42: Ours
Bea
MALALIM akong huminga bago tinuloy ang ginagawa ko na mag-xe-xerox ng mga kailangan ni Dominic sa meeting niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko ng magising kanina kaso kailangan ko pumasok dahil wala naman iba na gagawa nito kung 'di ako. Pinigilan pa ako ni Max na pumasok at pinakita ko lang sa kanya na ayos lang ako pagka-inom ng gamot at kainin iyong niluto niya. Lately, I'm feeling stranged and my moodswings went to the next level. Madalas naiirita ako kay Max pero ayoko naman siyang malayo sa akin.
"Bea, have you printed out the case file I need today?" Pukaw na tanong sa akin ni Atty. Reyes. Simula ng ma-regular ako, na-clear na assistant lang ng mga senior partner hindi ng buong firm.
"Ay, opo, wait kukunin ko sa table ko." Sagot ko sa kanya.
"W-wait, Bea. Tapusin mo muna 'yan. It's for Dominic, right?"
"Ah, opo." Ngumisi siya na hindi ko naman magawang maintindihan ang kahulugan. "Patapos na naman po ako --"
"I'll just get it by myself. Nasa table mo lang naman 'di ba?" Tumango ako at iniwan na naman na ako agad ni Atty. Reyes. Kunot noo akong bumalik sa ginagawa at ng matapos, nilipon ko iyon saka nilagay sa isang folder bago tumungo sa office ni Dominic.
"Hi, Bea!" Bati sa akin ni Lorraine. Tinulungan niya ako sa mga bitbit ko na folder kahit hindi ko naman hinihingi tulong niya. "Pwede ba kaming magpa-reserve sa Elixir para mamaya? Boyfriend, ay fiance mo pala may-ari noon 'di ba?"
Mahirap makapasok sa Elixir Manila kung hindi elite o kilalang tao. Maraming nagtangka na magpa-book ng pwesto on the spot ngunit hindi nakakuha. Priority nila iyong mga nagpa-reserved weeks ago o kahit buwan via online reservation sa website nila. Ibang-iba sa Brooklyn Branch para hindi mahaluan ng mga kung ano-anong isyu sa bansa. Purely business lang talaga ang Elixir Manila at hindi welcome ang mga nais lang magpasikat doon.
"Wala akong ideya sa mga naka-book nilang guest ngayon doon. Hindi ko sure kung ma-e-entertain kayo on the spot doon." Sabi ko saka nag tuloy-tuloy sa paglalakad.
"Kasama ka naman mamaya so, kaya may fiance pass na para makapasok kami ng hassle free,"
Iniwasan ko na magtaas ng kilay pero iyong sinabi ni Lorraine ay sadyang nakakataas talaga ng kilay. Pakiramdam ko umabot na sa 21st floor yung kilay ko.
Gamitin ba ako para maging VIP sila, ugh!
My thoughts were halted by a vibrating sound on my pocket. Kinuha ko iyon saka tiningnan ang mga text na pumasok.
Love: I'll fetch you later.
Love: No need to go home. Hassle para sa 'yo.
Love: Nandito pala ako sa Elixir kaya madali lang kita mapupuntahan.
Napangiti ako ng mabasa ang sunod-sunod na text na iyon ni Max. Binalik ko muna sa bulsa ang cellphone at mamaya na lang siya re-reply-an.
"Hindi po ako sasama mamaya sa party. May date ako kasama fiance ko." Diretso ko na sagot.
Nagpaalam na ako kay Dominic at Atty. Reyes kanina pagpasok ko. Undertime pa nga ako dahil traffic at baka ma-late ako sa date namin ni Max. Mula ng maayos namin ang gusot na malinaw na ako ang may gawa, nag-stay muna si Max dito. Para rin personal na patakbuhin ang Elixir Manila na unti-unti ng nakakasabay sa ibang branch na mayroon siya.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...