Chapter 16

3.1K 184 80
                                    

16: Raw

Bea

NALILITO na ako kung saan ba ang kanan at kaliwa. Kung bakit naman kasi sa edad kong ito ay hindi ko pa din alam ito. Ngayon pa yata ako maliligaw dito sa Brooklyn kung kailan konti na lang ay babalik na ako sa Pilipinas. Nakausap ko si Lola Esme noong nakaraang araw at pina-uuwi na niya ako. Hindi na daw importante pa na makilala ko si Papa dahil miss na miss nya na ako. Miss ko na din siya, yung luto niya at pagsita sa akin kapag may kalokohan akong ginawa.

Konting tiis na lang, Bea uuwi ka na. Siguro sa Pilipinas ko na lang pagtatrabaho-an ang pambayad sa utang kay Max. I'll set aside my plan of going back to school once again. Saka ko na siguro iisipin na bumalik sa pag-aaral kapag stable na kaming mag-Lola. Parang buong buhay ko nag-se-set aside ako ng mga plano. Gaya iyong paghahanap kay Papa.

I sighed heavily.

Scam yata iyong chat sa akin na nakita nila sa lugar na ito si Richard Davis. I posted on my dummy social media account that I'm looking for my father. Naka-post ang picture noong nagkakilala sila ni Mama. Bata pa siya doon kaya malabo talaga na may makakilala sa kanya. Bagsak balikat akong lumakad pabalik sa Elixir. Negative itong lakad ko na hindi ko pa 'man din nasabi kay Max. Hindi din naman siya nagtanong at bakit ba niya ako tatanungin?

Ang gulo mo, Bea!

"What are you doing?" tanong na pumukaw sa akin. Mas tama yatang umistorbo sa ginagawa kong pag-ri-ritual. Nag-angat ako ng tingin at ang laking pagsisisi na ginawa ko pa iyon. Sa dami naman ng makakasalubong bakit ito pang ex-jowa ni Max?

In fairness, hindi siya napapagod kaka-habol sa jowa ko este fake jowa pala. Fake nga, Bea. Iyon kayong dalawa ni Max at sana wag mo alisin sa isip mo 'yan!

"Stretching." Simple kong sagot sa kanya. Nagkunwari akong nag-i-stretch para hindi halatang may ginagawa akong weirdong bagay. Syempre hindi nila ma-ge-gets kasi mga alien sila at ipinanganak yatang perfect. Pero si Max naha-hawaan ko na ng kabaliwan at mas malala pa nga siya kung minsan sa akin.

Akto akong lalakad paalis ngunit nahinto ng magsalita siya.

"I don't know what Max sees in you. You're just a regular girl just like his flings."

Aba't... bastos bunganga nitong babaita na ito! Inano ko ba siya?

Hinarap ko siya at sinipat mula ulo hanggang paa. She's indeed a runway model, a Victoria Secret's angel or should I say devil? Mas bagay sa kanya iyon dahil kulang na lang sungay, karit at buntot. Demonyita!

"Hindi ko din naman makita kung ano nakita niya sayo noon. Sabagay, likas na kay Max pagiging mabait at baka wala lang siyang choice noon."

"What did you say?"

"You already heard it loud and clear," sagot ko.

Akala mo ha! Marunong din ako mag-ingles kahit na high school diploma palang ang mayroon ako. Thanks God, hindi ulit ako nag-buckle!

Akma akong tatalikod ngunit naisip ko na lalo pa siyang asarin.

"Yung sa amin ni Max hindi lang siya panandalian. Seryoso siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa tagal na magkakilala ang dalawang tao. Marami na ilang buwan palang pero sa kasal nauwi ang lahat. It's all about connection and compatibility not chemistry."

Hindi ko alam saan ko napulot ito pero parang kahit ako ay gusto ko na maniwala sa sinabi ko. Ganito pala ka-effective na con-artist? My stories really can moved someone. Sana lang talaga tumalab sa babaitang ito ang mga sinabi ko para matapos na itong kalokohan na ito. Para kasing kapag tumagal pa ang set-up namin ni Max ay matalo ako.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon