Chapter Three

105 5 0
                                        

Phil's POV

Kitang kita na sobrang busy na ng mga staff sa set. Maaga akong dumating kesa sa inaasahan ng mga staff. Well, I just want to surprise them and wanna see how would they react. Yeah.. Because they're not used to it.

Nangingiti lang akong nag mamasid sakanila habang naka sandal sa pintuan. Ang sarap lang titigan na sobrang masigla at masaya ang staff.

Tawanan dito, sigawan ng kung ano anong pinapa abot sa isa't isa doon.

"Bakla yung mga damit na gagamitin ng mga models pasok na dito"

"Oo ayan na"

"Mga make up dyan nalang ilapag mara di na mag kanda ugaga later" turo pa nito dun sa may table malapit kung saan ako pumuwesto. Dahil lagi lang naman sila nasa gilid ko tuwing kinukunan ko na ng mga pictures ang mga model namen.

"Yung mga models tawagan so that alam kung san na sila. Aba! Mamake up-an pa yun."

Ang sarap lang nilang panuorin ng ganito. Sobrang kontento at masaya sa ginagawa.

Nangingiti nalang ako sakanila ng biglang makita ko si Chad na naglalakad galing doon sa dulo ng studio na papunta doon sa may computer kung saan ikokonekta ang camera ko.

Si Chad ang assistant photographer ko at kitang kita na kahit na sobrang seryoso ng pagkaka pako ng mata nya doon sa papel na dala nya ay may parte ng mata nya na masisilayan ang saya doon.

Patuloy padin sya sa paglalakad habang nagbabasa ng bigla syang napalingon sa gawi ko. Kaunti pang napanganga ng makita akong nakasandal doon at nakapa mulsa pa ang mga kamay.

"Hala Direk, andito kana pala. Sorry di pa tapos pag aayos namen kase di namin alam .. Ahh.. Tapos wala pa yung mga mo--"

"Oo maaga kase akong dumating Chad.." nakangiting sabi ko, halatang litong lito ito kaya agad ko ng pinutol ang sinasabi nya..

"Ano ba inagahan ko lang talaga ang dating ko. At hindi ako nagsisisi dahil ang sarap nyong panuorin mag trabaho. Nakaka good vibes!" nakangiting sagot ko at tuluyan ng pumasok sa loob na nakapamulsa padin ang mga kamay sa pants.

Kaunti pang napahinto ang mga staff sa kani-kanilang ginagawa ng marinig si Chad.. Ngumiti lang ako sa sakila at sinenyasan na ituloy lang ginagawa.

"Ah Direk sandali ayusin ko na mga lenses na gagamitin natin sa shoot" sabi ni Chad.

"Hindi ako na sige. Ako na bahala. Ano ba yan at busy ka dyan?" turo ko pa dun sa hawak nya.

"Ah sched Direk. Tinitignan ko lang lahat ng theme na kukunan natin ngayon. Para maayos na ang dapat ayusin" sabi nya habang ipinapakita sakin ang papel.

"Okay okay! Yung mga kuha natin kahapon na edit na eh titignan ko ulit mamaya, tignan ko kung may gusto pa ako ayusin"sabi ko.

"Okay Direk" sabi nya ng naka thumbs up pa. nailing nalang ako sakanya.

Ilang araw na kaming busy dahil tinatapos na namin ang lahat para sa next month issue ng magazine namin.

Mag iisang taon na rin akong nag ta-trabaho bilang Official Photographer ng isang magazine. At kahit na dumarating ang mga ganitong pag kakataon na sobrang busy ko ay gumagawa parin ako ng paraan para lagi parin maramdaman ni Leanne na lagi lang akong nandidito para sa kanya.

Madalas ko syang pinupuntahan sa bahay ay syempre pati narin ng barkada.

And at times like this na busy ako dahil sa hinahabol kong deadline ay madalas kong tawagan si Ate Cess just to greet and makapag kwento kay Leanne.

Kinukwento ko kay Leanne even yung mga iba't ibang lugar na napupuntahan ko because of my work. That is, if outdoor ang kailangan namin kunan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga models at nag umpisa na kami mag shoot.

Ilan sa mga ito ay ilan beses ko narin naka trabaho months ago kung kaya't hindi na ako nahirapan dahil alam ko na ang mga anggulo para sakanila na mag papalabas ng gusto kong resulta.

"Okay next outfit" sabi ko at dali dali nang binihisan ng staff ang model saka nire-touch ang make up.

Tuloy tuloy lang ako sa pag kuha hanggang sa tingin ko ay tama na ang mga nakunan ko at pinag palit na ulit ang models.

"Okay next and make it quick last na to" nakangiting sabi ko sakanilang lahat.

"Okay Direk! Basta ikaw nanginginig pa" sabi ng isang staff at mahinang tumawa naman ang mga models at iba pang nandoon sa set. Naiiling nalang ako sa tuwa sa kanila.

----

Pag katapos ng shoot ay nag pahinga at nagligpit lang kami sandali at eto.. Nasa isang mesa kami ni Chad at dinidiscuss ang kuha kanina

Nag bigay ako ng mga instructions kung ano ba ang gagawin namin at kung alin at paano i-eedit ang mga nakunan kanina.

Pagkatapos ng meeting ay nasa mesa lang kami. Nag paiwan doon sandali para mag pahinga.

Nakita ko na sobrang busy lang ni Chad na nakaharap sa cellphone nya at ngiting ngiti lang kaya inasar ko.

★★★

Chad's POV

"Nag tetext lang dapat nakangiti pa? Pa pogi ka lang eh" nang aasar na sabi ni Direk Phil sa akin.

"Eh nag aasaran lang ni girlfriend direk" nakangiting sabi ko."Aalis pala kami mamaya Direk. Tara sama ka.. Aayain ko din iba staff" dugtong ko pa.

"Nope. Next time nalang siguro pass muna ako. Gusto ko muna mag relax. Baka mabawasan kagwapuhan ko" patawang sabi nya.

"Ikaw bahala Direk" naiiling na sabi ko. Alam ko naman na sinabi lang nya yun para mag patawa. Hindi naman kase sya mayabang na tao at kung magka gayunman ay hindi rin naman tututol ang mga tao sa paligid nya.

Dahil kung tutuusin ay talagang may ipag yayabang naman talaga sya. Gwapo, matalino, galing sa may sinabing pamilya at sobrang galing pa sa napiling field.

Hindi naman sa naba- bading ako sadyang hindi lang talaga ako matipid pumuri ng mga taong kapuri puri naman talaga.

"Osige na Chad. Mauuna na ako. Pasensya na sa susunod nalang" paalam ni Phil sa akin.

"Aga Direk ah?"

"Mag papahinga nalang ako mag isa at mag mumuni-muni kesa ikaw kaharap ko hanggang mamaya" pang aasar nya.

"Aba! Kung makapag inarte lang ah"binatukan ko sya. "Sige alis na.wag tanga wag papa bangga sayang kotse mo" tumatawang asar ko sakanya.

"Lokong to! Sige alis nako!" naka hawak pa sa batok at tumatawang sagot nya sa akin.

Naging malapit na kami sa isa't isa ng dahil sa trabaho. Nakakasama ko din syang lumabas at uminom sa mga ibang pag kakataon kaya alam ko na hindi rin biro ang pinag dadaanan nya.

Kaya nga bilib na bilid din ako kay Phil. Sobrang tapang lang talaga nya at positive din nya kung mag isip.

Hindi biro na magkaroon ng rape victim girlfriend lalo na pa at under depression ang girlfriend nya.

Gayunpaman ay napaka masayahin padin nya at positive padin ang pananaw sa buhay.

Kung kaya't nais ko na ding mapadali ang pag galing ng girlfriend nya.

Oo, sana nga ay tuluyan ng sumaya ang isang napaka buting taong tulad ni Phil.

★★★

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon