Chapter Twenty-Three

68 1 0
                                    


This one is for you. Thanks for following me @thewanted_author

Phil's POV

I don't know what's happening. She was fine and so happy. So what's on earth now that she isn't picking up her phone and leaving me clueless? Patuloy lang ako sa pag dial sa number nya pero halos mag iisang oras na pero hindi parin nya ako sinasagot.

Kung noon, mag te-text sya tuwing 'di nya masagot ang tawag at may importante syang ginagaawa, ngayon kahit text wala. Ang totoo hindi ko na din alam ang gagawin. Punong-puno nan g pag-aalala ang puso ko.

Sinubukan ko narin tawagan ang mga kaibigan naming, but just like me, they haven't heard anything from her. Sobrang nag-aalala na ako kaya wala rin akong magawa kung hindi ang sabihin sa mga kaibigan namin ang ginawa nyang pag sstalk sakanila.

"You sure, sinundan kami?" tanong ni Trish.

"Oo, yun ang balak nya." Sagot ko. "That's her plan. Gusto nyang makita ang mga pinag kakaabalahan nyo lately." Dagdag ko pa. nandito kami ngayon sa Tribe's Hide Out. I just called them to see me here 'di ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.

"Eh pare, kung ganon, anong nangyare at di sya nag paparamdam?" nag aalalang sabi naman ni Ron.

"She's supposed to be here and making fun of us. Eh anong nangyayari? " nanginginig narin ang boses na sabi ni Kayla. "Jusko. Baka ano na nangyari sakanya." Dagdag pa nya.

"Tumigil ka nga! 'di makakatulong yan" Suway naman ni Trish.

"hindi ko rin talaga alam, 'di ko na nga din alam ang gagawin ko." Tulirong sagot ko ng sa phone ko lang nakatingin. Umaasang makaka tanggap ng tawag o text man lang galling sakanya.

"This won't do something. Let's just try to find her. Tara na. mag hiwahiwalay na muna tayo. Mag hati na tayo sa tatlo. Subukan natin hanapin sa mga posibleng lugar na maaari nyang puntahan." Suggestion naman ni Gelo.

"Yeah. Right, Gelo, Trish. Kayo na mag tulong hanapin sya. Si Kayla at Ron naman ang mag kasama. I'll go myself to find her too." Pag bibigay instructions ko naman. "And please give me a call right away when you find her" dagdag ko.

"Okay-okay.. ingat guys. Balitaan nalang. Text- text every now and then." Sabi ni Kayla at saka na kami nag hiwahiwalay at inumpisahan mag hanap.

Pinaandar ko ang sasakyan nan i walang konkretong direksyon kung saan mag uumpisa. Ang isipan ko gulong-gulo sa mga maraming bagay na maaaring nangyari.

Saan ka ba pumunta Leanne? I thought we're having a date tonight? I hate it, but I have this gut feeling that you're in pain. Pero kung ganon man, bakit mo gugustuhing sarilinin ito? We're here for you. I am here for you.

You know you could always talk to me. We can face this together. Please let me know where you are. We'll handle this together.

Pakiramdam ko nasa isang maze ako kung saan paikot ikot ako sinusubukan syang hanapin. Ano nga ba talagang nangyari sakanya? Ito ang kinakatakutan ko. Na baka may bagay na makapag paramdam sakanya ng mga maling nangyari sakanya.

Ano bang nangyari sa pag labas nya? Was there something made her remember HIM? O may taong nakapag paalala sakanya? Oh paano kung sya mismo ang nakita nya? Hindi ko alam. Puno nang mga scenarios ang utak ko na pawing kinaki takutan kong mangyari.

Ang nais ko lang ngayon ay ang makita sya at masigurong nasa magandang kalagayan. Hanap lang ako ng hanap sa mga lugar na maaari nyang puntahan. Ng bigla kong maalala na posibleng pumunta sya doon sa park na madalas naming puntahan noong college. Alam kong maliban sa pag gusto naming mapag isa ay pumupunta din sya doon kapag gusto nya makapag isip.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon