Chapter 20

3.2K 200 90
                                    

20: Slow Down

Bea

"Inch by inch, we're moving closer. It feels like a fairytale ending. Take my heart; this is the moment. I'm moving closer to you. I'm moving closer to you..."

NANATILI akong nakatingin kay Max habang hawak niya ang kamay ko. Unti-unti na nawala ang mga tao sa paligid namin at iyong malamyos na kanta ay wala na rin. Hindi ko alam kung naririnig niya din itong tibok ng puso ko na para bang nais na lumabas sa aking dibdib. Mali ito at kung magpapatuloy pareho lang kaming masasaktan. Aalis ako sa bansang ito at iiwan siya bitbit ang mga alaala na meron kaming dalawa.

"Bea!" tawag na pumukaw sa amin pareho. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at nilingon iyong tumawag.

It was Del and Thalia.

Kinawayan ko silang dalawa bago muling binalingan si Max.

"M-Mauna ka ng bumalik sa Brooklyn. Dito muna ako kasama sila." sabi ko sa kanya. Akma akong aalis na ngunit naharang niya ang isang kamay ko. "May sasabihin ka pa?"

Ano ang inaabangan ko na sasabihin niya? Na aaminin niyang gusto niya ako pagkatapos hawakan ang kamay ko? Hinawakan lang naman niya at maraming ibig sabihin iyon. I shook my head secretly.

Muli akong tinawag ni Del.

Babaeng ito atat-atat lagi gumala tapos panira ng moment!

"Max, aalis na ako. Yung kamay ko pwede ko na ba mabawi?"

Sinubukan ko na haluan ng biro para mawala ang tensyon sa pagitan namin. O ako lang talaga ang nag-iisip noon? Suddenly, a flashback memory of Max and Sadie kissing each other flashed into my mind. Binitawan niya iyon at hindi naman na nagsalita pa. Dahan-dahan akong umalis at lumapit sa mga kaibigan ko.

Ang confusing.

Ganito ba ang love? Parang hindi naman ganito naramdaman ko ng inamin sa akin ang crush ko na crush niya din daw ako. Sabagay iyong crush ko na iyon crush ang lahat ng babaeng morena na maganda ang legs. Meron ako noon kaya crush niya na na din ako. Manyakol din.

"May date ka pala tapos inaya mo pa kami dito. May balak ka ba na gawin kaming third wheel?" sabi sa akin ni Del.

Pinagitnaan nila ako ni Thalia at pumapalibot ang kamay nila sa braso ko. In fairness kay Thalia, touchy na din siya. Success ang panghahawa ko ng kalokohan sa kanya! Si Del naman sa una akala mo seryoso pero ng lumaon ang dami na din nasasabi. Siya ang dahilan kaya ako ganito ka-confuse.

That night, after ng investors meeting ni Max nakita ko siya sa labas ng The Brooklyn Diners. Nilapitan ko at kung ano-ano ang sinabi niya sa akin na kesyo may gusto sa akin si Max. Na kesyo natotorpe lang yung isa at tanungin ko nga na ginawa ko naman. But Max didn't answer my question straight. He just pinched my cheek, that's why I bit his ear.

"Wala yun. May sinabi lang siya sa akin." Kahit wala naman talaga...

"Habang hawak kamay mo?" takang tanong ni Thali.

"Oohh! Improving ka na talaga Thalia. Proud Mama here."

Sinabunutan niya ang buhok ko dahil sa inis. Tumawa lang si Del habang pinapanood kami ni Thalia na mag-away. Ginamitan naman niya ako ng mga alien niyang salita. Kapag talaga natuto ako humanda itong si Thalia at Max. Pero baka lusaw na ako nun at pilipit ang dila. Ah, basta!

"Okay, let's forget about your boys. Me time natin ito at walang uuwi na hindi gumagapang!"

All three of us shouted, then laughed as we walked the street at Williamsburg. Ako naman muna ngayon... bukas na si Max.

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon