36: Hired
Bea
I AM busy studying when Karel came and interrupted my focus. Nagsasa-ulo pa 'man din ako para sa recitation sa isa sa mga major subject namin mamaya. Pare-pareho kaming stress pero mas malala yata ang stress na dala-dala ng babaeng ito. She's working in a corporate company every Tuesday, Thursday, and Saturday. Tapos Monday, Wednesday, and Sunday naman sa school.
Pareho kami ng schedule, ang kaibahan lang may trabaho siya ako wala pa. Hindi ko pa kasi napuntahan ang office ni Atty. Trinidad at kung papalarin akong ma-hire doon, baka maging katulad na ako ng babaeng ito.
"How can you manage to stay fresh, Bea?" tanong niya sa akin.
Seryoso ba siya? Fresh ba ako ng lagay na 'to?
Hindi ko nga alam paano pagsabayin ang pagrereview at paghahanap ng trabaho. Marami na akong hindi napuntahan na job interview dahil palpak ako sa time management. I asked Max to fix my schedule, and so far, wala pa akong nakakaligtaan na puntahan nitong mga nakaraang linggo dahil sa ginawa niya. Maasahan talaga sa mga ganong bagay si Max. Na-miss ko tuloy siya bigla at ang bilis lumipas ng mga araw.
Isang buwan na mula ng huling magpunta dito si Max at ganun na din kami katagal na nag-uusap sa pamamagitan ng video call, chat. Tuwing magigising siya, hindi nakakalimutang mag-send ng voice message na pag gising ko naman pakikingan. Mahirap iyong long distance relationship pero kinakaya naman naming dalawa. Isang buwan na din lumipas mula ng magdesisyon kaming subukan ulit. May pangyayari 'man na sumubok sa amin pareho, sa huli kami pa din dalawa.
"Nasaan ang fresh sa akin?" Balik tanong ko kay Karel.
"Nasubukan mo na bang tumitig sa salamin? Hindi mo ba napapansin na blooming ka?" Nasapo ko bigla ang magkabila kong pisngi pagbaba ng hawak na ballpen. Blooming ako? "Sabagay, nakakaganda talaga yung may jowa. Baka may friend yung jowa mo, pakilala mo ako."
Sinabunutan ko siya bilang sagot. Alam ko na jowang jowa na siya pero bukod kay Chris, wala akong kilalang kaibigan ni Max. Si Claudel pwede sana kaso loyal 'yun kay Amie na sabi ni Max ay may ibang lalaki namang gusto. Bilang tsismoso si Max gaya ko, napag-kwentuhan namin sila noong magkasama pa kami dito.
"May nanliligaw sa 'yo na classmates natin, ah." Tukso ko sa kanya.
"Ikaw ang gusto noon hindi ako." Sabi niya na kina-iling ko lang. "At eto pa yung isang may gusto sayo." Dagdag niya na kinalingon.
Muntik na ako humaglapak ng makita kung sino ang tinutukoy niya. It was Atty. Trinidad who's talking to our office management professor. He's wearing a three-piece suit and carrying a leather bag. Mukhang kagagaling lang niya sa court trial o papunta palang? Lagi naman ganon ang get-up niya, hindi pa ba ako nasanay? Hindi lang si Karel ang unang nagsabi na may gusto sa akin si Atty. at tingin ko na-misinterpret lang nila ang pagiging mabait sa akin ng tao.
"Tigilan mo na nga pagbabasa ng mga nobela. May boyfriend ako --"
"Na nasa Brooklyn kaya technically wala kang boyfriend dito sa Pilipinas."
"Professor siya at against sa school etiquette."
"Hindi naman siya regular professor. Ini-invite lang siya kapag MIA si Atty. Salazar." Nakapangalumbaba si Karel at matamang pinagmasdan si Atty. "Single pa naman siya 'di ba? May sariling law firm, may sports car, at hottie din siya. Nakita mo na mga post niya sa Instagram? Mapapa-request ka ng kanin, dzai."
Kinatok ko yung lamesa para tingnan ako ni Karel. Stalker din talaga sa social media ang isa ito at nagagawa pa niya isingit iyon. Sabagay isang account lang kasi ang lagi kong binibisita.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...