10: Pleasure
Bea
SABI niya hindi siya magagalit pero kanina pa siya tahimik at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong magsalita kasi baka mamaya mabugahan niya ako ng apoy. Tahimik lang siya nag-drive tapos ako, eto kinakausap ang sarili ko. Ano ba kasing dapat ko sabihin sa kanya? Sorry na-gipit lang ako kaya binenta ko? Ano ba istorya ng singsing niya?
Napa-ayos ako ng upo ng kumanan siya sa Jay Street tapos pumasok isang fastfood chain drive thru. Gutom siya kaya tahimik. Bakit ako mas maingay pag gutom? Iba-iba talaga ang tao na akala ko noong una ay hindi. Itong kasama ko nararamdaman ko na masama ang loob niya pero mas piniling manahimik na lang. Pero mas prefer ko kung sinigawan niya ako kanina. Was it because of the pinky promise that we have?
"What do you want to order?" Tanong ni Max na kina-gulat ko.
"Ako ba kausap mo?"
"May iba pa ba akong kausap?" Luminga-linga ako saka umiling na dahil ng paghinga niya ng malalim. "Just tell what do you want to eat, Bea."
"Libre ba? Saka nga pala nasa iyo pa yung passport pero huwag mo idadamay iyon sa galit mo sa akin --"
"Save it. We're here to buy food, and I don't want to talk about it, too."
Napa-nguso ako. "Ang sungit..."
Max shook his head and let me order for myself. Mukha libre kaya marami na in-order ko. Ganito talaga ako kumakapal ang mukha pagdating sa pagkain.
Pagka-order namin, pina-sibat na ni Max ang sasakyan niya paalis. Hindi ko alam saan kami pupunta at hindi din naman ako nagtanong kasi baka bawal. Ayoko talagang ma-bugahan ng apoy at nasa kanya ang passport ko. Mas okay na huwag siya galitin lalo para mabawi ko iyon sa kanya. I can't promise that I won't be annoying, but I will try to lessen it?
Hindi ko sure.
Bahala na nga lang.
Max opened that back compartment of his Ford, and there we ate the food we ordered a while ago. Maganda ang view na natatanaw ko mula doon at kitang-kita pa iyong buong Brooklyn Bridge. Tahimik pa din si Max hindi kagaya noon na siya ang unang nagtatanong sa akin. Sabagay, niloko ko siya at binenta yung singsing niya kaya malamang makatanggap ako ng cold treatment. But, he's not that cold. Nilibre pa niya ako ng pagkain ngayon saka na-appreciate ko kahit papaano ang pagtulong niya sa akin kanina.
"How's Brooklyn so far?" Tanong ni Max. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Una lang akong nag-iwas ng tingin kasi tinatablan na ako ng hiya. He still helped me despite fooling him, the worst I sold his heirloom.
"Magulo, traffic pero maganda naman dito."
Pero ulit, hindi ako tatagal dito. Baka kung mangyari iyon ay masunog na ako impyerno. Noong tinanong ako ni Max kung paano ko nakukuhang matulog ng mahimbing gayong ang dami ng niloko ko, dinaan ko lang sa biro ang sagot. Because the truth was I can't sleep and there is Lola Esme who always reminds me to pray. Nakokonsensya kaya! Meron pa ako noon pero konting konti na lang.
"That's how this city works. No rest and no time to relax."
"Sanay na sanay ka na dito. Ang tagal mo na din nakatira dito. May business ka na successful kaya pwede ka na mag-asawa," Tumingin siya sa akin pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya. "Joke lang. Silent na ako ulit,"
Ugh, awkward! Hindi bale pahiya konti lang lang naman ako...
***
PINUNASAN ko ang pawis sa aking noo. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at ngumiti pagkatapos. Good morning, Brooklyn it's a new day to conquer. First thing first, kailangan ko humanap ng matinong trabaho para makabayad kay Max at makapag-padala kay Lola. Hahanapin ko pa din si Papa pero hindi na priority dahil sa mga atraso ko. But, Gwynette warned last night, finding a decent job here in Brooklyn is hard.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...