Chapter 15.2

192 4 0
                                    

Phil's POV

Ah Putek! Naka alis din ako dun. Ewan ko, pero pag dating talaga sa mga models na yun pakiramdam ko nag iibang tao ako. I mean, sa twing lumalapit sila sa akin hindi ko mapigilan mag sungit o ang maging snob.

Maybe, I'm just really not comfortable being around them. I know they have a crush on me kaya nga siguro lalo pa akong di mapakali at naasiwa ako.

Bwisit lang eh! Nakoo. Kung di lang talaga maraming tao doon malamang puro nanaman nag lingkisan ang mga yun sa akin. Buti nalang talaga kahit may mga press people sa kasal at bilang di pa naman sila ganoon ka sisikat, kung kaya't di parin sila gaanong pansin at ayaw gumawa ng eksena na maaaring maka kuha ng atensyon. Inaalagaan parin naman nila ang mga pangalan nila nag uumpisa palang naman makilala ng mga tao.

Pag dating sa company ay kinuha ko lang ang sasakyan at umalis narin agad para pumunta sa studio. Papunta narin malamang doon ang tropa.

Pag dating sa studio tumambad lang naman sa akin ang lokong si Gelo na naka higa na sa couch at abalang nag tetext ata. Ay ewan!

"Hoy! Hiyang hiya naman daw ako sayo no! Basta kana nga lang pumasok sa studio ko makahiga kapa dyan sa couch ko wagas ng hindi man lang inalis ang sapatos mo." yan talaga salubong ko.

Pano syang andito? Dahil lang naman alam ng mga loko loko kong mga kaibigan ang code ko. Kung kaya't minsan nabinigla nalang ako na nadadatnan ko na sila dito o kaya naman ay bigla bigla nalang sumusulpot pag nakaramdam na andito ako. Na kung minsan parang nagsisisi pa ako na ipinaalam ko pa ang code ko.

"K lang yan Dude!" chill na chill na sagot ng loko ng hindi man lang talaga ako tinitignan.

"Tss. Bahala ka nga! Masyadong at home. Bwisit!" sabi ko at tumuloy lang sa may mesa at pinatong ang mga gamit ko.

"Yung tatlo?" tanong ko habang palapit ako sakanya.

Tinabig ko yung paa nya at doon na din umupo. At ayun, ni wala man lang naging reaksyon kahit na tinabig ko yung paa. Nag ayos lang ng pagkaka upo at nakatingin parin talaga sa cellphone ang loko.

"Papunta na mga yun." sagot nya pagka tapos umayos ng pagkaka upo.

"Pambihira. Ikaw na talaga .. Talagang di maalis tingin dyan ah. Babae nanaman no?" pang aasar ko. Wala na talaga tatalo dito. Hanggang ngayon di na nagtino. Kung magpalit ng babae parang nag papalit lang ng damit.

"Syempre! Ako pa?! May date na kami neto mamaya! Ang ganda nito Dude.. At napaka SEXY!!" sagot nya na parang nagningning pa ang mga mata.

Haaayy! Ang Heartless Casanova nato di parin talaga nagbago! Haha. Di na nagtino ang loko.

"Tss. Ewan sayo." sagot ko at tumayo na para kumuha ng maiinom sa ref.

Saktong pagka kuha ko naman ng Coke in can sa ref ang saktong pag door bell. Tss. Mga pasaway. Nag door bell pa talaga kahit alam ang code. Pero pag gusto naman basta basta nalang pumapasok kahit di ko alam.

Napapa iling nalang ako habang palapit sa pinto para buksan.

Pag bukas ko ng pinto sina Ron at Kayla pala. Pe-pero teka.. Napansin ko lang .. Napaka ayos naman ata ngayon ni Kayla?

I mean, naka dress at tudo ayos pa ng buhok nya.. At alam ko nabasa nya agad ang nasa isipan ko dahil...

"Yeah, I know.. Hmm.. May party kasi na inattendan si Mom.. Ayoko, pero wala akong magawa.. Napasama ako.. Kaya nagpa sundo nalang ako kay Ron." medyo naka simangot pa sya habang sinasabi yan habang naglalakad papunta kung nasaan si Gelo.

Napa tingin nalang ako kay Ron.. At nginisian lang ako habang nagkibit balikat pa.

Wala talagang gaanong nagbago sa amin. At ayan, si Kayla na nakilala bilang Nouveau Riche sa University ilang at ayaw na ayaw parin sa mga formal gatherings na kinakailangang attendan..

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon