Chapter 22

3.3K 196 57
                                        

22: First Date

Bea

SABI ko kay Max, gusto ko yung first date namin pinag-isipan niya mabuti. Yung may flowers kahit malalanta lang naman. May reservation sa isang sikat na restaurant dito sa Brooklyn. Tapos mag check in sa hotel then rated SPG na ang sunod na hindi ko i-shi-share. But, he gave me nothing. Sad life.

Nandito kami sa Elixir ngayon at nagbibilang ng bote ng mga alak na kaka-deliver lang kanina. Wala si Claudel at may date daw na hindi sinabi kung sino pero kilala ko naman na kung sino iyon. Tama ang hula dahil wala din si Amie kaya stuck kami ni Max dito buong magdamag. Nilabas ko sa bag ko yung cellphone saka nagtungo sa couch at nanood na lang ng pelikulang sinimulan ko kagabi na hindi ko natapos dahil sa antok. Tapos maaga pa ako sinundo ni Max para magpatulong sa pagbibilang ng mga alak niya.

"Tinulungan ko naman siya... guluhin ang display?"

Nakagat ko ang kuko sa hintuturo ko ng maisip na doble trabaho ang existence ko dito. Tinigil ko ang panonood at mula sa kinauupuan ko pinanood ko si Max. Kung ako lang masusunod at wala akong Lola na uuwian sa Pilipinas, I'll stay here. Jackpot na kasi na napansin ako ng isang Maximilien Lewis. A hottest elusive businessman in town.

Muling nalipat ang atensyon ko sa cellphone ko sunod-sunod na tumunog. Binuksan ko ang mga mensahe na pumasok at napasinghap ako ng makita na picture iyon ni Max galing kay Del. Talaga naman iyong babae na yun wala 'man lang pasabi at hindi pa nga ako nakakaalis!

-

Messenger

Delilah Ysabelle Diaz

June 09, 2021 | 10:00am

Delilah: Good morning!

Delilah: Here's your almusal.

Delilah: Here's your almusal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi pa ako umaalis!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi pa ako umaalis!

Bakit may ganyan ka na kuha? Topless? Mag-explain ka, Delilah!

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon