06 - Coney Island
Bea
UKINAM hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Max. Pakiramdam ko binebenta niya ako sa mga kinakausap niya. Alien talaga itong isang ito at ang rami pala nila dito sa New York. Mga tatlo yata ang naka-usap niya na alien.
"Hay un autobús directo saliendo desde 5th Ave/West 35th St y llegando a Cropsey Ave/Bay 52nd St." (A direct bus departing from 5th Ave/West 35th St and arriving at Cropsey Ave/Bay 52nd St.)
"Ya veo. Gracias." (I see. Thank you.) Umirap ako ng lumapit siya sa akin. "We'll take a bus to reach our destination."
Hay, buti naman at nag-ingles na siya. Iiwan ko na talaga kung hindi pa siya magsalita ng ingles.
"Saan na tayo pupunta?" Inamin naman niyang may mga lugar siyang hindi alam puntahan ng commute. Hindi kami gumamit ng sasakyan dahil ma-ta-traffic lang daw kami at mauubos ang oras dahil doon. Wise man.
"Coney Island. The journey takes almost an hour and a half."
"Maganda ba doon?" Tumango siya bilang sagot. Ang totoo, kahit kanina pa kami lakad ng lakad dalawa, hindi ako nakakaramdam ng pagod. Ewan ko pero siguro dahil masarap siya kasama kahit na alien siya magsalita madalas. "Island... eh 'di may beach? Teka naman hindi ako prepared. Wala akong dalang damit."
Napaka-unpredictable talaga nitong si Max. Niyaya niya ako gumala kagabi pero hindi ko naman sukat akalain na kung saan-saan kami nakarating dalawa. Malapit na mag-sunset at sabi niya, maganda daw doon manood ng paglubog ng araw, pero hindi pa din ako prepared.
"You don't need --"
"Aha! Sabi ko na nga ba't may balak ka na masama sa akin! Sabi ko sa iyo, no DTR, no entry!"
"What does DTR mean again?"
"Ewan ko sayo!"
Akala siguro ng mokong na ito marupok ako. Hindi nga ba Bea? Sumama ka nga sa kanya agad-agad tapos ngayon nagmamalinis ka?
Max tried to convince me to go to Coney Island. Marami siyang pinakita na picture ng lugar at na-akit naman ako. Scammer talaga itong si Max kahit na kailan at nagpapa-scam naman ako. Binilinan ako ni Gwynette na tigilan na ang pakikipagkita kay Max kasi nga may mas kailangan akong i-priority dito sa Brooklyn. Kailangan daw pagbalik ko sa bahay ni Gwynette, hindi ko kikitain si Max ulit. Paano ko naman gagawin iyon? Kailangan ko umisip ng magandang plano.
"Sige na nga." Marupok talaga ako.
Naglakad na kami papunta sa sakayan ng bus ni Max. Nag-antay lang kami kaunti at dumating na din naman iyong bus na sasakyan namin. Grabe, kulang ang isang araw para umikot-ikot dito pero ang pinupuntahan lang namin ang mga alam ni Max, kaya sakto naman siya. Hindi naman ako na gutom dahil lahat ng daanan namin, bumibili si Max ng pagkain at inumin. Parang masarap siya maging boyfriend kasi nga galante bukod sa masarap din siya. Ang dumi ng utak ko. God help me!
Ngayon kailangan ko pa din mag-isip kung paano ko siya iiwan at hindi na magtatagpo ang landas namin. Malaki ang Brooklyn at kung patuloy akong mag-di-disguise hindi niya siguro ako mahanap pa. Eh, kung pag-bigyan ko na kaya? Talaga ba, Bea? Handa mo ibigay ang sarili mo sa kanya.
Hindi na din naman ako talo sa kanya. Gwapo siya, mabango, may sense of fashion at humor. Hindi nakaka-turn off ang pagiging talkative niya at may sense kausap. Iyon palang sinabi niya na tutulungan niya ako hanapin si Papa ay nakakabulag na. Baka kasi iyon ang paraan para mahanap ko na nga ng tuluyan. I need connection, but Gwynette told me not to trust white guys even though he's half blood. Minsan na daw ako niloko kaya dapat hindi na maulit. Kailangan na gumanti at iyon na nga ang ginagawa naming dalawa.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...