Chapter Forty

54 1 0
                                    

Phil's POV

Walang tigil lang sa pag ri-ring ang cellphone ni Leanne ngunit di na ata talaga niya masasagot ang tawag ko.

Text kasi niya ang sunalubong sa akin kanina pag gising ko.

Morning Love, on my way to the site. We'll be doing some interviews with the families today. Enjoy your day. Love you! ❤️

Napansin ko na halos wala pang 6 a.m ng isend niya sa akin ang text. I am happy to see and hear how happy she is with what she's doing. I have to admit that I miss her so much, though.

Halos wala na kaming gaanong oras magkita o magkausap man lang ng matagal-tagal dahil narin sa dami niyang ginagawa. Ganon pa man, hindi parin namin hinahayaan na hindi alam ng isa't-isa kung ano ba ang nangyari sa amin sa buong araw.

I am just conteted hearing her so happy with the small things that she accomplishes everyday. She's happy with the shooting, interviews and editing.

She's very into it and seeing her doing what she can gives me the idea that at the end of the day it's worth it to let her do the project.

"Morning! Call center nanaman ba ang peg mo?" Bati sa akin ni Chad na tinutikoy ang walang humpay na pag dial ko habang nag lalakad.

"Morning din. Let's start." sagot ko at hindi nalang pinansin ang pang aasar niya.

"Okay subgit!" Sabi naman bito at agad nag peace sign ng tingnan ko ng masama.

Dimeretso nalang kani sa mga ta-trabauhin namin at nag tuloy ba sa pag re-report kay Miss Dianne ng mga natapos na naming mga trabaho.

Ang totoo ay masaya din ako na sobrang naging abala din si Miss Dianne sa trabaho at medyo tinigilan na ako sa pangungulit tungkol kay Cath.

Maliban kase sa sobrang na-eexcite talaga siya sa project ay balak pa yata niyang makipag kaibigan kay Cath dahil sa walang humpay na pagtatanong nito ng kung anu-anong bagay tungkol sakanya.

And to think na wala siyang kaalam-alam na ex ko si Cath at sa akin pa niya inaalam-alam ang kung anu-anong gusto niyang malaman tungkol kay Cath, ay talagang nakaka-ilang ng talaga.

Ngunit ayoko naman sabihin sakanya ang tungkol doon para lang tigilan ako. Wala rin naman akong balak ihalo ang personal kong nararamdaman at ang trabaho ko.

"Okay. Thank you guys for your hard work." Naka ngiting sabi ni Miss Dianne matapos noyang nireview yung mga pictures na ipinasa ko. "I am looking forward to our next project." dagdag pa niya at kinindatan kami ni Chad.

Mag papaalam na sana ako ng bigla nalang may kumatok sa conference room..

"Hello guys! Sorry for my unannounced visit." Isang naka ngiting Cath ang bumungad sa pinto. Maya-maya lang ay may kasunod ng mga lalaking naka uniform ang pumasok at nag lapag ng maraming pagkain sa mesa.

Kita ang gulat at pagka mangha sa lahat ng staff na nandidito ngayon.

"Miss Cathlene, Good morning—- or should I say noon? We didn't notice that it's almost lunch already." Kitang-kita ang excitement sa mukha at boses ni Miss Dianne.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon