33: Feared
Bea
KANINA pa ako pabalik-balik sa kaliwa't-kanan ng kwarto ko habang hawak ang isang table calendar. Doon nakasulat sa ilalim ng mga date ang school work deadlines, job interviews at kung ano-ano pa including ang araw kung kailan ako huling dinatnan ng aking buwanang dalaw. At iyon ang problema ko ngayon dahil halos isang linggo na akong delay. Lately, iba din ang pakiramdam ko at halo-halo ang emosyon ko.
Minsan masaya madalas iritado. Madalas wala akong gana kumain. Nadadalas din ang pagpunta ko sa banyo, masakit ati bumibigat ang pareho kong dibdib at higit sa lahat, itong tiyan pati na puson ko ay lumalaki. Weird din cravings ko kapag may gana ako kumain. Feeling ko talaga buntis ako kasi iyong mga nararamdaman ko ang naririnig ko kapag nag-uusap ang mga tsismosa sa labas.
Paano ko ba makukumpirma itong kinatatakutan ko sa lahat?
I was so determined to start all over again and planned everything about my life. Sinabi ko na pati summer class papatusin ko na para lang makatapos ako ng mas maaga. Pero kung buntis nga ako, hihinto na naman ang lahat. Parang pinatotohanan ko lang yung prediksyon sa akin ng mga kapitbahay namin na magiging kagaya ako ni Mama. I bit the nail on my thumb.
Kanino ba ako dapat na magtanong?
Hindi pwede kay Lola kasi nangako sa kanya na makapagtapos ako at magfo-focus sa pag-aaral muna. Lalong ayoko na magsabi kay Aling Flora kahit na may hinala siya noon pa. Iniignora lang naman iyon at ngayon lang napagtuunan ng pansin uli. I was busy at school and assignments almost killed me on the spot. Dagdag pa iyong graded recitation na pakulo ng mga terror professor ko.
My thoughts were halted when my phone rang.
It was Max who's calling.
Anong oras na ba at gising pa siya?
Sinipat ko ang orasan at nakita ko na pasado alas otso palang ng umaga. Wala akong pasok ngayon pero marami akong gagawin. I need to do advanced reading on a major subject then review for a graded recitation with Mr. Dimasalang's subject. Kabisaduhin ko pa yung tungkol sa office etiquettes na isa sa mga major ko. I heaved deep breaths.
"Hey," Max said as I answered his call. "Are you busy?"
Umiling ako bilang sagot. Anong nangyari sa maraming gagawin, Bea? Automatic nawala ng magtanong si Max?
I switched our call into a video call so I could see his face. Miss ko na talaga siya at iyong blue eyes agad ni Max ang bumungad sa akin pagka-open niya ng camera. He's lying on his bed and his hair is a bit damp. Mukhang kagagaling lang niya sa banyo at bagong paligo.
"Kakauwi mo lang?" Tanong ko sa kanya. It's very obvious though, but I still want to know.
"Yeah." He answered.
"Busy ka sa Elixir?" Another question that I asked him.
"Not much. I just got home from LA and Atlanta. I attended meetings there with some potential investors." Tumango ako.
Iyon nga ang na-kwento sa akin ni Del na pinag-kaka-abalahan niya ngayon. Ayos na kaming dalawa ni Max at nasundan yung pag-cha-chat namin na nag-umpisa ng mag-sorry siya. He already said sorry and I did too. We talked but not like before. Kumustahan at small talks lang muna kami ngayon. Both sides naman may mali at maliwanag na sa kanya ang goal ko sa buhay.
"Madaling araw na dyan kaya matulog ka na," sabi ko sa kanya.
"It's okay. We can still talk, I'm not yet sleepy." Tumayo ako at inayos tumungo sa study table ko. I put my phone on its stand and focused the rear camera on my face. "Bea, are you still there?"
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...