39.1: Proposal
Bea
PANAY ang tingin ko sa suot na orasan. Malapit na lumapag ang eroplanong sinakyan ni Max pauwi dito pero nandito pa rin ako, nag-aabang sa ka-meeting namin ni Dominic. I shouldn't miss his arrival today. Nangako ako na susunduin ko siya at ngayon lang kami ulit magkikita matapos niya mamalagi dito ng tatlong buwan mahigit. Successful ang launch ng Elixir Manila Branch at dumagsa ang mga kakilala ni Max sa showbiz at sa mundo ng pagne-negosyo.
Kahit nga hindi invited ay naroon para lang inisin ako. Dapat kalimutan ko na yung pag-eksena ni Sadie sa launch at pag-agaw sa akin ng spotlight. Sa dulo naman, gumawa si Max ng paraan para ipakilala ako sa lahat. I couldn't forget that moment when he thanked me for being there for him, for being his solid rock, and for having faith in him. Pakiramdam ko, ako yung pinaka-magandang babae sa launching party na iyon.
"Bea, may lakad ka ba?" Tanong sa akin ni Dominic.
"Ano... kasi... ngayon uwi ni Max. Mag-la-landing na yung eroplano na sinakyan niya." Sagot ko kay Dominic.
"Why didn't you tell me earlier?"
Napanguso ako.
Nahihiya na kasi akong mag-excuse sa kanya sa tuwing ganito na uuwi si Max. Para kasing inaabuso ko na ang pagiging maluwag nila sa mga empleyado. Wala naman sila reklamo sa trabaho ko dahil natatapos ko ang bawat tasks na ibigay nila sa akin. Wala din naman akong reklamo sa kanilang lahat liban doon sa mga junior partners na sobrang galing mag-utos. Wala gaanong utos si Dominic dahil kapag kaya niya gawin o may oras siya, ginagawa na niya imbis na iutos pa.
"Go now, baka umalis iyon sa airport pag wala ka."
"Pero may meeting pa tayo..."
"Ako ng bahala. I'll send you a recording later to transcribe it on Monday."
"Sure ka? Maiintindihan naman ni Max kung sa bahay na kami magkikita ngayon --"
"Go now. You haven't seen him for a year, right? He also should know about the good news at school."
I remember that good news suddenly. Nasabi ko kay Dominic na pasado ako sa lahat ng exam ko at makaka-graduate na ako. Mabilis lang lahat dahil pati summer class ay pinasok ko na. Finally, maka-ka-pagtapos na ako ng pag-aaral. Worth it naman ang hirap sa pag-aaral, kawalan ng tulog dahil sa pagrereview, at yung sobra-sobrang oras sa OJT.
Naging flexible ang position ko sa Trinidad and Associates Law Firm simula ng tumuntong ako sa ikalawang taon ko sa kursong kinukuha at mas pinag-focus ako ni Dominic sa pag-aaral. Mas mahalaga daw iyon kaysa sa lahat at willing siya na i-absorb ako sa firm na hindi ko naman tinanggihan. Marami ako natutunan sa firm, kay Dominic at Atty. Reyes. Pakiramdam ko nga special ang treatment nila pero giniit nila na ganon din ang bigay nila sa ibang empleyado na masipag gaya ko. They admired my dedication to finish studying while working to help Lola Esme, the family I have aside from Max.
"Hala, thank you!" Sabi ko saka pinisil ang braso ang kamay niya. "Ililibre kita bukas. Thank you ulit."
"Anything for you, Bea."
Ngumiti lang ako saka sinabit ang bag ko sa balikat. I bade my goodbye to Dominic and immediately walked out of the restaurant. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpa-hatid sa airport. Sana hintayin ako ni Max kung sakali mauna siya sa akin. I'm actually excited to see him because we stayed in a long-distance relationship for a year.
Hindi ko sukat akalain na magtatagal kami ni Max ng dalawang taon bilang magkasintahan. Yes, we've been dating for two years now! Max has been a supportive boyfriend to me, to my plans and my dreams. Sabi ko sa kanya after graduation, sasama na ako para magbakasyon. I'll visit Papa and my other siblings in Manhattan and spend time with him in a beach house. Ganon lang kasimple ang plano ko at naipaalam ko na yun sa management ng Trinidad and Associate Law Firm.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...