Chapter 14

3K 186 62
                                    

Author's note: Listen to Keiko Necesario's Away from the Current while reading. Her "Through It All" album is TSIB mood songs. Stream now on Spotify.

***

14: Away From The Current

Bea

"BEA..."

Nag-angat ako ng tingin pagkakarinig sa boses na iyon ni Max. I was busy talking to Sasha again while she's eating her breakfast. Nasa isang sulok kaming dalawa kung saan hindi makaka-istorbo sa mga tenants. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap si Max.

"Ano yun? May kailangan ka sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi naman naka-sagot agad ang mokong at nakatitig lang siya sa akin kaya winasiwas ko pa ang kamay ko sa harap niya. Dinaig pa niya iyon sinapian bigla ng masamang espiritu.

"Come with me tonight. I have an investors meeting at Crowne Plaza Hotel and Resorts." Iyon lang saka tinalikuran niya na ako agad.

"Huy, ano susuotin ko?" sigaw ko sa kanya na nagpalingon naman agad dito.

"Not that." Simple niyang sabi saka naglakad na paalis.

Anong ibig sabihin niya sa not that? Maayos naman ang suot ko ngayon. Light off-the-shoulder top to tuck into a faded denim skirt paired with gladiators sandals. Nakakainis talaga minsan itong si Max. Hindi kumpleto magbigay ng details sa mga pupuntahan na events. Corporate event kaya yun? Nakakairita talaga yung lalaki na yon!

Eksaktong tapos na kumain si Sasha ng damputin ko siya at isama pa-akyat sa apartment nina Max. Si madam ang nagbukas sa akin ng pinto at pinatuloy niya ako agad. Sinundan ko siya hanggang sa kusina ng apartment nila.

"Para kanino po ito?" Tanong ko saka inisa-isang tingnan iyong mga damit na nakasabit sa bawat upuan doon.

"Pinayagan na ako ni Max na piliin ang mga damit ng Mama niya na pwedeng ibenta online." May mga dress doon mapa-formal 'man o pang-simpleng handaan. "Isukat mo nga ito, Bea." Utos niya na sinunod ko naman. Binaba ko si Sasha at hinubad ang sapatos ko para masukat iyong damit na sinasabi ni madam.

Sakto lang iyong damit sa akin. Maganda yon at hakab na hakab sa katawan ko. Lumabas ako pagka-tali ko sa buhok pataas kaya mas lalong umangat ang natural na ganda ng damit.

"Bagay nga sayo!" Bulalas ni madam saka pina-ikot ikot ako na parang buhay na manika. "Max, halika at tingnan mo si Bea. Bagay sa kanya 'diba?"

Inayos ko ang tayo ko saka ngumiti kay Max.

"Hindi bagay." Literal na bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. "I'll leave now, Nana. I'll be back before sunset to fetch her. Help her to find a presentable dress to wear later."

"Hindi ba bagay talaga yung suot niya ngayon?" Tanong ulit ni madam. Nakita kong may inabot itong black card na malamang ay pambili ng damit na sinasabi niyang presentable.

"Nope." Mabilis na sagot ni Max saka umalis na.

Kung pwede ko lang siya batukan sa harap ni madam, kanina ko pa ginawa. Presentable naman ang suot ko at hindi ako mukhang yagit. Akala mo talaga dumagdag sa ka-gwapo-han niya ang pagiging ma-lait niya. May araw ka din, Maximilien Lewis! Hahabulin mo din ako... char lang asa naman ako agad.

Tinulungan ko na magligpit si madam ng mga kalat niya bago kami umalis. Tuwang-tuwa siya noong malaman kami ni Max pero peke lang at naka-konsensyang lokohin itong si madam. Last na talaga ito at kailangan ko lang talaga ng tulong ni Max. Kailangan niya rin ng tulong ko para itaboy na si Sadie. And speaking of the Devil.

The devil is here.

"Tita!" Masayang sambit ni Sadie ng makita si madam. Neutral lang reaksyon ni madam at tama nga si Max, hindi mabait sa lahat ang tiyahin niya. Siguro noon ng 'di pa nangyayari ang kung anumang nakaraan na bawal ko itanong kay Max. Ang hirap talaga kapag hobby ang pag-sagap ng tsismis. "Kumusta na po?"

That Summer In BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon