Special Chapter 2: The Wedding
Max
TIME flies so fast and we're now here at Ninoy Aquino International Airport, waiting for Bea's family to fetch us. Dalawang bag lang ang bitbit na halos gamit nina Brook at Sum. May mga gamit pa kaming naiwan dito sa Pilipinas noong huling umuwi ako at si Bea kaya hindi na kami nagdala pa. Nandito lang naman kami para sa kasal na wala pa din konkretong plano hanggang ngayon. Anim na buwan na mula ng manganak si Bea at hanggang sa mga oras na ito, yung prenup pa din ang pinagtatalunan nila.
"Babe, ayan na sila." Sambit ni Bea saka tumayo at kumaway kina Lola Esme, Aila at Aling Flora.
"Bea, apo." Narinig ko na sambit ni Lola Esme. Matapos makabawi ni Bea ng lakas mula sa panganganak at maka-adjust sa pag-aalaga sa kambal, umalis na si Lola ng Brooklyn at sinabing dito na lang siya sa Pilipinas. Nababagot lalo't laging tulog ang kambal na inaalagaan. "Amina itong si Sum," aniya kay Bea na dahilan ng pagtawa ko.
"Lola, si Brook 'yan. Ayun si Sum na kay Max," wika ni Bea bilang pagtatama kay Lola Esme.
"Lagyan niyo kasi ng ipit na pink para walang nagkakamali." Suhestyon ng Lola sa amin.
Nilabas ko iyong head band ni Sum na laging inaalis sa ulo kapag nilalagay ni Bea. Nilapitan ako ni Bea at kinuha iyong headband sa akin saka dahan-dahan nilagay sa ulo ni Sum.
"Ganyan ba, 'La? Tingnan mo po gagawin niya." Sum removed the head band and ate it. "See? Ayaw niya ng may headband po,"
"Ang cute!" Patiling sabi ni Aila saka kinuha sa akin si Sum. Tumawa ang Lola saka nilapitan ang apo sa tuhod na kalong ni Aila para halikan. I dropped my arms on Bea's shoulder and planted a kiss on her side head.
Maya-maya pa'y umalis na kami doon at bumiyahe na pauwi sa bahay. Traffic pero sanay naman na kami. Nalilibang naman dahil panay ang pagtawa nina Summer at Brooklyn habang kausap ni Aila. Inalis ni Bea iyong suot na jacket ng kambal para maginhawa-an dahil hindi hamak na mainit dito sa Pilipinas kaysa Brooklyn.
"Lilipat na kayo ng Connecticut?" Tanong ng Lola ng sabihin namin ang plano na paglipat malayo sa city.
Iyon agad ang napag-usapan ng makauwi kami sa bahay galing sa mahabang biyahe dahil sa traffic.
"Hindi naman kalayuan sa city pero mas maayos po doon, 'La." Bea said to them. "Babe, pakita mo sa kanila ang bahay,"
Binuksan ko ang laptop saka tumungo sa drive folders kung saan ko inilalagay iyong mga picture naming pamilya.
"Here it is." I told them, showing the picture of the house's huge lawn. Sunod ang living room at bed rooms. I showed them also the baby's room na noong nakaraan ay inayos na ni Bea.
"Kaya 'La, sama ka na sa amin. Mas tahimik na dito at magkasama tayo lagi. Si Mama po kasi lagi na kay Papa sa Manhattan."
Ngumiti lang si Lola at nagpaalam maya-maya pa na pupunta muna sa kusina.
"Pwede din ba ako magbisita dyan?" Tanong ni Aila ng kami na lang maiwan sa living room.
"Pwedeng pwede after ng graduation mo para makahanap ka ng hospital doon na pwede pagtrabaho-an mo," ani Bea kay Aila.
Tumango-tango si Aila saka patuloy na nakipaglaro sa kambal namin na nasa crib na ngayon. Binalingan ako ni Bea ng humilig ako sa balikat niya. Hinawi niya ang buhok ko saka hinalikan ako sa noo. Aling Flora excused herself to buy us merienda while Lola was busy cooking for dinner. Ipinikit ko ang mata ko sandali ng i-suklay ni Bea ang kamay sa buhok ko.
"Mukhang kulang na kulang sa tulog si Kuya," wika ni Aila. I still heard that but I refused to answer.
"Paano hindi kukulangin, eh sobrang hands on sa amin ng kambal. Tapos negosyo pa at yung bahay sa Connecticut.” Tama si Bea pero ayos lang sa akin ang lahat ng iyon. Basta para sa kanila ng mga anak ko, lahat ay gagawin ko. Tinuloy ko na ang pagtutulog sa balikat ni Bea na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...