35: Come Back, Be Here.
Bea
HINDI ko alam paano tumingin ng diretso sa mga mata ni Lola Esme. Hindi siya disappointed at lalong 'di rin masaya sa binalita ko. Nakaupo lang siya sa harapan namin ni Max. Kung tutuusin pareho sila ng reaksyon dalawa, neutral lang at mahirap mabasa. Sumasakit na ang ulo ko at ang gusto ko na lang matulog muna, baka sakaling pag-gising ko makaka-isip na ako ng matino.
Hanggang ngayon hindi ko pa din magawang i-absorb lahat ng nangyayari sa akin. Umuwi ako ng Pilipinas para magsimula ulit, para tuparin ang naunang plano ko pero sa bandang huli, mag-iiba na naman. Hindi sa ayaw ko na magkaka-baby kami, sa totoo lang natagpuan ko na ang sarili ko na kausap ang baby namin. Nagkukwento ako sa kanya ng mga kung ano-ano, kasama na ang takot na sana hindi makaapekto sa kanya. I even dreamed of myself carrying a new born child.
"Ano ang plano niyo?" Tanong ni Lola sa aming dalawa ni Max.
Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa mga plano. Dito ko lang inaya si Max kasi kailangan din malaman ni Lola iyong tungkol sa pagbubuntis ko. Karapatan niya bilang guardian ko kahit pa lampas eighteen years old na ako. Tahimik lang kami pareho ni Max. Walang nagsalita at tanging ang buntong-hininga lang ng Lola ang pumutol sa katahimikan na bumalot sa aming tatlo.
Tumayo si Lola at iniwan kami doon ni Max. Hindi ko alam kung galit siya dahil wala kaming naisagot dalawa sa tanong niya. Agad kong nasapo ang noo ko at tumitig sa kawalan. Simula ng malaman ko itong kondisyon ko, wala na akong tigil sa pag-iisip. Hindi pa din maayos ang tulog ko hanggang sa mga sandaling ito.
Max cleared his throat.
"Let's visit an OB-Gyne tomorrow, then we'll find a place that's safe for you, the baby, and Lola."
Simula ng ma-kompirma ko na buntis ako dahil sa pregnancy test, pinapayuhan na ako ni Del at Gwy na magpatingin sa doctor para makasiguro. Ako lang yung natatakot na magpunta sa ospital ng mag-isa. At least ngayon may kasama na ako magpunta at mababawasan yung takot. Kasama rin sa plano ko ang umalis sa lugar na 'to kaya tingin ko sasang-ayunan ko si Max sa gusto niya mangyari kaya lang kapag umalis kami, maiiwan sila Aling Flora at Aila. Sila lang ang nagbabantay kay Lola Esme kapag nasa school ako.
Hindi ko pa nga natatanong kung hanggang kailan siya dito. Sigurado ako na mabilis lang dahil hindi siya pwedeng matagal na mawala sa Brooklyn. He has business to run in Brooklyn. Dalawa pa iyon tapos may ilan pa siyang bubuksan na branch sa ibang lugar sa Amerika. Kinuha ni Max ang isang kamay ko at hinawakan iyon. Tumingin ako diretso sa mga mata niya at ilang minuto din kaming nasa ganong ayos bago siya muling nagsalita.
"We'll make this relationship work even at a distance, hmm?"
"Paano ang pag-aaral ko?" tanong ko sa kanya.
"I think it's better if you'll take a break,"
"Kakaumpisa ko palang, Max." Huminga ako ng malalim bago ulit nagsalita. "Sabi ni Atty. Trinidad, may option ang school para sa katulad ko na buntis. Hindi ko na kailangan huminto ng isang taon. Sayang kasi yung tuition fee na nabayad ko na saka..."
I stopped when I thought of Lola Esme. Pakiramdam ko talaga hindi gusto ang nangyari sa akin. She expected more since I came back from Brooklyn. Pinangako ko sa kanya iyon pero napako ko na naman at pinaasa siya sa wala. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata. Pinalis ko iyon at sinubukan na ituloy ang dapat na sasabihin ko ngunit hindi ko na nagawa. Max immediately hugged me tightly.
"Hush, we'll be fine, Bea. I am here, and you don't need to take a break that long. We'll consider the university's options so you can finish studying on time or earlier." Marahan niyang hinagod ang likod ko. "As long as it won't affect the baby, taking a long break is necessary."
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...