Phil's POV
Napaka ganda ng araw ngayon. Sana nga lang maging kasing ganda nito ang magiging takbo ng araw ko.
Ngayon na kase ang kasal ng Singer-Actress na si Beatrice San Jose at ng PBA Player na si Ian Gabrentina.
Gusto ko man alam ko imposibleng matapos agad ang seremonya. Kailan man, di mangyayari yun kung kilalang tao ang ikakasal. Idagdag pa na pareho silang kilala sa bansa at hindi lang ang isa.
Inaabangan ng buong bansa ang kasal na ito. At paniguradong maraming mga bigatin at mga kilalang tao ang dadalo. Simula sa mga sikat na artista, models, politicians at mga sikat na manlalaro ang mga inaasahang makikita sa kasal.
Kaya, natitiyak ko na di magiging biro ang araw na ito para sa akin, at para sa lahat ng mga press people na dadating para ma cover ang kasal ng isa sa mga pinaka sikat na celebrity couples ng bansa.
"Tahimik natin ah, Direk?" biglang basag ng katahimikan ni Chad.
Nasa byahe na kase kami papunta sa nasabing kasal.
"Tch. Basta mag maneho ka nalang,okay?" pa asar na sabi ko. Aha!Pag tripan lang ..
"Tsk.. Pati daw ako pag sungitan Direk?!Asus" sagot nya na di inaalis ang tingin sa daan pero naka simangot na. Minsan talaga para tong bata.
"Haha! Biro lang. Baka umiyak kapa dyan. Ang totoo, iniisip ko palang kase ang dadatnan natin sa project nato! Takte.. Napapagod nako." sagot ko. Baka mag lupasay na tong bata. Haha
"Haayy.. Oo nga Direk eh! Nakoo. Malamang di agad to matapos. Pero isipin mo nalang Direk! Dami magagandang chicks maya!! Yahoo!!!" sagot naman nya na may kasama pa talagang nakaka lokong ngiti.
Nakoo. Parang alam ko na po kung san nanaman pupunta ito..
"Akala ko ba, seryoso ka sa girlfriend mo?" tanong ko..
"Oo naman Direk! Pero, ano ba naman yung sumulyap ako? Tingin lang naman eh! It doesn't mean na nag tataksil ako. Alam mo naman na hanggang sulyap lang.. Yun lang yun Direk.. Isa pa, may iba lang talaga akong inaasahan Direk! Na tyak, ikatutuwa ko.. " sagot nya na talagang sinulyapan pako at ayan nanaman ang nakaka loko nyang ngiti.
Sabi na nga ba, at tila alam ko na san pupunta to at di na nga ako nagkamali. Napapa iling nalang ako..
"Baka andun yung mga models at artista na walang sawang magpa cute sayo. Walang dala. Sinusungitan mo lang naman.. Tch. Ewan anong nakita sayo. Laking gandang lalaki ko naman sayo." mahanging dagdag pa ng lokong ito.
"Tch. Tch.. Asa kapa ulol!" sagot ko
"HAHAHA. Talaga naman Direk!" lakas pa talaga ng tawa nya. Asa pa sya.
"Oo.. Oo nalang sa ilusyon mo!" sagot ko..
.
.
.
Naka lipas pa ang ilang minuto at naka dating narin kami ni Chad sa simbahan kung san gaganapin ang kasal.
Napaka laki at ganda ng simbahang napili ng celebrity couple. At aaminin ko, napa mamgha ako sa ayos ng simbahan ..
Napaka elegante ng dating nito pero napaka simple rin at the same time.
Napaka ganda at napaka lamig sa matang tingnan ng vintage blue and white combination na motif ng kasal.
At tulad nga ng inaasahan ko.. Puro mga press palang at ang mga staff ang nandito. Lahat, abala sa pag aayos.
Ang mga press, syempre sa pag aassemble ng mga gamit nila.
Lalo na syempre nung mga camera men na pinadala ng network ni Ms. Beatrice..

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...