SPECIAL CHAPTER 1 | UKIYOTO BOOK

962 36 4
                                    

SPECIAL CHAPTER 1 | UKIYOTO BOOK

Bea

"SUMMER be careful there, please?"

Lumingon sa akin si Summer para tawanan ako matapos niya umakyat sa may kataasang platform. Napapagod na ako maghabol sa kanya kaya hinayaan ko muna siya. Kaso itong batang ito pinaglihi ko yata sa exhibitionist. Kung saan-saan sumusuot basta kasya siya at kung ano-ano ang inaakyat na kaya niya. Malayong-malayo kay Brooklyn pero may kapilyuhan taglay din ang isang iyon. Buti at kasama ni Max ang isa sa kambal kung 'di gagapang na talaga ako mahabol lang silang dalawa.

"Summer..." sambit ko nang makita na nagbabalak pa na umakayat ulit.

"I'm careful mom!" sigaw niya sa akin pero hindi ako naniniwala. Mabilis ko siya nilapitan at inalalayang maka-akyat sa sumunod na platform. "See, mommy? I'm fine,"

"Are you a monkey, anak? Akyat ka ng akyat kung saan-saan. Magagalit si Dad mo pag nahuli tayo."

Panakot ko si Max sa kambal dahil kapag nasa paligid ang asawa ko, parang mga anghel at hindi makabasag pinggan itong mga anak namin.

"Hush, mom! Daddy will get mad at us,"

Dinamay pa ako nitong anak ko. Naupo ako sa tabi ni Summer at inabutan siya ng pagkain saka inumin. Mainit ang araw pero walang pakialam itong anak ko at heto kami sige pa rin sa paglalaro.

"Summer, who do you love, mom or dad?"

"Hmm?" Nag-isip ang anak ko na para bang ang hirap sagutin ng aking tanong. "Both! You give me milk every day. You also play with me and run with me. While Dad loves to brush my hair, cut my nails, and buy me many toys."

With matching hand demonstration pa iyong salitang a lot ni Summer. Totoo naman na marami nga bumili ng laruan si Max. Kahit hindi napapansin iyong iba kapag may bago sige pa rin sa pagbili. At lahat ng nakakapagod na gawain ay nabanggit ni Summer na ginagawa ko kaya niya ako mahal. Mas mataas pa energy niya sa akin o tumatanda na talaga ako.

"I love you, Summer."

"I love you too, mom!" Hinalikan niya ako sa pisngi, sa ilong ko, sa mata at sa gilid ng labi ko. Marahan ko siya kinabig at niyakap ng mahigpit. "Mom, I-I can't breathe."

"Ay, sorry!" Niluwagan ko ang yakap sa anak ko. My seven years old daughter is so smart and though anyone can easily sway her especially when there's a bribe. "Let's go find Brook and Dad." Pag-aya ko kay Summer saka kinuha ang kamay niya.

Nasa isang private resort kami ngayon sa Quezon Province. Nag-aya si Max na magbakasyon at dito niya kami dinala kahit pa may sarili naman kaming resort sa Batangas. Nanawa raw siya roon at para maiba naman dito kami nagpunta. Nililinis pa ang villa namin kaya narito pa kami sa labas. Dalawa ang villa sa loob at iyon amin ay sa may pa unahan.

Hindi ko alam bakit dalawang villa pa ang kinuha ni Max gayong apat lang naman kami. Hindi naman ako nakapag-tanong dahil nagpaalam siya agad na igagala si Brooklyn sa man made beach sa loob ng villa resort. Naiwan sa akin itong minime ko pero triple ang kulit niya kaysa sa akin. Lumakad kami papasok ng villa at binati ang mga staff na nililinis na rin ang pangalawang villa. May bisita ba kami? Akala ko family only itong bakasyon na 'to? What changes Max's mind again?

"Tito Dom!" Masayang sigaw ni Summer ng makita si Dominic na kausap ni Max. Bumakas ang gulat sa aking mukha ng makita si Dominic kasama ng pamilya niya. Bumitiw sa akin si Summer at patakbong lumapit sa gawi ni Max at ni Dominic. "Where is Millie?" Narinig ko na tanong ni Summer nang makalapit ako sa kanila.

"At the beach with Brooklyn and Ate Venice," tugon ni Dominic sa tanong ng anak ko.

"Can I go, Dad?" tanong ni Summer kay Max.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon