Chapter 37

2.5K 146 23
                                    

37: A Week Away

Bea

"HELLO? Good morning, Atty." Masiglang bati ko sa tumawag sa akin.

It was Atty. Salandanan, one of the junior partners who's very needy. Iyong kulang na lang ako na maging abogado dahil literal na pina-trabaho niya sa akin lahat. He was looking for me and asking me to file a case right now. Ako lang ba empleyado doon? Sa pagkakaalam ko talaga assistant ako ng senior partners, hindi ng mga junior partners.

"Ay, hindi po ako papasok ngayon. Sorry, Atty, balato niyo na po sa akin itong araw na ito."

I've been working hard for over a year now while studying. Matatapos na din ako sa pag-aaral dahil pati summer ay pinasok ko na. Wala na nga halos paghinga dahil pati linggo ay pumasok ako sa school. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag bakasyon. Nag file ako ng two weeks vacation kasabay ng semestral break namin sa school. Deserve ko naman ang bagay na ito bilang ang dami kong hirap sa pag-aaral at pagtatrabaho.

In-approve naman ni Dominic, iyon daw ang itawag ko sa kanya kapag wala sa work, yung leave ko pati na ni Atty. Reyes. Baka hindi lang nasabihan iyong ibang partners kaya hinahanap ako na tsimay nila sa law office. Nagpaalam pa ako via call kay Lorraine na sasalo lahat ng work sa law office kasi wala ako. Maalwan buhay niya nang dumating ako at ma-hire. Ako na lumalabas para mag file ng case ng mga partners.

Ako na din humaharap sa mga client at kinuha mga importanteng impormasyon na ibibigay ko sa attending lawyer nila. Tiga-transcribe din ako doon kaya wonderwoman ang tawag nila sa akin. Pag sobrang stress na, tatawag lang ako kay Max tapos okay na ulit ako. Ang lalaking iyon lang talaga ang stress at shock absorber ko at parang balewala lang sa kanya kahit na alam kong na-i-stress din naman siya gaya ko. Tinanong ko naman siya kung kumusta araw niya lagi at pag sinabi niyang ayos lang siya, wala na akong follow up questions.

"Saan ba lakad mo, Miss Bea?"

Intrimitido talaga itong si Atty. Salandanan kahit kailan. Sinabi ko na lang may importanteng lakad ako pero hindi ko na binanggit kung saan at sino kasama ko. Kay Dominic ko lang nasabi na uuwi si Max ngayon at magbabakasyon kaming dalawa sa isang beach sa Batangas.

Huminga ako ng malalim ng matapos ang tawag ni Atty. Salandanan. Nakaka-drain talaga yung abogado na iyon kapag kausap ko. Tumingin ako sa labas at minasdan ang mga nadadaanan ng taxi na sinasakyan ko. Traffic at sanay na din naman ako. Mas excited ako na makita si Max na halos isang taon ko na din noong huling nakita. Video chat and calls lang kami nag-uusap na dalawa lagi na minsan ay nakaka-tulugan ko pa.

“Manong, diyan na lang po sa tabi. Eto po ang bayad.” sabi ko ng makarating kami sa tapat ng arrival area ng NAIA Terminal 2.

Nagpasalamat ako pagkababa ng taxi. Inayos ko ang bag na nakasukbit sa aking balikat at lumakad papasok sa waiting area kung saan lalabas iyong mga pasahero. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Dahil ba ngayon lang ulit kami magkikitang dalawa? Sobra ko siyang na-miss at noong unang sumahod ako sa Trinidad and Associates Law Firm, aamin akong muntik na akong magbook ng ticket papuntang Brooklyn.

Tumabi ako sa mga kapwa ko may inaabangan na pasahero na maaring kamag-anak nila. I waited patiently until the door opened. Isa-isang naglabasan iyong mga pasahero ng eroplanong dumating kani-kanina lamang. May ngiti sa labi ko na pinagmasdan sila. Mixed emotion talaga kapag nasa ganitong lugar. Mayroong may naghihintay, mayroon namang walang sasalubong. Muli kong binaling ang tingin ko sa pintuan at inabangan na lumabas doon si Max. Ano na kayang itsura niya sa personal? 

Noong nakaraan na mag-video call kami, mahaba na ang buhok ng isang iyon. Nagpa-gupit na kaya siya? Did he already shave his facial hair? Sobrang abala din ng isang iyon kaya pati ang mga simpleng gawain na katulad ng pagpapagupit at pag-aahit ay nalilimutan na. A phone vibration inside my clutch bag halted my thoughts. Sino na naman kaya ito? Hindi ba talaga nila pwedeng ibalato sa akin ang araw na ‘to? Dinukot ko iyon at tiningnan kung sino ang natawag.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon