18: What I Like About You
Bea
I WAS holding a dandelion which I picked in the garden near Cadman Plaza Park. Nakaupo ako ngayon sa damuhan at pinagmamasdan ang hawak ko na bulaklak. Bulaklak nga ba ito? Sabi ni Google bulaklak daw at maniniwala ako sa kanya. Siya kaya ang pinaka-updated tsismakers online. Tinutok ko ang dandelion sa isang pamilyar na pigura hindi kalayuan sa akin.
Ang sabi, making a wish immediately before blowing on a dandelion states that your wish just might come true. Walang masama kung maniniwala pero bakit si Max ang naiisip ko i-wish? Niyakap ko agad ang sarili ko ng makaramdam ng kilabot. Ang sabi ni Gwy, mawawala na ito pero scam din dahil hindi naman nangyari kahit marami na ako nakain. Hindi kaya gutom lang ako?
Lumingon sa gawi ko isang lalaki na tinapatan ko ng dandelion at halos mapanganga ako ng makilala iyon.
Si Max!
Ukinam nagha-hallucinate na yata talaga ako. Kailangan ko umalis at humanap ng makakain. Bago ko pa naitago iyong bulaklak na hawak ko, umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mga petals noon. Spreading it all in the air while Max walked towards me. Parang movie na slow motion ang galaw ng lahat na dapat hindi ko na iniisip ngayon.
A series of scenes flashed through my mind wherein I was wearing a white gown, walking down the aisle. At the end of it, Max is waiting for me.
"Bea..."
"I do..."
A snap of a finger and a pinched on my cheek wakes me up from daydreaming.
"What do you mean by I do?" Tanong ni Max sa akin.
I scowled and stopped him from pinching my cheek.
"Kapag talaga na-deform iyong pisngi ko sisingilin kita. Kumakanta ako, basag trip ka na naman dyan."
Palusot ko kahit halatang halata naman na nag-di-daydreaming nga ako. Itinuloy ko ang pagkanta ng I Do na kanta ng bandang 98° kahit wala na nga sa tono. Paborito ko yun kantahin sa videoke ni Aling Patring at wala akong pake kung ingay lang ginagawa ko. Wala din naman konsiderasyon ang ibang kapitbahay namin minsan kaya ang gumanti ang tanging paraan.
"Let's go to Times Square and eat. Gutom lang 'yan, Beatriz."
"Libre mo?"
"I invited you, so it's automatic."
Ngumiti ako ng marinig ko ang sinabi niya. "May Jollibee ba dito? Miss ko na yung chicken joy, spaghetti, peach mango pie, french fries, palabok, jolly hotdog at caramel sundae nila."
Kapag bagong sahod ako, doon lagi ang derecho at bilibili ko ang paboritong palabok ni Lola Esme. Parte na iyon ng kabataan ko kahit pa hindi kami madalas kumain doon. Kapag may malaking kita ang Lola, binili niya ako ice cream doon. Kapag naging galante iyong pinag lalaba dahan niya, chicken naman ang uwi uwi sa akin. Spoiled na spoiled ako ni Lola Esme at mas ramdam ko ang pagiging ina niya sa akin kaysa kay Mama.
Max chuckles. "Gutom ka nga." He said, shaking his head while smiling.
Illegal iyon at ang gwapo niya talaga. At first sight, kamukha siya ni Ryan Eggold pero kapag malapit na, Lucas Bravo na ang nakikita ko. His blue expressive eyes, his bedroom voice and boy-next-door smile. Lakas talaga nakakarupok ng lahat sa kanya. Ilan pa lang iyon sa mahabang listahan na nabuo ko sa isipan ko at marami pang mga susunod...
"One piece chicken joy with regular coke and fries for me. What about you, Bea?"
I looked diligently on the screen as if I couldn't choose what to eat.
BINABASA MO ANG
That Summer In Brooklyn
RomanceThat Summer In Brooklyn This is the story of a happy-go-lucky man and a goal-achiever woman. One memorable summer will constantly rock their world. Join Max and Bea as they discover love and life in the busiest borough in the United States. Is love...