44: Exile
Bea
I WAS UNWELL when I woke up earlier today. Ang sabi ng Lola, magpatingin na ako pero hindi ko ginawa. Nag-text lang ako sa HR department na hindi muna ako makakapasok ngayon. I also texted Dominic and Atty. Reyes that I can't go to the office today, that I'll just rest for a day. Hindi ko alam kung anong dahilan nito at sigurado naman ako na hindi ako nabasa ng ulan noong nakaraan. Pabago-bago na ang panahon, maaraw tapos uulan bigla.
Dapat susunduin ko si Max sa airport ngayon pero hindi natuloy dahil masama ang pakiramdam ko. Nag-chat ako sa kanya na dito ko na lang siya aantayin. Mababasa naman niya ang message ko kapag naka-open na ang data niya. Hindi naman planado ang pag-uwi niya ngayon. Biglaan lang at hindi ko pa na-tanong kung bakit siya umuwi ngayon.
A phone vibration halted my thoughts. Pagtingin ko sa screen, pangalan ni Dominic ang naka-rehistro.
"Hello?" Sabi ko ng sagutin ko ang tawag niya.
"Hi! I sent some fruits and food packs for you. Also, check your email when you have time. Nagsend ako ng Scotland brochure at company profile ng client ko."
Napatingin ako sa laptop ko na nakapatong sa center table. Hindi ko pa nahahawak iyon mula kanina na bumangon ako. Nasuklay ko ang buhok gamit ang kamay. Hindi ko pa pala nabibigyan ng sagot si Dominic tungkol sa offer niya hanggang ngayon. Nakausap ko na ang Lola Esme at sabi niya pag-isipan ko daw ng maigi ang gagawin ko na desisyon. Ibinilin pa niyang kausapin ko si Max tungkol sa offer ni Dominic dahil kaya naman na daw akong buhayin ni Max at kung mag-trabaho pa ako, para na lang iyon sa ika-a-aliw ko.
"I hope you'll consider it, Bea. Anyways, take a rest now. Food will be there in a few minutes."
"Thank you, Dominic. Tatawag ako kapag may desisyon na ako." Lumapit ako sa ref at kinuha ang glass pitcher doon at nagsalin ng tubig sa baso.
"Don't stress yourself too much, Bea. Rest, hmm?"
"Okay. Thank you ulit."
Pagkatapos ng tawag niya, tumunog ang agad doorbell. Nilapag ko ang basong hawak ko saka tumungo sa pintuan upang sinuhin ang nag-do-doorbell. Ako lang mag-isa sa bahay ngayon araw dahil nasa school si Aila tapos sina Lola at Aling Flora naman nagpunta Quiapo. Maya-maya pa sila lahat uuwi at si Max lang ang magiging kasama ko kapag dumating na siya.
"Ms. Beatriz Natividad?" Tanong ng lalaking nabungaran ko pagbukas ng pintuan.
"Ako 'yon." Sagot ko saka isa-isang inabot ang pagkain na bitbit niya. "Thank you." I said after receiving all of the food. Agad ko sinara ang pintuan at dinala iyong mga pagkain sa dining room. Hinanda ko ang mga iyon at pagkatapos ay tumungo saglit sa living room saka kinuha ang laptop ko.
Habang nakain, isa-isa ko na binasa ang mga na-send sa akin ni Dominic. His client in Scotland was a magnate who owns a lot of properties in that foreign land. Magiging consultant si Dominic gaya ng tatay niyang yumao na. Hindi ko alam anong naisipan ni Dominic dahil mula criminal law, hahawakan niya iyong mga problema na may kinalaman sa properties.
Criminal law to property law...
Iyong salary offer sa amin ay triple ng sinasahod ko sa firm ni Dominic. Maari na ako makakabili ng bahay at lupa sa Scotland at doon tumira. Life in the city was so tiring and I am one hundred percent sure that Max will like to live in the countryside. Buong buhay niya, sa magulo at maingay na siyudad siya namulat. Wala naman siguro masamang maghangad ng kaunting katahimikan at makalayo sa magulong mundo ng siyudad.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
Любовные романыThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...