Chapter 11.2

132 3 0
                                    

(*part 2* Last part of Flashback )

Phil's POV

NOW PLAYING: EVERYTHING

Napamulat ako ng tumunog ang alarm ng phone ko. Napa kusot pa ako ng mata at nangingiti ngiti nalang.

Inabot ko ang phone ko na nakapatong sa side table ko. Di parin maalis amg ngiti ko. Ang sarap lang na sa pag gising ko sa umaga ay ito na agad ang sasalubong sa akin. Naging malaki ang parte ng kantang to sa amin ni Leanne.

At ng dahil nga sa kantang ito ay mag dadalawang taon na kami ni Leanne dalawang araw mula ngayon.

Tumayo na ako at tumuloy na sa banyo para maligo. Habang ang isip ko ay nakatuon parin sa hinahanda kong surpresa kay Leanne.

Sana magustuhan nya!

Sanaaaaa ....

Sana talaga!!

Pagka tapos kong maligo ay dali dali na rin akong nagbihis. Marami pa akong dapat gawin, kailangan kong pumasok sa school at pagka tapos noon ay kailangan ko pang ituloy ang pag aasikaso sa surprise ko for Leanne.

*Piwiit piwiiit piwiittt*

Pasipol sipol pako ng bumaba ako galing sa kwarto. Dumeretso ako sa dining area at ang maganda kong ina ang bumungad sa akin.

"Good morning! Good mood ang bunso ko ah!!" bati sa akin ni Mom nung umupo ako sa at pumuwesto sa harap nya.

"Syempre Mom! 2 days nalang!Good morning din Mom.. Sina Dad and Kuya?" masayang bati ko habang ipinag sasalin ako ni Mom ng Kanin sa plato ko.

"Kaaalis lang ng Dad mo, di lang kayo nag pang abot" sagot ni mom..

Ano pa nga ba? May breakfast meeting nga pala sila once a week ng mga business partners nya.

May narinig akong papalapit. At pag lingon ko nga ay nakita kong papasok na sa dining area si kuya.

"Morning mom! Oh bro! Morning din!" nakangiting bati nya kay mom then tinapik ako sa balikat ng umupo sa tabi ko.

"Morning!" sabi ko at tinanguan pa sya..

"Morning iho! Final na ba talaga yan?" Tanong ni Mom na napa tingin sa likuran ko. At dahil doon ay napa sunod na nga ako ng tingin.

At doon ko nga nakita na nag aakyatan ang tatlo sa mga kasambahay namin. Wait? Mag lilinis na sila ng mga kwarto ng ganito kaaga talaga? 7 am palang ah..

Usually pag ganitong maaga pa e dito palang sila sa ground floor nag aasikaso eh! So bakit? Wait! Napa tingin nalang tuloy ako kay kuya.

"Yes mom! Mga damit ko lang naman dadalhin ko. Syempre uuwi uwi parin naman ako dito, kaya mas mabuting nasa room ko parin sa taas ang mga gamit ko, isa pa, kumpleto na ang gamit sa condo ko." masayang sagot ni kuya.

Oo nga pala, balak na nga pala nyang lumipat sa condo ni kuya. Okay! Yun gusto nya eh..

"Kelan ka lilipat bro?" tanong ko..

"Bukas palang naman, ipinapa impake ko lang mga damit ko" sagot nya habang patuloy lang sa pag inom ng kape at sinalinan narin sya ng pagkain ni mom.

Okay so yun pala yun! Dapat na nga talaga nilang umpisan! Baka abutin sila hanggang bukas sa dami ba naman damit neto! Tatango tango nalang ako sa sagot nya then..

"Ikaw?kumusta surprise mo kay Leanne?Wala naman bang aberya?" biglang tanong ni kuya.

"Nope! Everything's fine! Don't worry.. Naka tulong nga na nag overnight sila doon sa community na cover nila kase naasikaso ko ng maayos" sagot ko habang patuloy lang kami sa pagkain. Habang si mom nag eenjoy lang makinig. Sobrang gusto paman din nyan si Leanne.. Actually ng buong pamilya ko.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon