24: The City of Angels
Bea
"SAAN ang lakad mo at may dala ka pang bag?"
Natigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ng marinig ang tanong na iyon ni Gwy. Ngumiti lang ako kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. Talaga naman itong babae na ito napaka-taray at dinaig pa niya ang Mama ko. Minsan iniisip ko parang nanay ko na dito si Gwy at sa loob ng limang buwan, hindi niya ako pinabayaan na maging palaboy dito sa Brooklyn. Gets ko naman kung bakit tutol siya sa kung anong meron kami ni Max ngayon.
Ayaw niya ako mahirapan o masaktan pero sabi nga nasa napanood ko, if it's tough, it's love.
"Pupunta kami ni Max sa LA." Sagot ko kay Gwy.
Noong isang araw pa naka-prepare itong bag ko at noong isang araw pa din ako excited sa trip na 'to. Gusto ko kasi talaga malibot ang LA, makita yung Hollywood sign, Walk of Fame, at Disneyland. Alam ko na kulang isang araw para sa lahat ng gusto kong puntahan kaya sabi ni Max mag-stay kami doon ng one week. One week all-expenses-paid trip courtesy to Los Angeles, California of Max Lewis. Noong isang araw nasa Manhattan kaming dalawa at puro museum ang dinalaw namin. All-expenses-paid din bilang pang-spoiled sa akin ni Max.
"May balak ka pa bang umalis ng Brooklyn, Beatriz?" Tanong muli ni Gwy sa akin.
"Syempre meron... kaya lang..." Nahinto ako sa pagsasalita.
"Kaya lang ayaw mo iwan iyang si Max at gusto mo na mag stay dito?" Nababasa ba niya ang isip ko? Ang talented naman nitong si Gwynette. "Mahirap itong papasukin mo --"
"Saka mo na ako sermonan, Gwy. Kailangan ko na umalis."
Pag-iwas ko saka dire-direchong lumabas ng bahay niya bitbit ang bag ko. Ayoko munang makarinig ng real talk wisdom ni Gwy lalo at ganitong confuse na ako. Nakausap ko si Lola Esme kagabi at gusto na din niya na umuwi ako ng i-balita ko na wala na pag-asang mahanap pa si Papa. Wala din lead si Max kaya suko na talaga ako. I will just enjoy my remaining weeks and days here, roaming around with Max.
Lumawak ang ngiti ko ng makita si Max sa labas at kausap ang matandang katiwala ng malaking bahay na naka-for sale na. Nakita ko na inalis ng katiwala yung karatula na for sale at pumasok sa loob. Kinawayan ko si Max ng lumingon siya sa gawi ko. Mabilis ako lumapit sa kanya at kinuha naman niya agad yung bag na bitbit ko. I tiptoed and plant a quick but soft kiss on his side lips.
"Ready?" Tanong niya at pumalupot sa baywang ko ang isang braso niya. "Next time, kiss me properly, hmm?" He said, lowering his head down and claiming my lips. I gasp, and it's like an open opportunity for Max to deepen our kiss. And to stop it, I have to tap his broad shoulder.
"May flight pa tayo," sabi ko ng maghiwalay ang mga labi namin.
"Right. Shall we?" Max offered a hand which I immediately accepted. He guided me towards the back seat and helped me to settle before closing the door. Nagulat pa ako ng makita si Claudel sa harap at nakangisi.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko agad. Hindi naman namin siya siguro isasama, no? Karibal ko ito kay Max eh at kung minsan na nakakaselos na lagi sila magkausap. Kung nandito siya sa loob ng sasakyan, ibig sabihin nakita niya kami na naghahalikan? Nakakahiya!
Meron pala ako noon? Anyways, nakakahiya pa din!
"Easy, Boss Bea. Ihahatid ko lang kayo sa airport para hindi maiwan si Mindy doon,"
"Mindy? Sino 'yon?" Nangunot agad ang noo ko. Sino naman kayang Mindy ang tinutukoy ng kumag na 'to? Parang ayoko na nga talagang umalis. Hindi pa ako nakaka-alis may Mindy na agad sa eksena.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
Storie d'amoreThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...