Chapter 38

2.6K 156 43
                                    

38: Quick Get Away

38: Quick Get Away

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bea

PUMANGALUMBABA ako sa harapan ni Max. Kanina ko pa sinusubukan makuha ang atensyon niya ngunit bigo ako dahil masyadong engaging ang tina-trabaho niya sa laptop. We're inside Elixir's branch here in Manila. Magbubukas na iyon sa susunod na linggo at pagkatapos, balik long-distance love affair na naman kaming dalawa. Natapos ang bakasyon namin dalawang linggo na nakalipas at parang gusto ko siya ulit ayain na magbakasyon bago 'man lamang umalis.

"I love you." Sabi ko pagkapaling niya sa akin ng hilahin ko ang sleeves ng suot niyang navy blue dress shirt.

He smiled. Huminto siya sa ginagawa at umusod palapit sa akin. He cupped my face and caressed both of my cheeks.

"I love you more." Tugon niya saka hinalikan ako sa noo, sa mata, sa tungki ng ilong ko at sa labi.

Wala naman tao sa paligid namin kaya ayos lang na may ganito kaming moment dalawa. I wrapped both of my arms around his neck and inclined my face so he could deepen our kiss. But, a vibrating sound interrupted our moment. Max stopped kissing me and picked up his phone.

Kainis naman!

I frowned while looking at him. Binalingan niya ako at mabilis na hinalikan sa gilid ng labi ko bago ako iniwan. Sinubukan ko siya pigilan pero hindi tumalab dahil mukhang importante yung tawag. Mas importante kaysa sa akin. I watched him as he walked outside the bar and I was left there alone.

Tinuon ko sa cellphone ang atensyon ko habang inaabangan na bumalik si Max. Napa-ayos ako ng umupo ng mag-rehistro sa screen ang pangalan ni Papa. Inayos ko ang buhok pati na ang damit ko bago iyon sinagot.

"Hi Papa!" Masigla ko na bati. Once in a while, we talked randomly. Tatanungin niya kumusta pag-aaral ko, kumustahin niya din kami ni Max, si Lola at ang trabaho ko.

"Hey, sweetie, how are you?" Tanong ni Papa sa akin. "Is Max still there with you?"

"I'm good, Papa, and yes, Max is still here. Lumabas lang po siya saglit."

My father understands Tagalog since he lived here for five years. Nakilala niya si Mama ng isang buwan na lang ay aalis na siya ng bansa at nabuo ako. Mala-pocketbook ang kwento ng buhay ko at gaya lang iyon ng mga nababasa ko na kaso sa law firm. Kalimitan doon, annulment case at tinanong ko si Dominic kung bakit nagpapakasal pa tapos sa magulong hiwalayan lang din ang punta. Tinawan niya ako sinabi na subukan ko daw para malaman ko at handa siyang maging abogado ko.

Abnoy din minsan ang isang iyon.

"Where are you?" Nilipat ko yung camera at inikot ko sa paligid.

"Elixir's Manila branch po, Papa."

"That's good. Your man really knows how to expand his business well. You said that you both have a house now?"

"Yes po. Doon po nakatira si Lola ngayon." Nilipat ko na sa front camera mode para makita niya ang mukha ko.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon