( Last part of Flashback )
* 1 yr & 3 months later *
Phil's POV
"Ang sarap naman dito, napaka payapa.. Sobrang nakaka relax my loves!" sabi ni Leanne na bahagya pang tinakpan ang mga mata sa kanyang kamay habang naka tingala sa langit.
Saka sya tumagilid ng kaunti sa akin at nginitian ako. Sabay tingin at make face sa cam na dala ko na kanina pa naka tutok sakanya.
"Thanks for this Philip! My Love.. My everything! Thank you for coming into my life. I love you!! Verry much.promise .." she said that sincerely.
Napa tulala naman ako, nakoo! Bakit ang ganda ng mahal ko? Nawawala tuloy ako minsan sa wisyo kahit na pa tinititigan nya lang ako.
"Mahal na mahal din kita Love! Masaya ako at na apreciate mo 'to.. Happy Anniversary!!" ubod tamis kong ngiting sabi sakanya.
Masaya nakong makita syang kuntento..
Nandito kami ngayon sa isang beach sa Subic para i-celebrate ang 1st year Anniversary namin. And ofcourse, we're with the whole gang.. At kasama nga din pala namin ang ate ni Leanne na si ate Cess at ang kuya kong si kuya Gene..
Kaya mabilis kong inalis ang tutok sakanya ng cam.. At kung kanina ay ang magandang mukha nya ang makikita sa cam ay ngayon naman ay ang mga kasama namin na nasa di kalayuan.
Si Ron at Gelo.. Kitang kita na nag kakasayahan habang nag se- selfie at groufie!
Ang mga magagandang mukha at katawan daw kasi nila ay dapat ibinabahagi sa mga babae sa Social media! Lokong mga to! Dami pa satsat gusto lang mag yabang!
At si Ate Cess naman at Kayla ay busy sa pag aayos sa mesa ng mga pagkain namin.
At syempre, si kuya! Ayon, nandoon na malapit sa dagat! Pero mukhang relax na relax lang sa pagkaka upo.
Mas gusto ko yan, para mapahinga naman sa trabaho nya sa company.
Si Trish.. Busy sa pag bbq, di kalayuan sa kung nasaan sina ate Cess at Kayla..
"Mas gwapo talaga ako dude!" pang aasar ni Gelo kay Ron habang pareho silang naka tingin sa phone na hawak.
Malamang pinag kukumpara ang mga kuha. Mga loko! Di na nagsawa..
"Kapal mo!" sabi ni Ron, pagkatapos nya batukan. "Patingin man natin kay Trish.. Tara?" dagdag pa nya.
Ang mga to! Nagka tinginan pa muna sila bago sila nagsi tanguan at dumeretso sa kung nasasaan si Trish.
Halatang may naisip nanaman! At halatang bu bwisitin na naman nila yun! Sila pa ba?
"Trish! Mas gwapo naman talaga ako, di ba? Mapa personal man o picture?" sabi ni Gelo ng ipinakita kay Trish ang phone na hawak.
Si Trish, parang wala.. Tinuloy lang ang ginagawa nya at bahagya lang tinapik ang kamay ni Gelo para maalis sa paningin!
Sya namang dating ng kapatid ko, na tinitingnan ang mga naluto nang bbq.
Saglit pang napatitig si Trish kay kuya at mabilis na ibinalik ang tingin sa niluluto.
"Di ba Trish?" ulit pa ni Gelo.. Halatang nang iinis lang..
"Hindi kaya! Mas gwapo ako, di ba Trish na Maganda? Sabi ni Ron with matching puppy eyes pa ng mokong!
"Trish! Kuha na'ko dito, okay lang?" sabi ni kuya na sa mga bbq lang ang tingin..

BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...