Phil's POV
(Months Passed)
"Ang busy natin dyan ah?" narinig kong sabi ng isang babae matapos akong maka rinig ng katok sa pinto. Isang napaka ganda at aliwalas na ngiti ni Kayla ang sumalubong sa akin ng tumingin ako sa may pintuan.
"Bakit parang nagulat ka Phil?" pabiro nyang sabi ng ng tuluyan na itong lumapit sa table ko. Di ko kasi inaasahan to. Bihira lang silang bumisita sa akin sa trabaho kung kaya't di ko inaasahan na darating nga ito ng sabihing susubukan nya akong daanan sa trabaho ngayon.
"I just didn't expect na makaka daan ka nga talaga" sagot ko at tumayo na ako para bumeso ssa kanya atsaka sya pina upo sa upuan sa tapat ko.
"Pag sinabi kong susubukan ko, talagang gagawan ko ng paraan. Haha." Sagot nya ng naka ngiti atsaka bahagya pang natawa, marahil narin siguro ssa itchura ko na biglang bigla parin sa presensya nya.
Mabilis dumaan ang mga buwan. Kami? Ganon parin tulad ng dati, makukulit at magulo parin pag nagka sama-sama na. Ngunit, mas naging busy lang kami sa mga sara-sariling trabaho at personal na buhay. Ngayon pasalamat nako kung makapag kita pa kami sa loob ng dalawang lingo.
Pero syempre, ganon pa man ay sinisigurado ng bawat isa na mabisita si Leanne kung sino man ang libre sa amin. At sinisikap parin naming ang mag get together anggat maaari.
"eto oh.." sabi ko sabay abot sakanya nung photo album na kinuha ko sa drawer sa mesa ko.
"Thanks Phil." Naka ngiti nya itong kinuha sa akin. "Ang laking bagay na nito, considering na sobrang busy mo" dagdag pa nya.
"Asus! Wala yun! Pasensya narin kung masyadong late ko na na-develop. Ang dami ko kasing ginagawa." Paumanhin ko sakanya.
Paano ba naman kasi ay umabot ng tatlong buwan, at ngayon ko pa nga lang naibigay sakanya. Mga pictures yun nung 1st Birthday ng anak nyang si Tommy nung September. At dahil syempre sa inaanak ko yun, hindi naman din ako makaka payag na hindi ako ang official photographer ng 1st Birthday party na mag kakaroon sya.
"Nako, eh ang laking bagay nga nung mga ginagawa nyo para sa aming mag ina eh." Sabi nya na napa tungo pa. Bakas ang kaunting lungkot sa mata.
"Wala yun, itigil mo nga yan!" natatawang sabi ko para maalis ang kaunting tension sa kanya. Napanatag naman ako ng Makita kong ngumiti narin sya.
Nasa ganon kaming kalagayan ng maka rinig ng pag katok sa pinto. I said "come in" then tumambad sa akin ang tatlo sa mga babaeng ka-opisina ko.
"Hello Phil." Bati nung isa. God.. I can't even remember their names. I just know them by face.
"We heard that Ms. Mkayla Dizon is here." Yung isa naman ang nag salita. Haha! Isang sikat na author na nga talaga ang kaibigan ko..
"And we kinda thought that maybe pede naman siguro kami pumunta, since Christmas Break narin naman nyan and most of us wala narin naman gaanong tinatrabaho" yan naman ang sabi nung pangatlo.
Well, totoo naman na wala ng gaanong trabaho. May tinapos lang naman ako para hindi na ganoon karami ang baabalikan ko after the break.
"Ah yeah., okay.. ano ba maitutulong namin?" tanong ko. "Pasok kayo.." dagdag ko pa.
Nag tuloy na nga sila sa loob at humilera pa talaga sa harapan naming ni Kayla..
"Well. We want to greet you na sana ng Merry Christmas." Sabi nung isa, na may kasama pang pag sabit ng buhok sa tenga. Huh?! Thought they're here because of Kayla..
"And Happy New Year narin syempre." Dagdag naman nung isa na halatang nagpapa cute din.
"Alam na, break na nyan e.that's why we want to give you these na.." sabi naman nung pangatlo at isa-isa na po nilang inilapag sa mesa ko yung mga regalo na naka tago pala sa may likuran nila.
BINABASA MO ANG
How Much I Love Her
RomancePinaka mahirap sa lahat ay yung ipag laban ang isang bagay na hindi mo alam paano at sino ba kakalabanin mo. Magawa mo kayang ipag laban ang babaeng pinaka mamahal mo kung sarili nya mismo ang inyong pinaka matinding kalaban? Magawa mo kaya syang tu...
