45: Paalam, Patawad
Bea
NASAPO ko ang noo ng kumirot iyon bigla. Huminto ako saglit sa paglalakad saka kumapit sa isang matibay na estante. Kagagaling ko lang sa ospital kung saan nag patingin ako na matagal ng pinapagawa sa akin ni Lola. I went through a lot of tests and I am now holding the result in my hand. Sandaling nayanig ang mundo ng basahin iyon ng doktor at tila hindi ko na malaman ang gagawin ko bigla.
Dahan-dahan akong naupo sa kalapit na wooden bench ng hinawakan ko na estante saka malalim na huminga. Tears started to roll down my eyes which I immediately wiped away. Napatingin ako sa suot ko na singsing na hindi ko naman hinubad kahit na kailan at binalikan ang nakaraan bago ako humantong dito.
***
"Ang hirap sayo na babae ka, hindi ka marunong makuntento. Pasalamat ka at wala ako kung 'di na-sabunutan kita," galit na wika ni Gwy sa akin.
I clearly knew where she's coming from. Tinawagan ko siya, si Del, at si Thali matapos mag-walk-out ni Max at naglabas ako ng sama ng loob sa kanila. But, they're not my friends if they will tolerate my actions. As per them, I was out of line at ayun nga, hindi marunong makuntento sa kung anong kayang ibigay ni Max sa akin.
"Ano pa ba ang hinahanap mo? As far as I could remember, umalis ka ng Brooklyn kasi gusto mo na unahin sarili mo." Si Thali iyong nagtanong na kahit antok na antok na ay hindi pa din nagbaba ng tawag.
We're on different the sides of the world. I was in the Philippines while Del and Gwy in Brooklyn. Si Thali, hindi ko alam kung nasaan siya pero sinabi niyang madaling araw na doon ngayon.
"Oo nga, B, ano pa ba ang hinahanap? You have your diploma now, a house, a job which we all know the reason of this conference call, and a fiance who's a very supportive man." Ulit ni Del at hinaluan pa ng pangongosensya.
Ano pa nga ba ang hinahanap ko? Ano pa nga ba ang kulang?
"Kasi... h-hindi ko mahanap yung sarili ko sa mga planong nabuo namin. Iyong pakiramdam na mananatili lang akong anino ni Max." Sagot ko na parang hindi katanggap-tanggap sa kanilang tatlo.
"You're jealous of his success and life achievements, Bea." Salitang parang humampas sa akin ng malakas. It was from Thali who got a lot more mature than I am today. "You're afraid that he might outshine you or not acknowledge your contribution in his life during the ups and downs."
"Natatakot ka na baka solohin lang ni Max ang lahat. Na kapag kinasal kayo, ikukulong ka lang niya at hindi hahayaan na tumayo sa sarili mong mga paa." Dagdag ni Gwy na nagpa-iyak sa akin.
I heard Del consoling me and wished that she was here with me. Narinig ko pa na sinabi ni Gwy na kung magising 'man si Max at tuluyan akong iwan, kasalanan ko na daw iyon. Dahil mas inuna ko yung takot na akala ko na para sa sarili ko. I was blinded by envy and fear that what they have stated happened to me. Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan, pumasok ako sa office na mugto ang mga mata. My workmates kept on asking me what happened to my eyes which I refused to answer. Tahimik lang nagtrabaho at nagpunta sa rooftop ng sumapit ang lunch time.
"Problem?" Tanong na pumukaw sa akin at nagpahinto sa ginawa ko na pagdampi-dampi ng malamig na towel sa mata ko. "You're not yourself a while ago, Bea. What happened?" Tanong pa uli ni Dominic saka naupo sa aking tabi.
"Wala lang ito. Petty lovers quarrel na hindi mo maintindihan kasi wala kang girlfriend,"
"Aww, I feel attacked." Tipid akong ngumiti at ganon din siya. "Whatever it is, Bea, just keep smiling. Don't let it affect you."
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...