Chapter Thirty- Five

71 1 0
                                    

Phil's POV

"Okay na to Direk?" tanong ni Chad ng sa computer lang naka tingin. Seryoso lang itong naka tingin sa mga ini-edit nya.

Matiim kong tiningnan ang picture na ipinapalita nito at sumagot.. "Adjust mo pa ng konti yung lighting"

Nag do-double time na kami para sa mga pictures ng University dahil kailangan na namin i-submit ang mga to kay Miss Dianne. I know she's expecting a lot from these dahil isa din sa na feature ang school kung saan sya naka graduate ng college.

"You're having dinner with us, aren't you?" Biglang off topic naman na tanong ni Chad.

Napa hinto ako sa ginagawa ko at medyo nangiti.. "Nope I'm not. Dinner with the gang at Leanne's" sagot ko.

"Ayown. Kaya naman sobrang ganado mo at mabilis na tinatapos ang mga trabaho." Sabi ni Chad na tiningnan pa ako ng parang nakakaloko.

"Gaya ka." Mapang asar kong sagot.

"Yoko. Nag away kami ng girlfriend nuknukan ng sungit." Sabi nito ng nasa computer na ulit ang tingin.

"Makipag break ka nalang" nang aasar na sabi ko. Lagi ko naman sinasabi yan sakanya pero hindi e. Di talaga maiwan-iwan ng isang to ang girlfriend nya kahit na pa away-bati lang lagi sila.

"Ayoko din." Simple pero sinsering sagot nito na patuloy lang sa pag ta-trabaho.

"Tapos ang usapan" pa hanging sabi ko.

Mabilis ko nalang din tinapos ang mga ginagawa ko. Kailangan ko pang dumaan sa paboritong shop ni Leanne ng mabili ang paboritong cake ng barkada.

Mabilis dumaan sng oras at natapos ko rin sa wakas ang nga dapat kong tspusin para sa araw na ito.

Sa relo ng office lang ako naka tingin at handang-handa ng umalis. Isang minuto nalang at alas singko na.

Ting!

There you go Philip!

"Bye bro!" Tapik ko sa balikat ni Chad na ngayon palang nag liligpit ng gamit.

Ni hindi ko na hinintay ang sagot at dere-deretso ng lumabas.

Pag labas ko ay halos pareho ko lang din ang mangilan ngilang staff na lumalabas narin. Pero may iba parin naman na mukhang mag ta-trabaho pa at ang iba ay nakikipag kwentuhan nalang at nagpapa-lipas oras.

Ng nasa malapit na ng elevator ako ay naagaw ng malaking kumpol ng grupo ng mga staff ang pansin ko.

Naka tingin lang sila sa may flat screen tv sa lounge area sa department namin at namutawi ang bulung-bulungan..

"She's coming back."

"Ang dami-dami na daw nyang offers dito."

"Balita daw na may tinanggap na syang offer na maging cover ng magazine."

Ramdam ang excitement sa boses ng bawat tao sa lounge. Pati tuloy ako ay medyo nacu-curious na.

Habang nag higintay na mag bujas ang elevator ay medyo naisipan kong dumungaw sa tv ngunit hindi kinaya sa dami ng tao.

Dinig ngunit di ko na naintindihan ang sinasabi ng host sa tv. Marahil sng nag babslits sa kung sino man ang pinag uusapan ng mga staff. One is for sure, though.

Whoever she is, she is definitely SOMEBODY.

Giving the nature of the people in my circle. They won't be this excited if she isn't.

Nag bukas ang elevator at mabilis na akonv pumasok. Sigurado akong babalitaan din naman ako ni Chad kahiy na pa hindian ko sya.

"She said in her interview that she misses somebody in the Philippines big time."

How Much I Love HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon