Chapter Thirty- Seven

51 1 0
                                    

I dedicate this chapter to myself for still holding on my dream though I was always questioned. Char!!! Hahahaha. :)

Phils POV

"Bangon na Mister Sungit!! Bangon na po!" isang nakaka binging sigaw ang dahilan ng pag balikwas ko sa kama. At matapos noon ay ang marahas na pag hila ng kurtina ng kwarto ko na dahilan ng nakakasilaw ng liwanag na galing sa labas na tila halos di makapag padilat ng mga mata ko.At matapos nuon ay ang biglang pagkaramdam ko ng matinding sakit ng ulo.

"Ano masakit ulo nyo?" isang nakapamewang na Kayla ang tumayo sa harapan ko na nagtakip sa liwanag na nanggagaling sa malaking bintana sa harapan ko kaya nagawa ko syang tingnan.

"Hey, Kay. What's up?" pupukat pukat na matang sabi ko habang inaayos ng bahagya ang wisyo ko at ayos ng buhok ko. "What brought you here this early?" dagdag kong tanong.

"Early? Mister Sandoval, it's freaking 2p.m.!" halos matawa tawang sabi ni Kayla. "Kaya kayong dalawa, bangon napo mga prinsepe." Dagdag pa nito na ikinalingon ko sa kung saan to nakatingin. Isang nangingiti at nailing na Ron lang naman ang nakahiga sa may kabilang side ng kama ko na halata na kagigising lang din.

"Guys! I'm not affected by those handsome faces so please just do as I say. Fix yourselves gentlemen. We're off somewhere." Sabi pa ni Kayla at mabilis ng nagmartya pababa sa spiral staircase ng studio ko at maya maya lang maririnig mula sa ibaba na nag liligpit ito ng mga gamit.

Dahil duon ay saka lang bumalik sa ala-ala ko ang kagabi. Saka ako napa sapo ng ulo ko sa sakit at dahil narin sa kahihiyan. Nagkanda loko-loko na. paniguradong napaka kalat ng first floor ng studio.

"Hahahahahahahahahaha" isang malutong na tawa ang nakuha ko sa lokong binata na nakahilata sa tabi ko. "Naaalala mo pagkakalat mo kagabi no?" sabi pa nito na sumasakit na ata ang tiyan sa kakatawa.

"Ewan ko sayo! 2p.m. na nga ba?" tanong ko sakanya na hinagisan ng unan.

"Oo. Heto oh!" sabi nito at ipinakita ang kanyang cellphone. Pag tutok na pagtutok nito ng cellphone niya sakin ay ang saktong pag ring nito at pag labas ng picture ng batang si Celestine sa screen. Hahaha.

"Girlfriend mo, tumatawag. Sagot!" sabi kong natatawa at tumayo na para bumaba. Wala akong mapapala sa isang ito kaya tutulungan ko nalang sa baba sa pagliligpit si Kayla.

Mabilis ko itong sinamahan at tinulungan ng makita kong isa-isa nyang pinupulot ang mga bote at cans ng beer na kalat pa mula noong isang gabi.

"Kay. Sorry. Pati kayo nadadamay sa gulo namin ni Leanne." Pag hingi ko ng paumanhin habang nagliligpit din.

"Ano kaba. It's nothing. And I told you to fix yourself. Ako na dito punta na sa banyo. Maligo kana please. Amoy alak kayong dalawa ni Ron. Ewan ko ba sainyo. Eh mukhang yung iinumin nyo ng isang buwan ay inubos nyo lang ng magdamag." Sabi nito habang tinutulak na ako para pumasok ng banyo atsaka ko naalalang bigla .....

"Si Gelo?" nagtatakang tanong ko. "Kasama namin syang nag iinom dito kagabi" dagdag ko pa.

"Yes baby girl. Okay! What? Kuya Phil's models? No of course not Tine. Yes! Kuya Ron is not being naughty here, okay. Yes. I know. Bye!" kausap ni Ron sa dalagitang kapatid ni Gelo na may crush sakanya. Hahahah. Nakakatawa din talaga silang pakinggan.

Nagkibit balikat lang ito nag unat unat ng makitang pareho lang namin syang pinapanuod ni Kayla.

"May pinuntahan lang sya. Tinawagan nya ako kanina at sinabing paki puntahan ko daw ang dalawang kaibigan nya na lasing na lasing daw mula pa nung isang gabi." Paliwanag naman ni Kayla sa tanong ko at pagsasa walang kibo namin sa narinig kay Ron dahil sanay na kaming pare-pareho sa kakulitan ng kapatid ni Gelo na ngayon ay nasa States at nag-aaral.

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon