Valentine's Day Special Chapter

2.9K 121 15
                                    

VALENTINE'S DAY SPECIAL CHAPTER

Bea

"HEY love, I'm going out now. What do you want for dinner? The twins will stay in New York until Monday night." Hinayon ko ang tingin ko kay Max matapos marinig ang sinabi niya. Ibig sabihin dalawa lang kami ngayon sa bahay. Wala rin ang mga kasambahay na kasama ng kambal sa New York. Now's the perfect time to pull off some prank. "Bea, are you okay?" tanong pa niya sa akin saka hinaplos ang paa ko.

Nakaupo ako sa cleopatra chair na nasa veranda ng second floor nitong bahay namin. Itinabi ko sa likod ang aking cellphone at binalingan siya.

"Yes. Pizza na lang bilhin mo tapos movie marathon tayo,"

"A movie of your choice?" Ngumiti ako at masuyo lang niya hinila ang paa ko saka hinalikan iyon. "Pepperoni and Cheese?"

"Yes please," tugon ko. I giggled when he kissed my feet again. Nakakakiliti talaga iyong facial hair niya na parang trip ko na naman ahitin. Mamaya na lang siguro pagbalik niya. Hindi na naman tutuloy ito sa pag-alis kapag kinausap ko pa ng kinausap. Nag-crave na din ako bigla sa pizza kaya kailangan niya bumili noon agad. "ingat ka, mahal ko."

"Weird mo,"

"You love this weird kaya."

Nilapitan niya ako saka hinalikan sa pisngi ko bago tuluyang umalis. Buti na lang malinis paa ko dahil matapos niya halikan iyon, ang magkabila ko namang pisngi inulanan ng halik. Ang lakas talaga ng trip niya tapos ako pa daw ang weird pero mahal na mahal naman niya. Kung hindi ko pa inawat, hindi na siya makakaalis talaga. When Max exited our home, I immediately sent a text message to my squad.

Sinabi ko sa kanila na i-pa-prank ko si Max at iba-ibang comment nila pero isa lang ang punto. Good luck daw sa akin. Iyong huling break up prank na ginawa ko, ako ang napikon imbis na si Max. Paano ba namang hindi ako mapipikon? Prank lang iyon tapos nagpaalam pa sa akin na may date siya kasama iyong model na naging client ko sa Elyseé Glam.

Napipikon pa rin ako hanggang ngayon kasi super patola nang model na iyon. Pumunta pa talaga sa bahay namin. Hindi naman siya nakaubra sa katarayan namin ni Summer na nasa pintuan palang ay tinaasan na namin ng kilay. Ngayon naniniwala akong mananalo ako sa prank na 'to. I asked my squad to pray for me para maging effective at hindi rumupok. Pagka-send ko noon, agad akong lumipat sa chat box namin ni Max.

"¡Hola señor! ¿Cómo están los niños?" Narinig na sigaw mula sa labas. Tingin ko kausap ni Max iyong kapitbahay namin na kababalik lang mula Mexico.

"¡Hola! Los gemelos están creciendo tan rápido."

"¿Que hay de tu esposa? ¿Como es ella?"

"Ella es buena. Todavía encantador." Ako ang pinag-uusapan nila. Nakakaintindi na ako ng espanyol ngunit hindi ko kaya magsalita. Matiyaga akong tinuruan ni Max kaya naiintindihan ko na sila.

"Tienes una familia encantadora."

"¡Gracias Señor!"

Tumayo ako at sumilip sa labas. Nakita ko na sumakay na si Max sa sasakyan niya. Inabangan ko na malayo siya bago i-send itong prank chat message na nakita ko sa TikTok. I want to know what will be his reaction after I send this to him. Itong mga kalokohan ko nag subside lang naman ng mabuntis at maging isang ina.

But somehow, my husband still loves me even if I joke around sometimes. Mas tumindi nga ngayon ang pagmamahal niya sa akin. I hit the send button and waited for what would happen next. Sa mga video na nakita ko online, nagmamadaling bumalik ang mga partner nila, never minding the traffic violations, maabutan lamang iyong pinapupunta sa kani-kanilang mga bahay. It's a cheating prank.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon