Simula

12.5K 356 108
                                    

00 - Brooklyn In The Flesh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

00 - Brooklyn In The Flesh

Bea

Present time.

SABI nila, happiness is a choice. I choose to leave Philippines to find that feeling here in Brooklyn. Akala ko dito na ako magiging masaya... sa wakas, pero hindi nangyari dahil kailangan ko pa din umalis. I am not a citizen here. Mas mahirap kapag nahuli ako bilang TNT, ma-ba-ban ako at hindi na makakabalik pa.

Everything about Brooklyn is fast and temporary. Some were not real... a fake love, stories and feelings, just like what I told him. Those lies, made-up stories, and everything. Mahirap maging totoo sa bansang ito na kahit pangmatagalan ang alok, hindi pa din masaya. May kulang na hindi ko pa rin alam kung ano. I am not whole when I came here before. Ngayon aalis ako na hindi pa rin buo.

Napagod na ako.

Na-ubos ko na rin ang aking sarili.

"Excuse me miss," anang tinig na nagmula sa aking likuran.

Kung kailan naman nag-mo-momment ako at ginagaya si Kathryn Bernardo sa palabas na Hello, Love, Goodbye. Nandoon na ako! Hihinga na lang ng malalim tapos hihilahin ko iyong maleta ko saka aalis. Tinapunan ko ng tingin ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni sa harapan ng malaking LED screen. Doon naka-flash ang mga flights na paalis saka padating dito sa John F. Kennedy International Airport. Napanguso ako ng makitang couple pala iyong sumira ng momentum ko.

"Can you take us a photo together?" tanong ng lalaki sa akin na ibang lahi.

Base sa accent niya, sigurado akong Chinese ang isang ito na naka-bingwit ng American fish.

Ang swerte... nawa'y lahat.

Nakabingwit naman ako pero hindi pang matagalan kasi ayaw ko manatili dito. Pakiramdam ko ibang tao na ako kapag pinili ko na manatili dito. Ang bilis-bilis kasi ng lahat sa bansang ito at parang lahat ng tao ay hindi marunong mag-wagayway ng white flag. Palaging handa na sumabak sa gyera at hindi ko kinaya iyon. Hindi ko makita ang sarili ko na nakikibaka dito sa Brooklyn. Sapat na naging sikat ako sa bawat kanto bilang talamak na con-artist.

New me.

New start.

But not here.

Hindi bagay ang katulad ko sa lugar na 'to. I tried to fit in, but in the end, I failed...

"Miss?"

Napukaw akong muli.

"Yeah, sure."

Kinuha ko iyong camera na gagamitin. Nagpalit kami ng pwesto at ginamit nilang background iyong LED screen na tinitigan ko kanina. I took three shots at different angles. Flashbacks start to play in my mind suddenly. Memories that I will carry back in the Philippines. Those special ones will stay in my heart and mind. He's the one that got away. I didn't choose the one even if he decided me despite everything I did to him.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon