Leanne's POV
Mas naging maingay sa social media ang pangalan nina Phil at Cath matapos ang ambush interview nito. Mula noon ay halos puro mga makakahulugang mga tanong patungkol sa dalawa ang laman ng showbiz news.
Laman narin sila ng mga blind items at iba't-ibang kuro-kuro narin ang mga naglalabasan mula sa fans dahil wala ng mapigang sagot sakanila.
Naging mailap na sa camera si Cath marahil dahil narin sa utos ng manager nito. Samantalang walang humpay narin ang pag contact ng iba't-ibang reporters kay Phil para makunan siya ng comment.
"Magiging okay din ang lahat. They'll get tired of this." sabi ni Ron patungkol sa walang humpay na pag ri-ring ng phone ni Phil. Bakas naman kay Phil ang pagka-inis at apologetic siyang tumingin sa akin.
"Sorry about this, Love. I'll clean this mess, I promise." kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya ka sorry at kung gaano niya ka ayaw ang sitwasyon na ito.
"It isn't your fault. No one's fault, Love. Binigyan lang ng malisya ng ibang tao. We know what fans can do. And we also know that people only believe what they want to." sagot ko naman saka siya binigyan ng ngiti. I guess it was a weak smile for I saw how his eyes got filled with fear. "Hey. I'm fine. Just tired with all the preparation we had to do here. But, I understand, Love. I do." dagdag ko to give him comfort.
"Tama si Leanne, dude. For now, let's focus on this one nalang. Few minutes more at mag uumpisa na ang symposium." sabi naman ni Gelo at bahagya pa itong tinapik sa kanyang balikat.
"Gelo is right, Love. Forget about those reporters. I'll just go out and check everyone. Just calm yourself for your talk, okay?" sabi ko saka siya marahan tiningnan sa mata. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at sinabing.. "Put a smile on your face and give hope to those angels outside. That... that issue can wait." dagdag ko pa saka siya marahang hinalikan sa noo atsaka na lumabas ng backstage.
Naabutan ko naman na busy parin na nagbibilin sa mga staff at nag uusap sina Trish, Art at Tina. Habang si Carl naman ay kasama ng ibang members ng media team to check kung nasa ayos na ang lahat ng video cameras, projector, microphones, at powerpoint slides na gagamitin for the whole event.
"Is everything okay?" salubong ko sakanila at naki-isyoso na sa maliit nilang pagpupulong.
"About this, Yes! Everything is perfect." sabi ni Trish na iginiya pa ang kamay sa paligid. "But about this, NO!" dagdag niya na nagpakunot ng noo ko at sabay-sabay nilang ipinakita ang kanilang mga cellphones na naka log in sa mga social networking sites na inuulan na ng issues about Phil and Cath.
"They're still in number 1 slot na nag te-trend Ate Leanne." di ko mawari kung lungkot ba o inis ng husto ang maririnig sa boses ni Tina.
"Ang nakakaloka Ate, eh wala rin naman tigil amg pag co-comment ng mga tao about them." dagdag naman ni Art na hindi inaalis ang tingin sa kanyang cellphone. Kitang-kita kung gaano kabibilis nilang iniisa-isa ang mga posts and comments na nakikita nila online. Bakas sa kanilang mukha na hindi sila natutuwa, ako man ay itinigil na muna pansamantala ang pagtitingin sa mga naka posts online.
Alam ko kung gaano na kasakit ang ulo ni Phil sa pangungulit ng mga tao at ayoko ng makadagdag pa. Alam ko na mas lalo lang lalala ang sitwasyon kapag nakisali pa ako at mas lalo lang mahihirapan si Phil kung makita niyang naaapektuhan ako ng mga issues na ibinabato sa pangalan niya.
Hindi ko maitatanggi ng dahil sa profession at estado ng career nila na maraming tao ang nakapaligid sakanila na gusto sila para sa isa't-isa. Pero kung mag papaapekto ako sa mga comments at pangbubuyo nila ay parang ko nalang din sinabi na wala akong tiwala kay Phil. At kailanman ay ayaw ko ng umabot pa sa ganun ang sitwasyon kaya mas pinili ko nalang suwayin ang tatlo sa ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...