Chapter 30

2.8K 151 35
                                    

30: Home

Bea

"SURE KA na ba talaga?" Tanong na pumigil sa aking ginagawa.

I heard the same question before when I left the Philippines and came here to Brooklyn. Same question, same scenario but different circumstances. Noon, ang plano ko lang hanapin si Papa sa bansang banyaga para sa akin. Kaunti lang ang baon ko na ingles pero naka-survive ako at naka-kilala ng mga taong itinuturing ko na pamilya dito. Kung wala sila, hindi ko alam kung tatagal ako ng anim na buwan dito.

"Sure na... yata... aray naman!" Angil ko kay Gwy ng batukan niya ako bigla matapos marinig ang sagot ko. Alam ko na hindi ang klase ng sagot ko ang in-expect niyang madidinig mula sa akin. Gwy wanted to hear something serious but I needed to hide sadness behind my wittiness.

"Bakit hindi mo kausapin bago ka umalis?" Tanong niya ulit at sigurado akong si Max ang tinutukoy niya.

Matapos naming mag-away dalawang araw na nakararaan, hindi na kami nag-usap miski sa tawag o sa chat. Claudel brought me my passport with a one-way plane ticket back to the Philippines. Siya din ang sumama sa akin para i-meet si Papa sa Manhattan. At first, nag-alangan ako na lapitan si Papa pero pinilit ako ni Claudel at nagpapaalala na iyon ang pinunta ko sa Brooklyn. Ang makita ang sarili kong ama ang talagang goal ko dito.

Marami lang nangyari na nagdala sa amin ni Max sa isa't-isa. Ngayon, iyon din ang dahilan kaya kami maghihiwalay ngayon. Ang totoo hindi ko alam kung kami pa ba na dalawa kasi malinaw ko na narinig galing sa kanya ang mga salitang iyon.

Kung gusto mong umuwi, umuwi ka...

Napapikit ako ng maalala iyong huling sinabi ni Max bago niya ako tinalikuran noong nakaraang dalawang araw.

"Tao po!" Sigaw na parehong pumukaw sa amin ni Gwy. Agad ko sinipat ang oras at malalim na huminga bago tinuloy ang pag-aayos ng gamit. "Bakla, aalis ka ng 'di nagpapa-alam sa akin?" Tanong na muling nag patigil sa ginagawa ko.

Matatapos ko pa ba ang pag-e-empake?

It was Del who became one of my close friends here. Mag-isa lang siya at may bitbit na paper bag. Nilapitan ako ni Del at niyakap ng mahigpit bago inabot sa akin ang mga paper bag.

"Pasalubong mo sa Lola mo at yung isa para sayo yan," ani Del sa akin

"Ihahatid ka na namin sa airport." Sambit naman ni Gwy sa akin at tinulungan na akong mag-empake. Alam naman na niya ang isasagot ko sa tanong niya kanina.

Hindi na ako magpapaalam kay Max kasi baka hindi ko kaya na umalis kapag siya ang naghatid sa akin. Madam and I talked the other day and she's a bit disappointed about our petty misunderstandings. Lahat naman daw kasi nadadaan na maayos na usapan kaso mas pinili namin ito ni Max. She still wanted me to stay here and be with her nephew. Pero nakapag-desisyon na daw ako at wala siya karapatan na pakialam iyon.

Si Papa nirerespeto ang desisyon ko na bumalik ng Pilipinas kahit sinabi niya na pwede kaming magsimula ulit mag-ama sa Manhattan. Kailangan kasi ako ni Lola Esme at nasabi ko na sa kanya na uuwi na ako ngayong araw.

"Huling gala sa Brooklyn bago ka magpunta sa airport? Game?" Napatingin ako kay Gwy at ng tumango siya tumalon talon kami ni Del sa tuwa. Nag-day off siya para sa akin at itong si Del mukhang iniwan muna ang client niya para sa akin.

Pagka-empake ko, magkakasunod kaming lumabas ng bahay ni Gwy at naglakad palabas. Huminto kami sa tapat ng malaking bahay na pag-aari na ni Max ngayon. Sumilip ako sa gate sa pagba-bakasaling naroon siya pero wala. Bawat daan ay nakikita ko iyong mga ala-ala na nabuo naming dalawa. Doon sa harapan ng souvenir shop kung saan niya ako unang hinalikan. Iyong poste ng ilaw na madalas ko ikut-ikutan sa hindi kalayuan nakatingin lang sa akin si Max.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon