Chapter 08

3.1K 185 83
                                    

08 - Failed Escape Plan

Bea

NANINIWALA na ako kay Gwynette na mahahanap ako ni Max kahit na galingan ko pa ang pagtatago. Oo malaki ang Brooklyn pero mas marami siyang koneksyon. Bakit ba kasi hindi na lang mag-move-on at huwag na bawiin ang singsing? Gaano ba iyon kahalaga sa kanya? Simpleng singsing lang naman iyon na may diamond sa gitna. Maganda, pero hindi ako magsusuot ng gano'n.

I sighed heavily.

Heto na naman ako namomoblema kung paano tatakasan ang Maximo na iyon. I bit my nail while thinking of an escape plan. Lahat ng naisip ko kanina, alam ko na agad na hindi uubra. But, I strongly believe in a saying, gaano 'man katalino ang matsing, ay naiisahan pa rin. Nagliwanag ang mga mata ko ng mag-reply yung naka-chat ko na pwedeng mameke ng passport. Delikado 'man, pero wala na akong ibang paraan na naiisip kung 'di iyon.

Sana lang talaga tumalab...

"Saan mo ba gusto na ilagay ang nunal sa picture na ito?"

Siya si Delilah Diaz, photographer na naka-chat ko online na siyang sagot sa aking malaking problema. I went to Downtown, Brooklyn because of this bright idea that crossed my mind. Del will make a fake passport for me so I can escape Brooklyn and live in Los Angeles, California for a while. Magiging TNT na ako doon, pero mas madali taguan ang mga pulis kaysa kay Max. Wala na din pag-asa na ba ituloy ko ang dahilan kaya ng magtungo ako sa Brooklyn.

"Hindi pwede sa ibabaw ng upper lip ko. I already used that disguise. Kung sa may left temple kaya?"

Maang niya akong sinipat at dinedma ko lang naman iyon. Ever since Brooklyn, I became a woman with too many aliases and disguise. Naging coffee shop owner ako, girlfriend ng multi-billionaire, tennis player at kung ano-ano para lang kumita ng pera. I bet people in Brooklyn already know who I am. Ang mga gamit ko na pangalan ay kinuha ko lamang sa internet.

Genevieve Perez.

Gwen Smith.

Paris Mckenzie.

Erica Cortez.

At pinaka-memorable ay si Summer Davis.

"Magkano ba utang mo at umabot ka pa sa ganitong paraan?"

"Uyy, wala akong inutangan. May tinataguan lang ako na lalaking habol ng habol sa akin,"

"He's into you, then."

Tumawa ako ng malakas.

Si Max, may gusto sa akin? Imposible! Gusto akong dikdikin siguro pwede pa bilang binenta ko ang singsing niya.

"Komedyante ka pala." Natatawa ko na sabi sa kanya. "But, it's impossible." Kumbinsido ko na sabi sa kanya.

"Nothing is impossible, sis."

Hindi na ako sumagot. Nagmumukha na akong defensive masyado kaya pinanood ko na lang siya na gawin ang pekeng passport ko.

I decided to put a mole in my left temple. Del advised me to change my hair color for finishing touches, but I disagree. Natural na pula ang buhok ko at walang treatment akong nilagay dito. Virgin pa kami ng buhok ko... ay mali, yung buhok ko na lang pala. Bwisit na one night stand yun, naalala ko pa rin hanggang ngayon.

Nag-tingin-tingin ako sa apartment ni Del ng mabagot ako kapapanood sa kanya habang ginagawa ang pekeng passport ko. Ang dami niyang gamit sa na may kinalaman sa propesyon niya. May ilang picture na siya ang kumuha siguro ang nakasabit sa pader. Hindi ako mahilig sa mga ganito, pero marunong ako mag-appreciate. I once fooled a guy who loved to go to a museum. Boring pero para sa dolyares tiniis ko lahat ng mga sinasabi niyang nagpasabog sa 1MB ko na utak.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon