Chapter Forty- One

69 1 0
                                    

Leanne's POV

Malamig at sariwang hangin ang sumasubong sa akin dito sa site. Sabado ng umaga ngayon at maaga ang call time para makunan ang araw ng mga tao dito sa village tuwing Sabado.

Halos 6 a.m palang ng umaga pero kapansin pansin nang unti-unti ng nagiging busy ang paligid.

Makikita ngayon ang mga Nanay na naglilinis ng kani-kanilang mga bakuran. May mangilan-ngilan naring mga padre de pamilya na nag hahanda ng mamasada ng kanilag pedicab o de- padyak kung tawagin dito.

Hinati namin ang grupo sa dalawa. Ang isang grupo na meron din pinaka malaking number of members ay pinamumunuan ni Carl na sa ngayon ay nasa Bunkhouse para kunan ng videos kung paano ang simula ng araw ng 7 pamilya na naroon naninirahan.

Isa sa mga napag kasunduan na hanggang maaari ay ipag babawal na ako pa mismo ang pumunta doon dahil malapit doon ang isa pang abandonadong building kung saan ako napahamak.

Ayoko pa din munang sagarin ang limitasyon ko kung kaya't ako pa mismo ang nanguna sa suggestion nilang yun.

Habang ako naman ay natira kasama sina Bettina at Art upang mag ikot-ikot para kumuha ng mga pictures ng mga mamamayan sa kanilang pang araw-araw na ginagawa.

Sa ngayon ay iniikot-ikot namin ang lugar para kumuha ng mga letrato ng mga pamilya. Kani-kanina lang ay puro mga magulang lang ang mga nakukuhanan namin, ngunit ngayon ay isa-isa narin naman nagigising ang kanilang mga anak para tumulong.

Sa paglalakad namin ay may nakasalubong pa kaming grupo ng mga binatilyo na nagbibiruan habang nag lalakad na may dala-dalang mga timba para mag igib ng tubig.

Tahimik lang kaming nag lakad sa kanilang likuran para sundan sila habang kinukuhanan din sila ng mga stolen shots.

Hindi narin nabibigla pa ang mga resendente dito dahil hindi naman din ito ang unang beses na ma feature sila sa isang project ng school namin at nasabi narin ni Brgy. Captain na na inform narin daw ang lahat na kukuhanan ng pictures ang pang araw-araw nilang ginagawa.

"Simple, yet they're so happy." Naka ngiting sabi ni Art ng sa camera lang nya naka tingin.

"Good thing there are improvements in their mindset." Sabi naman ni Bettina. "pati narin ng kalagayan ng lugar." dagdag pa nya na kinukuhanan din ang mga lugar na nadadaanan namin.

Matapos namin sundan ang grupo ng mga binatilyo na mag igib ng tubig ay patuloy pa kaming nag-ikot hanggang marating namin ang isang lumamg park dito kung saan madalas mag laro ang mga bata dito.

Kapansin- pansin ang malaki bagama't simpleng pagbabago sa lugar na ito. Naaalala ko pa nang unang punta namin dito two years ago ay luro kalawang ang swing, slides at seesaw na nilalaruan ng mga bata.

Ngunit ngayon ay makikitang nalinis na ang mga ito at pununturahan na ng bago. Wala narin ang halos gabundok na basura na itinambak nalang ng mga mamamayan sa mismong bakanteng lote na katabi ng mismong park kung saan madalas maglaro ang mga bata.

Wala na ngayong ang mga basura doon at sinemento narin ang bakanteng lote ngunit ngayon ay nakasara na.. May gagawing proyekto yata.

"Ate Leanne." Nabalik naman ako sa realidad ng biglang may tumawag sa akin.

Isang naka ngiti at halatang medyo nahihiyang binatilyo ang nakita ko pag harap ko sa tumawag sa akin. Napa titig ako sa binatilyong nasa harapan ko..

"Ako to ate.. Si..." hindi na natapos ng binatilyo ang sinasabi dahil bigla akong nag salita.

"Utoy!" Natutuwa at halos mapa takbo ako at napa yakap sa batang nasa harapan ko. Napansin ko naman ang biglang pagkatulala nito at naestatwa na sya sa kinatatayuan nya.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon