Phil's POV
Sunday ..
Haaayy.. Salamat naman at Linggo narin ngayon.. I mean, masyado akong naging abala ng mga nakalipas na tatlong araw.. Pagka tapos kase ng kasal ng celebrity couple, naging abala naman ako sa pag eedit ng mga pictures na gagamitin para sa issue ng magazine.
At itong araw ngang ito ang hinintay ko, ang makapag relax at syempre makasamang muli ng mas matagal ang girlfriend ko. At syempre pa di naman papayag ang barkada na wala sila. Isa pa, napangako narin naman ni Gelo na sa restau-bar nya kami ngayon.
Papunta nako ngayon sa bahay nina Leanne para sunduin sya. Si Ate Cess susunod nalang daw sa amin.
Pag dating sa bahay ay pina deretso na ako ni Manang Feli sa kwarto dahil handa na daw si Leanne at hinihintay nalang ang pag sundo ko sakanya.
Pagka tapat ko sa kwarto ni Leanne ang sya naming pag labas ng kwarto ni Angel.
"Hi Sir, andyan kana pala.. ready na si mam.. ibaba ko lang poi tong mga gamot nya." Sabi ng nakangiting nurse ni Leanne.
"Yes, Gel! Thanks. Si Ate may ibinilin ba?" tanong ko.
"Wala naman po sir.. Doon narin naman daw po sya tutungo. May pinuntahan lang daw po." Magalang na sagot naman ni Angel.
"Ah, okay.. thanks then."
"Sige Sir, bababa na ko. Pasok nap o kayo, baka mainip si mam.." tumatawang sabi naman nya at tuluyan nan gang bumaba.
Pagka baba nga ni Angel ay pumasok na ako ng kwarto ni Leanne. Nadatnan ko syang naka upo sa kama nya. Napangiti nalang ako.. napaka ganda nya kase sa dress na suot nya. Ang buhok nya, naka lugay lang at bahagyang naka kulot ang bandang ibaba. Tulad lang ng, nakasanayan nyang style noon paman.
"Kumusta ang napaka ganda kong girlfriend?" batik o ng maka lapit ako sakanya. Hinalikan ko pa muna sya sa noo bago tuluyang tumabi sA tabi nya.
"Kanina kapa ban aka ready? Nainip ka ba Love? Sana di naman. Oh ano tara na? baka nag hihintay na si Gelo sa restau.. Doon na tutuloy si Ate Cess diba? Tapos, sina Kayla at Trish papunta narin naman." Naka ngiting sabi ko at inalalayan na nga syang tumayo para maka alis na.
"Nga pala Love, pasensya na daw pala kung di makaka sama si Tommy ah? Wag ka mag alala, bibisita naman daw si Kayla ditto sa Wednesday at doon nalang daw nya isasama ditto si Tommy." Sabi ko ng pababa na kami ng hagdan. Si Tommy nga ay ang anak ni Kayla. Kung minsan, isinasama sya ditto ni Kayla kapag bibisitahin nya si Leanne.
"Haayy.. sobrang naging busy ko talaga.. Sorry Love ah? Dami ko pa in-edit para doon sa issue ng magazine eh. Anyway, tulad naman ng sabi ko babawi ako sayo." Patuloy lang ako sa pag uupdate sa girlfriend ko hanggang maka baba na kami ng hagdan.
"Aalis naba kayo? Mag ingat kayo mga anak!" salubong naman sa amin ni Manang Feli sa bandang ibaba ng hagdan.
"Opo Manang, ako na bahala! Maraming salamat po!" naka ngiting sagot ko.
"Osige na kung ganon.. Oh mag enjoy ka Iha ha? Magpaka saya kayo." Sabi naman ni Manang ng humarap kay Leanne. Bakas sa mukha ang matinding pag mamahal sa alaga na itinuring narin ng parang sarili nyang anak.
"Syempre naman Manang, sisiguraduhin naming na sasaya Mahal ko!!" masayang sabi ko.
"Osige na, umalis na kayo't baka hinihintay na kayo ng mga kaibigan nyo. Mag iingat kayo." Sabi naman ni Manang Feli.
"Sige, bye Manang!" naka ngiting paalam k okay Manang at tuluyan na kaming lumabas ng bahay ni Leanne.
Inalalayan kong maka sakay ng passenger seat si Leanne at dali dali ng sumakay sa Driver's seat. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan na hindi sya sulyap sulyapan habang nag mamaneho ako.

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomansaPinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...