05 - Isn't She Lovely?
Max
"THANK YOU, Max!"
Summer took off my coat and dusted it before returning it to me. I accepted it with a smile on my face. That never left my face, actually, from when I met her at the bridge until now.
"Default na iyan sa mukha mo? Mukha ba akong clown?"
This witty girl in front of me pertains to the smile on my face. Default na nga yata ang ngiting ito kapag siya ang kasama ko.
"Do you have any plans tomorrow?" Nag-isip si Summer bago sumagot sa akin na wala naman siyang ibang lakad. "Do you want to roam around? Do you have a particular place you want to visit?"
"Libre mo ba? Kasi kung oo, sino ba naman ako para tumanggi, 'di ba?"
I chuckled softly. "My treat."
"Eh 'di gora ako." Pareho kaming natawa na dalawa. "Sige na, aliw na aliw ka na naman sa akin baka mahipan ka na ng hangin dyan. Bye, Max. See you tomorrow!"
She bade her goodbye to me and got out of my car. Pinaalis niya muna ako bago siya pumasok sa loob ng bahay niya. Habang nasa byahe ako pauwi, siya lang ang nasa isip ko. Nahihibang na nga yata ako at ngayon ko lang ito naramdaman. Hanggang sa ma-i-park ko ang sasakyan ko at pumasok sa apartment ay hindi umalis ang ngiting iyon.
"May nangyari ba na maganda, hijo? Ang ganda ng mood mo," puna sa akin ni Nana Zeny.
"It's nothing. Good night, Nana. I love you." I hugged Nana Zeny and kissed her forehead. Alam ko na nagtataka siya pero masyado pang maaga para sabihin ang tungkol kay Summer. Saka na kapag sigurado na ako.
Kapag sigurado na.
Kinabukasan, nagkita kami ni Summer kung saan ko siya nakita kahapon. She's wearing an above the knee length spaghetti strap yellow summer dress, bangle earrings and her red curly hair are all down. Kumaway siya ng makita ako at mabilis na lumapit sa akin. She turns around in front of me flaunting her gorgeous body that gives unexplainable heat. Napalunok ako habang nanatiling nakatingin sa kanya.
"Gandang-ganda ka na naman dyan," tukso niya na pumukaw sa akin. "Tara, kain tayo ng almusal. Masamang gumala ng gutom. Libre ko na pero sa mura lang ha? Wala bang tusok-tusok dito?"
Hindi ako sumunod. Iniisip ko ano ang ibig sabihin ng tusok-tusok na sinasabi niya.
"What's that?" Hindi ko na napigilan magtanong.
"Edi, fishball, squidball, kwek-kwek, hotdog, kikiam. Jusmiyo, Pinoy ka ba talaga? Hindi ka pa nakakain noon? Rich kid ka siguro, ano?"
"I said I'm half-blood. I know those foods, but is that what you call street foods?"
Sinampal ni Summer ang noo niya.
"Oo yun nga tawag doon pero sa amin, tusok-tusok ang tamang terms. Saka mas madaling sabihin, try mo."
Inaya niya ulit ako at naghanap kami ng makakainan. Apparently, wala akong alam na nagbebenta ng tusok-tusok dito sa America. Iyong mga food stalls sa tabing kalye, street foods na ang tawag doon. Dedicated para sa mga taong palaging on the go. Dito sa NYC, hindi humihinto ang oras. Lahat ng mga tao abala o 'di kaya ay may hinahabol na oras. Lalaki, babae, bata, matanda, lahat may trabaho o role na kailangan gampanan.
"Why New York?" I asked after placing our order. We choose a cafe across my Elixir that serves breakfast meals.
"Hinahanap ko ang tatay ko. May nakapag-sabi na nandito siya sa Brooklyn, New York."
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
Roman d'amourThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...