Wakas

4.4K 200 80
                                    

A/N: I read your comments about this kaya ito na binigay ko para naman makatulog na kayo ng mahimbing at ma-tuloy ko na ang update ng Season Of Heart on a daily basis. As planned, mababasa niyo ang epilogue plus three special chapters sa libro sa December 2021.

***

Wakas: I'm Still New York

Bea

"DO you need anything, ma'am?" tanong sa akin ng flight attendant na lumapit ng pindutin ko iyong seat button sa gilid ko. I was so cold and I need a blanket. Hindi naman ako makatayo dahil baka mamaya mabuwal ako at mahirap na, buntis ako at kailangan ko na mag-dobleng ingat ngayon.

"Can I have a blanket, please?"

Ngumiti sa akin ang flight attendant saka sandali akong iniwan. Pagbalik niya, may dala na siyang kumot at maliit na unan na nilagay niya sa likuran ko. Wala akong masabi sa airline na ito dahil simula pagpasok ko ay asikasong-asikaso na ng mga flight attendants kaming nasa business class. Yes, business class ang classification ng plane ticket na iniwan ni Max sa akin na siyang pinili ko pagkapaalam kay Lola at Mama. Yes, my mom and I already reconciled sort things out a little. Babalik naman ako kaya mapa-plantsa pa naming ang ibang gusot sa pagitan namin. Bumalik ako sa doctor ko kahapon at tinatanong kung safe ba na bumiyahe ako at binilinan na lang ako na mag-ingat saka laging humingi ng tulong sa mga flight attendant.

Bago ako humantong sa desisyon na ito na alam ko namang mag-pa-pasaya sa akin ng husto kailangan ko muna isara ang isa pang bukas na libro. Kapag hindi ko ginawa ito, pakiramdam ko hinding-hindi na ako magiging masaya kahit na anong gawin ko na pag-pu-pumilit. It was an emotional parting before I enter this plane but I felt no regrets. Alam ko sa sarili ko na tama ang gagawin ko na bumalik sa Brooklyn para kay Max. I need him, we need him. When I got settled, the flight attendant left and all I did that very moment was to travel down memory lane.

***

"Kumpleto na ba lahat ng gamit mo? Ihahatid ka pa ba namin?" tanong sa akin ng Lola habang tinutulungan niya ako na mag-impake ng mga gamit.

Naulit iyong eksena noong panahon na aalis ako para hanapin si Papa sa Brooklyn. Hindi na nga lang natanong ni Lola kung sigurado na ba ako sa gagawin ko dahil alam naman niya kung paano ako mag-isip. Naging makasarili lang ako at hindi nakita ang mga sakripisyo ni Max. I need to win his heart once again not only for me, but for the life inside me. Nang basahin na sa akin ang resulta kahapon, aminado ako na hindi ko alam ang aking gagawin.

How can I be so selfish and let the only guy who loved me more than he loved himself go?

"Ate, may naghahanap sa 'yo sa 'baba." Pareho kaming napalingon ng Lola kay Aila. Hindi niya sinabi kung sino ang naghahanap sa akin kaya huminto muna ako sa ginagawa at bumaba.Naka-sunod sa akin si Lola na panay ang paalala na mag-dahan-dahan ako sa paglalakad at pagbaba baka daw mapano kaming mag-ina."Ayaw niya pumasok, Ate. Doon na lang daw siya sa garden."

"Sige ako na bahala. Tulungan mo na lang si Lola." Sabi ko saka lumabas na.

Sa garden, may isang babae na pula din ang buhok gaya ng akin. She has the same physique as I am. Matagal ko na hindi nakita ang pigura na iyon at aminado ako na hindi ako umasa na babalik pa siya. Matapos ang lahat ng nangyari noon, kinalimutan ko na ang paghiling na makumpleto ang pamilya ko. Nang lumingon siya sa gawi ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha.

Dala ba ito ng pagbubuntis ko?

Ganito ba talaga iyon?

I felt a faint movement inside my tummy, like butterflies in a pit of my stomach. Nasapo ko iyon saka malalim na huminga. Was this my baby's way to communicate with me? Dati ko ng nararamdaman ito ngunit hindi pinagtutuunan ng pansin dahil nga sa pagiging abala ko. Sunod-sunod pa ang problema at pang-aaway ko kay Max.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon