dami ko na dapat masabi sa kanya.

I wanted to ask questions but I'm too cowardly to voice it all out.

"Hey," pukaw sa akin ni Max. "Are you okay?" Na-upo siya sa gilid ng saka hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

It's already half past six in the morning and Max needed to go. Kapag ganito na gising ako, hindi siya aalis hangga't hindi ko nasasabi na ayos lang ako. Na walang problema kahit pa sa isip ko ang dami-dami na natakbo na kung ano-anong mga bagay.

"Okay lang ako. Kita na lang tayo mamayang gabi," sabi ko sa kanya kahit parang napaka-imposible naman noon. 

"Are you sure --" Max's phone suddenly rings. Tiningnan niya ang rumehistro na pangalan ng caller bago muling tumingin sa akin. "I have to take this call."

I faked a smile and nodded.

"Go na. Okay lang ako dito."

"Alright. Bawi ako mamaya, baby. See you. Love you." Max said after kissing my forehead and walked out of the room. I'm hearing Max talking to someone on the phone and he's using a spanish language. Lengwahe na hindi ko pa magawa na matutunan salitain.

"See you. Love you, too…" I said in the air, hoping that Max could hear it.

Mag-isa na naman ako ulit.

Hindi naman literal na mag-isa dahil kasama ko naman sa apartment si Madam kaso may mga pagkakataon na ako lang talaga. Nahihilig kasing lumabas labas si Madam ngayon kasama ng mga kaibigan niya na tenant din ng building. Ako na mapapaso na ang visa, hindi na makalabas ng matagalan dahil sa takot na mahuli ng mga pulis.

Dahan-dahan akong bumangon at inayos ang pagkaka-balot ng kumot sa katawan ko. Inabot ko yung panali sa buhok sa bedside table at ginamit. Last night when Max came home, we made love until he fell asleep first. Pinanood ko lang matulog hanggang sa antukin na din ako. My thoughts were halted when my phone rang.

Inabot ko yun para tingnan kung sino ang tumatawag. I suddenly came back to my senses when I read Lola Esme's name flashing on the screen. Mabilis akong nag-ayos ng sarili bago iyon sinagot.

"Lola!" Masaya kong bati ng ma-open ang camera. It was a video call and Aling Flora's face greeted me first. Siya ang nag-aalaga kay Lola ko at sa kanya ko pinapadala yung kita na meron ako dito sa Brooklyn. Ngunit dahil panay ang bakasyon namin ni Max noong nakaraan, hindi pa ako makapag padala sa kanila sa Pilipinas at mag-i-isang buwan na.

"Kagigising mo lang? Anong oras na ba dyan at parang madilim pa?" Tanong ni Lola sa akin ng ibigay na ni Aling Flora sa kanya ang cellphone.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon