SPECIAL CHAPTER 2 | UKIYOTO BOOK
Max
GINISING kami ni Summer nang mas maaga kaysa sa karaniwang gising namin sa umaga. Pagod pa kaming lahat mula sa biyahe pabalik ng Pilipinas kaya hirap na hirap siyang palabasin kaming lahat. Kung hindi lang siya maingay at dinig hanggang kabilang kanto ang boses, hindi na sana namin papansinin. Panay pa ang pagkanta sa hallway na akala mo nasa isang Broadway show na gaya ni Brooklyn.
Nakakarindi.
Minsan iniisip ko kung anak ko ba talaga si Summer pero naalala ko na gano'n din pala si Bea. Mas high maintenance nga lang itong anak namin. Mga tripleng Bea na pinagsama-sama kaya parang hindi nauubusan ng energy. Twenty-one hours and a half ang flight namin mula Connecticut hanggang sa NAIA tapos another hour and a half pauwi dito sa Batangas. At wala lang iyon kay Summer na panay pa rin ang pagkanta kahit na gising na kaming lahat.
"What is this Sum? It's too early for your concert. Can you do it later?" Narinig ko na sita ni Brooklyn sa kakambal niya.
"Vocalizations palang iyon, Brook. Mamaya pa ang tunay na concert." I tried to conceal my laughter. Ang aga-aga na namang patawa nitong anak ko. Nakita ko na tiniklop ni Summer ang malaking pamaypay na gamit saka nilipon kami sa living room. Pinagpawisan din siya sa pagiging maligalig. Alam naman niyang hindi gaya ng panahon sa US ang meron dito sa Pinas. "I summoned all of you because... charot lang magba-vlog tayo. Family vlog gaya doon sa ibang family sa social media natin."
Akmang tatakas si Brooklyn ngunit nahinto nang ipadyak ni Summer ang isang paa sa kahoy na sahig ng bahay namin.
"What is our topic, sweetie?" tanong ni Bea sa anak namin.
Ngumiti si Summer at hindi makakaila ang pagiging magkamukha ng aking mag-ina. Summer has Bea's eyes and hair - the red hair. Inakbayan ko lang si Bea at sumingit sa tabi ko si Summer saka pinakita ang mga tanong na itatanong niya sa amin.
"You'll ask these questions, and in the end, we leave a message for your birthday. How about Brooklyn? Your birthday is his too, sweetie."
"Maraming magbibigay ng message kay Brooklyn, Dad. Sikat siya at maraming artista na friends. I'm his twin sister who's making my way in showbiz through him, but I want to be known as Summer Lewis, not his sister only."
Ayokong maniwala na hindi pa kilala at walang kaibigan itong si Summer. She's known for being bubbly and has no bearing. Sobrang Ms. Sociable siya at isa sa mga dahilan kaya dinadayo ngayon ang Elixir.
"All right, pagbigyan na natin si Summer sa gusto niya." Of course, I can say no to my only daughter. Kahit na sobrang ingay niya halos araw-araw. Walang buhay ang bahay kapag hindi naririnig ang boses niyang abot hanggang kabilang kanto yata. "Brooklyn, just this once, please?"
"Okay..." Pagpayag ni Brooklyn.
"Yehey!" Tili ni Summer saka pinakilala kami sa team niya na lumipad din pa-Pilipinas ang ilan para magyari itong family vlog namin.
Marami na naging content itong anak ko at madalas kaming dalawa ang magkasama sa mga vlog niya. May time na si Bea ang inaaya niya kapag shopping at cooking vlogs. Laman lang si Brooklyn ng vlog niya kapag nanonood kami ng Broadway show nito kung saan-saang bansa. Backstage scene at quick interview sa mga casts ang kalimitan na content kapag ang kapatid niya ang kasama. Iyong fans ni Brooklyn, fans na rin ni Summer at ngayon na nagbabalak itong pumasok sa showbiz, nakasuporta naman kami ni Bea kahit na anong mangyari.
"Is this a tell all interview, Summie?" Narinig ko na tanong kay Summer ng isa sa mga team niya.
"Sort off. It depends if my family is willing to answer all the questions. I'll choose na lang if we need to maintain our normal upload length."
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomansaThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...